KHALIL “A-anong ginagawa mo dito??? Sinusundan mo ba ako???” Gulat na sambit ni Lorette. Putlang-putla ang mukha ni Tita Lolly. Hawak nito ang kanyang tyan at halatang hirap sa paglalakad. “Ahhh… Hindi, anak. Nag-nagtanong lang ako sa mga kasama mo kung—” “Inaaaay! Gusto mo ba talaga akong mapahamak??? Gusto mo bang ipangalandakan sa lahat na anak mo ako???” “Hindi naman sa ganun, anak—” “Ganun iyon, inaaay! Ganun iyon!” Naglakad ng kaunti palayo si Ms. Sabat habang naluluha nitong hawak ang kanyang noo. Pagkatapos ay binalikan niya ang kanyang ina. “Inay! Iniwan ko ang bahay natin dahil ayoko nang balikan pa ang nakaraan! Malinaw na malinaw kong sinabi sa iyo na ayaw na kitang makita pa kahit kailan! Wala akong magulang na katulad mo! Wala!” Napapikit si Tital Lolly at napapisil

