"Ano nga ulit? Sino ang pakakasalan mo?" Gulat ang ina niyang tanong nang sabihin nila ang planong pagpapakasal ni Ron. Nandito sila ngayon sa bahay nila dahil ngayon mamanhikan sila Ron. "S-si Ron ho." Nakangiwi pero nakangiting sagot niya sa kanyang ina. Asa likod lang niya si Ron at ang pamilya nito. "Aba e bakit?" Naguguluhan na tanong ni Aling Lilia. Hindi nila ito masisisi kung ganon ang reaction nito dahil madalian nga ang nangyari at kadarating lang niya galing ibang bansa. Ni wala ngang alam ang mga ito na nanligaw manlang sa kanya ang lalaki at hindi din alam ng mga ito na sa bahay ni Ron siya pumunta noong lumuwas siya. Alam kasi ng mga ito na nakabukod ito ng bahay sa magulang. Ang paalam niya ay pupunta lang siya kila Keith dahil may lakad sila ng kaibigan. Pag kasi nalam

