Chapter Six

1435 Words
ILANG minuto na ang nakalilipas mula nang matapos ang usapan nila ni Steve sa telepono. Nakatulala pa rin si Irish sa kawalan at blangko ang isip. Nagpaalam ito na aalis ng bansa para sa isang business trip. Balak nilang magbukas ng isang branch sa ibang bansa. Mga dalawa hanggang tatlong buwan ang ilalagi nito roon. Wala naman iyong kaso sa kaniya dahil hindi naman sila totoong nagmamahalan. Hindi niya ito mami-miss. Ngunit sa huling sinabi nito siya nababahala. Pinapaplano na raw agad ni Don Severino ang kanilang pagpapakasal. Sa pagbabalik ni Steve ay asikasuhin na raw nila ang lahat ng kailangan upang maikasal sila sa lalong madaling panahon. Bagay na hindi niya lubos na inaasahang mangyari agad. Pero kung iisipin, dapat ay hindi na niya iyon ikinagulat pa. Dahil simula't sapul ay aware naman siyang mangyayari iyon talaga. Pinangakuan siya ng magandang kinabukasan ni Steve at nagpapilit siya dito. Pumayag siya. "Kumusta na?" Matapos ang ilang minuto niyang pagmumuni-muni ay nahimasmasan din siya. Naisipan niyang tawagan ang kapatid nang makitang online ito sa social media. "Okay naman, Ate. Wait lang tatawagin ko sina Mama at Papa." Nakita niyang nagtatakbo palayo sa harap ng camera ang kaniyang bunsong kapatid na si Janice. Labing-tatlong taong gulang na ito at kasalukuyang nasa first year highschool. "Kumusta ka na d'yan, anak?" Kitang-kita ang sigla ng kaniyang mga magulang nang makita siya sa video call. Halatang galing pa ang mga ito sa initan dahil sa tagaktak ng pawis na nangingintab sa may bandang leeg ng mga ito. "Ayos naman po, 'Ma, 'Pa," tugon niya. "Natanggap niyo na ba iyong padala ko no'ng nakaraan?" "Oo naman, anak. Maraming salamat. Pasensya ka na, ha? Isang linggo kasing nawalan ng trabaho ang Papa mo. Kakatapos lang kasi ng project nila, wala pang malilipatan." "Wala 'yon, Ma. May sobra pa naman ako dito," aniya. "Ano nga ulit ang trabaho mo d'yan? Manager ka d'yan, 'di ba, 'nak?" Bakas ang pagiging proud sa mga mata ng kaniyang ina. "Branch manager po, 'Ma. Pero dito lang sa store na ito. Hindi ko sakop iyong ibang branch ng tindahan namin sa ibang lugar." "Pero at least, manager ka na. Ang galing talaga ng anak ko. Kaya proud na proud kami sa 'yo eh." "May sasabihin po sana ako sa inyo." Biglang nag-iba ang timbre ng kaniyang boses. "Ano 'yon, 'nak?" Hindi siya nakasagot agad. Nagdadalawang-isip pa siya kung dapat ba niyang ipagbigay alam ang tungkol sa kanila ni Steve. Na ikakasal na siya. Iimbitahan pa ba niya ang mga ito sa araw na iyon? Kilala niyang may pagkakonserbatibo ang mga ito. At marahil hindi ikatuwa ng mga magulang ang paraan ng pagkakaugnay nila. P'wede naman sigurong hindi na niya papuntahin ang pamilya sa araw ng kasal nila. "Anak?" untag sa kaniya ng kaniyang ina. "Tatawag na lang po ako sa inyo, 'Ma. May gagawin pa po pala ako," palusot niya. Hindi niya pa kayang sabihin ang lahat. "Sige, anak. Basta palagi kang mag-iingat d'yan. Tumawag ka na lang 'pag hindi ka na busy." Napabuntong-hininga siya matapos ang tawag. May ilang buwan pa siyang nalalabi para magsabi. ..... ITO ang unang araw na magsisimula si Brian na magtrabaho. Tapos na ang palugit ng bakasyong hiningi niya sa ama nang makauwi siya galing America kung saan siya nagtapos ng pag-aaral. About din sa business management ang tinapos niyang kurso mula sa Harvard University. Sa edad niyang bente-otso ay mayroon na rin siyang master's degree. Kagabi umalis ang kapatid niyang si Steve patungong Thailand kung saan balak nilang magtayo ng branch ng Fortaleza's Gems and Diamonds. Sa isang mall din iyon sa Bangkok at magtatagal si Steve roon upang mag-ayos ng mga kinakailangang papeles. Kanina pa siya nakatingin sa kawalan habang nakaupo sa swivel chair sa loob ng opisina ng kaniyang kapatid. Siya ang pansamantalang hahalili dito bilang director. Ngunit parang wala pa siya sa sariling magtrabaho. May ibang tumatakbo sa kaniyang isipan. Eleven pa lamang bago magtanghali ay lumabas na siya ng opisina upang mag-lunch break. Sumakay siya ng kaniyang kotse at kung may anong ideyang naisip. Napapangiti siya habang nagda-drive. ..... Araw ng Biyernes noon at iyon ang huling araw ni Irish sa trabaho para sa linggong iyon. As usual, medyo tambak siya sa trabaho at kahit malapit nang mag-alas dose ng tanghali ay parang wala siyang balak umalis sa harap ng computer. Walang anu-ano'y bumukas ang pinto ng kaniyang opisina. Dahil sa tinatapos ay hindi niya agad napansin kung sino ang walang habas na pumasok na hindi man lamang kumatok ni isang beses. Sa gilid ng kaniyang mga mata ay nakikita niya ang isang malaking bulto at nang tuluyan siyang tumingin dito ay para siyang pinako sa kinauupuan. "Stop acting like you're so busy," sabi ng baritonong boses ng lalaki sa kaniyang harapan. "Bakit ka nandito?" tanong niya sa tonong parang napupurwesiyo siya nito. "To have lunch with you. Come on." Sa ibabaw ng kaniyang lamesa ay inilapag ni Brian ang cellphone niyang nasa pag-aari nito. Kumindat pa ito sa kaniya nang mapatingin siya dito. "I didn't steal any picture, don't worry." Tukoy nito sa mga photos niya na nasa cellphone. "I didn't even try to crack the password either," sabi pa nito. "Thanks," aniya sa pag-aakalang ibinabalik na nito nang kusang loob ang cellphone. Ngunit mabilis nitong napigilan ang kaniyang kamay. Pakiramdam niya ay libo-libong boltahe ng kuryente ang dumaloy mula sa palad nito na nakahawak ngayon sa kaniya. "Have a lunch with me," anito na matamang nakatitig sa kaniyang mukha. Sinubukan niyang bawiin ang kamay. "Marami pa akong tatapusin. Magpapa-take out na lang ako at dito ko balak kumain." Pinilit niyang kaswal na sumagot. Ayaw niyang mahalata nito na malakas ang kabog ng dibdib niya kapag kausap nito. "You can't say 'no' to me. That's an order. We'll be having a lunch together everyday, starting today." Nakita na naman niya ang matiim nitong tingin. Seryoso ito sa pagkakasabi niyon. "Mister Fortaleza, wala kang karapatang utusan ako nang ganiyan. Una sa lahat, empleyado ako ni Steve, ang fiancé ko. You're maybe his brother, pero hindi ibig sabihin n'yon ay hawak mo na din ako sa leeg. Okay?" Sinubukan niyang ibalik ang focus sa ginagawa sa computer ngunit nagulat siya nang bigla nitong pindutin ang shutdown button. "I said, you can't say 'no' to me. While Steve is out, I am your director. Kaya lahat ng sasabihin ko ay gagawin mo. Kapag sinabi kong sumama ka sa'kin, sasama ka sa akin." Halos kaladkarin siya nito palabas ng kaniyang opisina. Lumabas sila ni Brian ng mall. Dumeretso sila sa parking lot at pilit siyang pinasakay sa kotse nito. "I want to try this thing they call Samgyupsal," sabi nito pag-upo pa lamang nila sa loob ng sasakyan. Tumango si Irish. "Okay," tugon niya na parang wala sa sarili. "Aren't you happy you're going out with me?" confident na tanong nito. Umigkas ang isa niyang kilay. "Kung totoong nobyo kita baka puwede pa." Napahalakhak ito. "Gan'on ba? Well, I can be your boyfriend, sweetie. I can even make you moan and scream every night as well. Magaling ako d'on." Muli ay nakita niya ang pagkindat nito. Bakit ba sobrang guwapo nito sa kaniyang paningin? Kahit halata ang pagka-playboy at pagkamanyakis nito ay para siyang kinikilig kapag kausap ito. Hindi niya maintindihan ang sarili. Napakalayo nito sa ideal man niya na gentleman. "H-Hindi na bale," iyon ang namutawi sa mga labi niya. "Hindi ako tulad ng mga naging babae mo sa America. Hindi ako liberated. At saka... m-may fiancé na ako. At malapit na kaming ikasal." Muntik na siyang mabulunan sa huling sinabi. "As long as you're not married yet, puwede ko pang gawin lahat ng gusto sa 'yo," kampante nitong tugon. "At kahit kasal na kayo, you can file an annulment. Then you'll still be mine." Napanganga siya sa sinabi nito. Ano kayang mayroon siya na nakita nito at ganoon na lamang ang pagnanais nitong makuha siya? Hindi naman siya ganoon kaganda. Hindi rin kasing sexy ng maldita nitong kasamang babae noong nakaraan. Napagtitripan lamang yata siya nito. "E-Ewan ko sa iyo," naguguluhang tugon niya. "I wish I knew you before Steve did." Seryoso itong sumulyap sa kaniya. "Anyway, have you two tried doing it together. s*x?" Biglang nanlaki ang kaniyang mga mata. "Bastos ka talaga!" Ang lakas ng tawa nito. "Kahit sa tingin ko medyo boring kang tao, I still can't help it. I want you." Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Ngunit mas tumagal ang mga mata nito sa parte ng kaniyang dibdib. Tumagilid siyang lalo upang hindi na siya nito doon matitigan. Mayamaya ay tumigil na ang kanilang sasakyan sa tapat ng isang Korean restaurant.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD