Chapter Nine

1464 Words
NAKAILANG message at tawag na si Irish kay Steve ngunit hindi niya ito makontak. Offlane ito palagi at hindi pa nasi-seen ang kaniyang mga chat. Si Steve na lang ang naiisip niyang pag-asa. Balak niyang utangan ito dahil alam niyang hindi ito magdadalawang-isip na tulungan siya. Ngunit ang problema nga lamang ay out of reach ito. Marahil sobrang busy ito sa trabaho. Gusto niyang mag-apply ng loan sa bangko. Ngunit tiyak siyang hindi niya naman agad-agad makukuha ang cash dahil dadaan pa iyon sa mahabang proseso. Ang isa pa ay hindi siya sigurado kung makakautang ng two hundred thousand pesos dahil first loan niya iyon kung sakali. "Hey!" Isang malakas na tuktok sa lamesa ang umagaw ng atensyon niya. Kanina pa kasi tulala si Irish at busy sa pag-iisip. Si Brian na wala pang alas dose ng tanghali ay nandoon na naman sa kaniyang opisina at nag-aayang mag-lunch break. "Busy ako, Mister Fortaleza. Hindi ako makakasama sa 'yo." Ipinukol niya ang atensyon sa ginagawa sa computer kanina. Ito pa ang isa pa niyang pinoproblema. Mga naiwan niyang sales report na hindi natapos na dapat ay noong last day niya pa nagawa. Tiningnan niya nang matalim si Brian nang muli nitong tangkaing gawin ang pagsa-shutdown sa kaniyang computer. "Isa ka pa. Andami ko nang problema dadagdag ka pa!" asik niya dito. Parang nagulat ito sa kaniyang pagsigaw. Tumikhim ito at tinitigan din siya nang masama. Pairap niyang binawi ang mga paningin dito. Padabog siyang nag-type sa keyboard. "Ano bang problema mo?" Siya naman ang nagulat sa pasigaw nitong tanong. "Wala ka nang pakialam d'on. Puwede ka nang umalis, wala akong ganang kumain," aniya na hindi man lang tumitingin dito. "Isa!" Binilangan siya nito. "Hindi ako aalis hangga't hindi ka nagpapaliwanag sa 'kin." Huminga siya nang malalim. "Labas ka na sa personal kong buhay. I don't owe you any explanation." Ngunit may ideyang biglang pumasok sa kaniyang isip. What if subukan niyang mangutang dito? Tutal tiyak na napakarami rin nitong pera. Hindi ito manghihinayang sa hihiramin niya. "Of course, kailangan mong mag-explain. Dahil pati ako nadadamay sa problema mo." "May family problem ako. Ano? Masaya ka na?" Napansin niya ang biglang pagbabago ng ekspresyon nito. "Tell me." Umamong bigla ang boses nito. Tinitigan itong mabuti ni Irish. Tama kaya ang naisip niya? Tutulungan kaya siya nito? O baka naman manghingi ito ng ibang kapalit. "N-Naghahanap ako ng mauutangan," aniya sa nanginginig na boses. "What for?" Nakita niyang tumaas ang isa nitong kilay. Naalala niyang muli ang sinapit ng kaniyang ama. Kusang bumagsak ang kaniyang luha. "P-Pampagamot sa Papa ko. Nasa ospital siya ngayon." Pilit niyang pinupunasan ang tuloy-tuloy na luhang bumabagsak mula sa kaniyang mga mata. "I see," mahina nitong sabi. Sinulyapan niya ito. Seryoso itong nakatitig din sa kaniya. Parang binabasa kung nagsasabi nga siya ng totoo. "P-Pauutangin mo ba ako?" lakas loob niyang tanong. Umiling-iling ito, sabay ngumiti. "Of course, I won't!" Nagdilim bigla ang kaniyang mundo. "P'wes, makakaalis ka na. Lubayan mo na ako. Hindi ko kailangan ng mga kagaya mo sa buhay ko!" Nagsisintir siya sa dismaya. "Hindi kita pauutangin, bibigyan kita." Nagpanting ang kaniyang tainga sa narinig. "T-Totoo?" mabilis niyang tanong. Biglang bumilis ang kabog ng kaniyang dibdib. "Yes. So name your price." Lumunok muna siya. "T-Two hundred thousand." "Noted. But in one condition." Muli ay nakita niya ang pilyo nitong ngiti. Ang malilikot nitong mata ay mataman na namang dumako sa kaniyang hindi namang kalakihang dibdib. "A-Ano 'yon?" maang niya kahit may ideya na siya sa gusto nitong mangyari. "A night with me of course." Kinindatan siya nito. Nasapo niya ang dibdib. Mas bumilis ang t***k niyon. Ramdam niya rin ang pag-iinit ng kaniyang magkabilaang pisngi. Makakaya niya bang gawin ang hinihiling nito? "I will wait for your decision until six in the evening," sabi pa nito nang matagalan ang kaniyang pagsagot. "P-Pag-iisipan ko pa siguro," aniya sabay kagat sa pang-ibaba niyang labi. Hindi niya ma-imagine ang sarili na ginagawa ang bagay na iyon. Baka hindi niya mapatawad ang sarili. "Okay, fine." Nagkibit-balikat ito. "Anyway, it's already twelve noon. Let's go." ..... SAMPUNG minuto bago mag-alas sais ng gabi ay nakatulala lamang si Irish. Nakatitig lang siya sa kaniyang cellphone at halos magmugto ang mga mata. Katatapos lang ng tawag ng kaniyang kapatid. Nagbalita sa kondisyon ng kanilang Papa. Hindi pa raw stable ang kalagayan nito. Under observation pa rin. Hindi pa rin nasisimulan ang operasyon nito dahil kailangan daw muna ng downpayment. Muli na namang nagbadya sa pagpatak ang kaniyang mga luha. Bawat sandaling sinasayang niya ay kapalit ng bilang ng oras ng kaniyang ama. Kailangan na niya ng cash ora mismo. Dapat na ba talaga siyang kumapit sa patalim? Isang minuto bago mag-alas sais ng gabi ay muli niyang hinawakan ang cellphone. Hinanap niya ang account name ni Brian online at pikit-matang nag-send ng message nito. Alam niyang mali ang kaniyang gagawin ngunit may pagpipilian ba siya? Handa niyang isakripisyo ang lahat para sa kaniyang pamilya. Maiintindihan naman siguro siya ng Diyos sa kaniyang gagawin. Kailangan niyang ihanda ang kaniyang sarili. Wala pang ilang minuto ay natanggap niya ang reply ni Brian. "On my way, sweetie." At may heart emojie pa. Ilang sandali na naman siyang napatulala. Parang nanlalamig ang kaniyang mga tuhod. Siguro ganoon talaga kapag wala pang karanasan. Nakakatakot. Mayamaya pa ay inayos na niya ang mga gamit. Nag-retouch na siya ng make-up at inihanda na ang sarili para mag-out. Sa labas ng mall siya nito susunduin. Bandang six thirty nang may tumigil na itim na kotse sa kaniyang harapan. Mabilis na sumakay si Irish sa may tabi ng driver's seat. "Seryoso ka ba talaga?" tanong ni Brian pagkaupo niya. "B-Bahala na," kinakabahan niyang tugon. Nagsimula na itong mag-drive. "Pinaka-ayoko sa lahat iyong sumasagot nang hindi sigurado. Baka kapag nandoon na tayo umurong ka." Nakita niya ang seryoso nitong mukha. Matalim itong sumulyap sa kaniya. Tigagal siya. "O-Oo, s-seryoso ako," taranta at halos mautal niyang sabi. Hinawakan niya ang tuhod na nilalamig. "Okay, kumain muna tayo." Bigla nitong binilisan ang pagda-drive. Walang traffic nang mga oras na iyon kaya dere-deretso ang takbo nila. Tumigil muna sila sa isang restaurant upang kumain. Pagkuwa'y bumiyahe silang muli. Sa parking lot ng isang mataas na building pumasok ang kanilang sasakyan. Nanginginig ang mga tuhod ni Irish nang bumaba siya ng kotse at nagsimula silang maglakad. Sumakay sila ng elevator pa-lobby. "You can wait here," sabi ni Brian nang mapadaan sila sa isang bench. Umupo siya habang ito ay nagderetso sa may receptionist. Ilang segundong nag-usap ang dalawa bago iniabot ng babae ang susi. Dumako ito sa gawi niya at sinenyasan siyang sumunod. Nakayuko siya na naglakad sa gawi nito at muli silang sumakay ng elevator. Pinindot ni Brian ang number nineteen. Tahimik pa rin siya hanggang sa mga oras na iyon. Mataman lang siyang nakatitig sa sahig. Pagdating nila sa ika- nineteenth floor ay naunang naglakad si Brian. Walang tao sa pasilyong tinatahak nila at panay ang linga ni Irish sa bawat pintong nadaraanan nila. First time niyang nakapasok sa isang hotel kaya wala siyang ideya sa nakikita. Muntik pa niyang mabundol si Brian nang bigla itong tumigil sa paghakbang. Sinususian na nito ang magiging kuwarto nila. Pagbukas ng ilaw ay namangha siya sa nakita. Parang bahay lang ang kanilang kuwarto. May living area, dining area at sa dulo ay kita niya ang veranda na pinapaderan lamang ng sliding na salamin. Style pangmayaman ang interior at may magaganda pang painting sa mga dingding. Ganito siguro talaga kapag nasa isang five-star hotel. "Take a shower," utos sa kaniya ni Brian. Isinabit nito ang hinubad na tuxedo sa hook sa likod ng pinto. Sinisimulan na rin nitong tanggalin ang mga butones ng puting polo nito. Siya naman ay tarantang inilapag ang bag sa lamesa at nagtungo sa banyo. Pagpasok niya ay hindi niya malaman ang gagawin. Sumandal siya likod ng pinto at muling natulala . Sigurado nga ba siya sa gagawin niya? Nanginginig ang kaniyang buong katawan. Puwede pa kaya siyang umurong? Mapapakiusapan ba niya si Brian na kung puwede ay utangin na lamang niya ang two hundred thousand? Paano kung hindi ito pumayag? Paano na ang Papa niya? Ilang ulit na katok ang narinig niya sa labas ng pinto. Nang buksan niya iyon ay inabutan siya ni Brian ng tuwalya at roba. Pati ng isang kahon na pagbukas niya ay may lamang toothbrush, sabon at shampoo. "Bilisan mo na," sabi pa nito na tila inip na inip na. Ini-lock na niya ang pinto. Isinampay sa isang tabi ang roba at tuwalya at inisa-isang hubarin ang kaniyang suot. Mayamaya pa ay pinalagaslas na niya ang maligamgam na tubig mula sa shower. Pikit ang mga mata niya sa ginagawa. Patuloy ang pag-iisip niya sa mga susunod na pangyayari. Natatakot siya, ngunit mas ikinatatakot niya ay kung may masamang mangyari sa kaniyang ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD