Chapter One
"HAY, sa wakas!" Napabuntong-hininga si Irish sabay punas ng face towel sa namamawis na mukha. Finally, natapos din niya general cleaning ng bahay na sinimulan niya kanina pang umaga. May mga bago din kasi siyang biling furniture at wala siyang katulong sa pagbubuhat.
Mag-isa lamang siyang nakatira sa town house unit na iyon. Halos isang taon na rin mula nang siya'y doon manirahan. Libre lang ang upa niya roon dahil subsidy iyon ng kompanyang pinagtatrabahuhan niya bilang isang branch manager ng isang kilalang jewelry store sa isang mall. Sa edad na twenty-four ay masasabing medyo masuwerte siya sa buhay.
Biglang tumunog ang doorbell. Ilang segundo siyang napaisip kung sino iyon gayong wala naman siyang inaasahang deliver o bisita. Wala naman din siyang nobyo at nasa probinsya ang kan'yang pamilya. Pag tingin niya pa sa oras ay mag-aala sais na pala ng gabi.
"Steve!" Nasagot din ang kan'yang katanungan nang lumabas siya ng bahay. Ngumiti siya bilang pagsalubong sa kan'yang bisita. Agad niya itong pinagbuksan ng gate.
"You look haggard today," biro nito nang makita ang kan'yang hitsura. Medyo magulo kasi ang kan'yang buhok at may pagka-oily pa ang face. Halatang wala pa rin siyang ligo.
"Nag-ayos kasi ako ng bahay," aniya habang naglalakad sila papasok ng bahay. "What brought you here anyway?"
May bitbit pa itong isang box ng pizza at isang litro ng softdrinks. It's been awhile since magkita sila nang personal dahil sa sobrang busy na tao ito. At 'di niya inaasahan ang biglaang pagbisita nito sa kan'ya.
This guy was none other than Steven Ian Fortaleza. The eldest son of a business tycoon Severino Fortaleza na nagmamay-ari ng iba't ibang negosyo like hotels, supermarkets, real estates and even the jewelry store na pinagtatrabahuhan niya. Nagkakilala sila noong college dahil parehas sila ng kinuhang kursong Business Management. And since then, nagkapalagayan sila ng loob at naging magkaibigan. Hanggang sa magtapos sila ay hindi sila naghiwalay. Tinulungan siya nitong makahanap ng trabaho sa isang kompanyang pag-aari ng pamilya nito. At kahit wala pang masyadong experience ay agad siya nitong ginawang branch manager.
"I just want to see you." Inilapag nito ang dala sa may center table. " Wait, you just did it yourself?" manghang tanong nito matapos sipatin ang bagong disenyo ng kan'yang sala. May bago iyong kabit na wallpaper na nagdagdag ng mas magandang imahe sa mga titingin.
"Definitely." Nameywang siya upang ipagmalaki ang gawa. "Okay ba?"
"Absolutely."
Feeling at home, dinampot ni Steve ang remote at binuksan ang kan'yang flatscreen na TV. Naghanap ito ng latest movie online.
"Maybe I'll take a shower first," paalam niya dahil nalalagkitan na siya sa kan'yang katawan.
"Sure," tugon naman nito habang prenteng nakaupo sa sofa habang nakatutok na sa pinapanood.
Pagkatapos niya mag shower ay b-in-lower niya ang kan'yang buhok. Nadatnan niyang hindi pa binubuksan ni Steve ang biniling pizza at softdrinks. Kumuha siya ng dalawang baso para sa kanilang dalawa.
"W- Why?" naguguluhang tanong niya nang mapansing mataman siyang pinagmamasdan ni Steve.
"I never realized na gan'yan ka pala kaganda."
Biglang siyang namula dahil sa narinig. Hindi niya inaasahan na sasabihin nito iyon. Sa loob ng maraming taon nilang pinagsamahan, he never mentioned anything about her being pretty or something. At alam niya sa sarili niya na mag-bestfriend lang talaga ang tingin nila sa isa't isa. Nothing more than that.
"S-Sus!" Pinilit niyang hindi bigyang malisya ang sinabi nito. "Mas maganda pa din ang girlfriend mo kaysa sa akin," aniya kahit wala naman siyang nababalitaang girlfriend nito.
Tumawa itong bigla. Lumabas ang malalalim na dimples nito sa magkabilang pisngi at ang mga pantay at mapuputing ngipin. "How did you know I got one?"
Biglang nanlaki ang kan'yang mga mata. "Y-You got one? Y-You mean may girlfriend ka na?" Talagang nagulat siya dahil sanay siyang nagkuk'wento ito kahit mga personal na bagay.
"Actually, matagal na," anito bago kumagat sa hawak na slice ng pizza.
"R-Really?" napapaisip pa ring tugon niya. Kumuha na lang din siya ng isang slice ng pizza.
"Why don't you come with us this coming Saturday night? Magdi-dinner kami sa bahay. Para makilala ka na din niya, tutal you're a great friend of mine."
"H-Huh?" maang niya. "Bakit naman kailangan pa akong magpunta at makilala sa inyo? H-Hindi naman ako galing sa mayamang pamilya tulad ng sa inyo. Maa-out-of-place lang ako do'n."
"Ano ka ba? H'wag mong isipin 'yon. 'Di porke't mayaman kami ay tumitingin kami sa estado ng buhay ng iba. Look at me, have I ever treated you like that?"
Nagmatigas pa rin si Irish. "S'yempre, iba ka at iba din sila."
Natatakot siya. Dahil for the first time ay makikilala niya ang pamilya nito, at pati ba naman ang girlfriend nito. Hindi niya saulado ang karakas ng mayayaman at nahihiya siya para sa kanyang sarili. Sa tingin niya, ang mga tulad niyang galing sa hirap ay hindi maaaring makihalubilo sa pagtitipon ng mayayaman.
"Tsk! Masyado kang negative mag-isip." Napailing na lamang si Steve. "Basta susunduin kita sa Sabado 7pm sharp, okay?"
"H-Huh? Naku --"
"Akong bahala sa'yo. Trust me."
At hindi na nga nagkaroon pa ng pagkakataong tumanggi si Irish lalo na nang magpaalam na ito mayamaya lang.
Tulala pa rin siya hanggang lumalim ang gabi.
....
ILANG araw ang matuling lumipas at dumating na nga ang Sabado.
Ilang minuto nang sinisipat ni Irish ang sarili sa harap ng salamin suot ang floral dress na binili niya sa mall.
Simple lang naman ang hitsura niya. Hanggang balikat ang kan'yang itim at wavy na buhok. Medyo matangkad sa height na 5'5, at may mapino at maputing kutis. Katamtaman lamang ang tangos ng kan'yang ilong. May pagkamanipis ang pinkish na mga labi at may pagkamalamlam ang mga mata.
Hindi naman sa pihikan siya sa mga lalaki, ngunit totoong hindi pa siya nagkakanobyo. Priority niya pa kasi sa ngayon ang pamilya. Gusto niya na bago niya unahin ang mga personal niyang bagay ay mabigyan muna niya ng maayos na pamumuhay ang mga ito.
Siya ang panganay sa kanilang tatlong magkakapatid. Ang ikalawa niyang kapatid ay maagang nag-asawa at nagkapamilya sa edad na disiotso. Habang nasa grade eleven naman ang kanilang bunso kaya mahaba-habang panahon pa ang bubunuin niya para makatapos ito. Construction worker lang ang kan'yang ama at tindera naman sa palengke ang kan'yang ina. Kung sila lamang ang magtutulungan ay tiyak na hindi nila kakayanin.
Pagpatak ng alas-siete ng gabi ay narinig na niya ang busina sa labas. Sakto niyon ay katatapos lamang niya sa pag-aayos sa sarili.
"Oh!"
Nagulat siya sa naging reaksyon ni Steve nang makita siyang lumabas ng gate. Napapangiti ito habang pinapasadahan siya ng tingin.
"Sorry, ito lang ang nakayanan ko," feeling insecured naman niyang sagot.
"You're all worth it," anito sabay pinagbuksan siya ng pinto ng frontseat. Maingat naman siyang umupo upang hindi magusot ang suot na damit.
Mayamaya pa ay tinahak na nila ang daan patungong mansyon. Tahimik lang at palihim na nagdasal si Irish na sana ay matapos nang mabilis ang gabing iyon.
Tila hihimatayin siya sa kaba nang makarating na sila sa pupuntahan. So, totoo ngang ganito kagarbo ang mansyon ng mga Fortaleza tulad ng nakikita niya sa mga magazine.
Mala-palasyo ang dating niyon sa kanya dahil sa sobrang laki at taas. Napapalibutan ito ng maraming bulaklak at halaman. Sa gitna ay mayroon pang fountain na binibigyang buhay ng iba't ibang kulay ng mga pailaw.
"Tara na," natatawang yaya ni Steve sa kanya dahil tila napansin nito ang pagkatulala niya. Iniangkla nito ang braso sa braso niya.
"O-Okay lang ako." Mabilis namang inilayo ni Irish ang sarili mula dito. "Baka magselos ang girlfriend mo kapag nakita tayo." Mahirap na, aniya sa isip.
"Masyado ka talagang nerbiyosa. This is how we bring every woman here inside. It's a sign of respect."
Wala na nga siyang nagawa kundi ang hayaan itong kapitan siya. Pagpasok pa lang sa may hallway ay halos malula na sa garbo ng chandelier si Irish.
"Don't make it too obvious," bulong sa kan'ya ni Steve. "Just relax."
May mga katulong na sumalubong sa kanila at bumati. Mayamaya lang ay nakarating na sila sa may dining area at doon ay kanina pa tila naghihintay ang pamilya ni Steve.
Ang pinagtataka ni Irish ay kung bakit puro lalaki ang mga iyon. Nasaan ang sinasabi ni Steve na girlfriend nito?
"Have a seat, hija," paanyaya sa kaniya ng may edad na lalaki. Si Don Severino Fortaleza.
Pinaghila siya ni Steve ng upuan sa may tabi nito.
"G-Good evening po!" Palihim niyang pinasadahan ng tingin ang mga ka-dine in sa lamesa. Lahat ng mga ito ay nakatingin at nakangiti sa kanya maliban sa isang lalaki na matamang pinag-aaralan ang kan'yang hitsura.
"So finally, nakilala ka rin namin!" muling nagsalita si Don Severino na nakangiti rin sa kan'ya. "You are my son Steve's long time girlfriend, right?'
Nagimbal siya sa narinig. Matalas ang tinging mabilis niyang ipinukol kay Steve na nasa tabi niya.
"Irish Montalibano." Sa halip na pansinin siya ay ipinakilala siya ni Steve sa mga kaharap. "We've been dating since our college days. Seven years in exact."
Napaawang ang kanyang mga labi. Anong pinagsasabi ng lalaking ito? Oo nga't matagal na silang magkakilala pero dating? Never pa siyang nakipag-date sa kaninong lalaki.
"Baby, I'd like you to meet my brothers : Markus, France, Nicko and Brian." Isa-isa nitong itinuro ang mga nabanggit.
Baby? Oh my god! Anong nangyayari sa paligid niya? Ipinakikilala nga ba siya nito bilang girlfriend?
"Irish?" Siniko siya ni Steve. "I said meet them."
"H-Huh? Y-Yes, please to meet you all," nauutal niyang baling sa mga kaharap.
"Pasensya na kayo at medyo mahiyain ang girlfriend ko."
Mayamaya pa ay dumating na ang mga katulong at nag-serve ng kanilang hapunan.
Pinaglagay pa siya ni Steve ng pagkain sa kan'yang plato. Ngunit imbes na matuwa ay parang gusto niyang salaksakin ito ng table knife na hawak niya. He made a fool out of her. Iyon ang nagtutumimo sa kaniyang isipan.
Tinapos niya nang mabilis ang kaniyang pagkain. Siniko niya si Steve na abala sa pakikipagkwentuhan sa mga kapatid about sa kanilang sari-sariling interes.
Nagpaalam siyang magsi-CR saglit at tumayo naman ito para samahan siya.
"What's all of this?" Naglalakad pa lamang sila sa may pasilyo patungong comfort room ay hindi na napigilan ni Irish ang sarili.
"I'm sorry. Let me explain about this," malumanay na sagot ni Steve.
"Explain what? Akala ko ba ay may girlfriend kang ipapakilala mo rin sa akin? Bakit ang ending ay ako rin pala ang ipapakilala mong girlfriend sa kanila?" Halos magsintir na siya sa galit.
"Can we just talk about it the other day? Baka may makarinig sa atin dito."
Pagdating nila sa dulo ay itinuro nito ang ladies' room. Agad namang pumasok si Irish at bahagya pang napapitlag pagbungad niya sa loob. Halos kasing laki kasi iyon ng bahay nila sa probinsya. Hindi na naman niya naiwasang humanga.
Whatever! Bulong niya sa isip habang inaayos ang sarili sa harap ng salamin. This night is my greatest nightmare.
Paglabas niya ng CR ay hindi niya nakita si Steve na naghihintay. Naisip niyang bumalik na lang nang mag-isa sa may dining area.
Saan nga 'yon ulit? Sa dami ng pasikot-sikot na nakita niya sa may dulong pasilyo ay hindi na niya alam kung saan sila dumaan ni Steve kanina.
Nag-eenie meenie miney mo pa siya kung saang daan ang tatahakin. Kung bakit kasi naiwan din niya ang cellphone sa loob ng kan'yang bag. Madali sanang mag-message na lang para masundo siya nito.
Pagdating sa dulo ay doon niya napagtantong mali siya ng napuntahan. Swimming pool ang nadatnan niya doon at may lamesa pa ng bilyaran sa gitna.
Nagmadali siyang tumalilis pabalik. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang siya nang bumukas ang isang pinto ng kwarto doon at iniluwa ang isang malaking tao na walang ibang saplot sa katawan maliban sa nakatapis na tuwalya sa pang-ibabang bahagi nito.
Pagtingala niya ay muntik na siyang malusaw sa kinatatayuan nang masalubong ang matiim na titig ng lalaki.
"Trolling, huh?" anito sa baritonong boses.
Ilang saglit na natigilan si Irish at napatitig sa kaharap. Sobrang tangkad nito na halos hindi na siya umabot sa balikat. Maskulado ang katawan na halatang sanay sa pagwo-work-out. And that face, tulad ni Steve ay halatang may lahi itong European. Katamtamang kapal ng kilay, droopy nose and that deep-set eyes and curvy lips that could make any woman like her fall in just a gaze.
Pero hindi approachable ang awra nito dahil mukha itong dragon, hindi tulad ni Steve na mukhang mabait.
Ito lang naman ang isang kapatid ni Steve na simula't sapul pa lamang ay tinitigan na siya nang masama. That Brian,kung hindi siya nagkakamali.
"N-Nagkamali lang ako ng napasukan," halos mautal siyang sumagot.
"Or else you're trying to look for something." May pang-uuyam ang dating ng boses nito.
Ngunit hindi na nag-atubili si Irish na intindihin pa ito. Tumalilis na siya ng hakbang palayo.
....
MALALIM na ang gabi nang maihatid siya ni Steve sa kaniyang tinitirahan. Pagod at medyo inaantok na si Irish.
"It's about a family matter," pagsisimula ni Steve sa eksplanasyong sinasabi nito kanina.
"So anong kinalaman ko roon?" Pinilit ni Irish na magising ang kan'yang diwa.
"May sakit si daddy, stage 4 cancer. At bago siya mawala dito sa mundo, gusto niyang masilayan muna ang kan'yang magiging unang apo. As the eldest son, he is relying on me."
Napamulagat si Irish. "H'wag mong sabihin pati anak gusto mo ring magkaro'n sa'kin?"
Napabuga ito ng hangin. "I don't know."
"Guwapo ka naman, mayaman, mabait, matalino, why is it hard for you to look for a real girlfriend?"
"You know that I have trust issues."
Naalala niya ang kinuwento nitong ex dati na niloko ito.
"So, anong plano mo?"
"He wants us to get married soon."
"What?" Sa puntong iyon ay lalong nagising ang diwa ni Irish. "Seriously? W-Wala naman siyang nabanggit, ah."
"There was, no'ng nag-CR ka."
Umiling si Irish.
"N-No, Steve, I can't do it."
"He promised me to give the biggest share in our company. If that happens I can give you and your family a better future ten times of what you could ever provide them."
Umigkas ang isa niyang kilay. Parang hindi na ito ang Steve na nakilala niya. Malinaw na nais nitong bilihin ang buhay at ang kinabukasan niya.
"Be my fianceé," huling sabi nito na tila nag-uutos bago sila naghiwalay nang gabing iyon.