Hiking
***Ron***
Hingal na hingal man ay hindi mapigilang mapangisi ni Ron. Tirik ang araw pero natatakpan iyon ng ulap at medyo mahangin pero tagaktak parin ang kanilang mga pawis. "Dalian nyo namang maglakad!" Hinihingal na sigaw ni Ron sa kanyang mga kaibigan. Ngisi hanggang taynga ang ngiti nya dahil sa nakikitang itsura ng mga ito.
Kasalukuyan silang umaakyat sa bundok kung saan napili nilang magbakasyon. 'A.Napili lng pala nya dahil hindi alam ng nga ito kung saan sila pupunta.' Kanina pa panay ang reklamo at panay din ang tanong kung malapit na sila, at iisa lang palagi ang sagot nya. ‘Malapit na.’ Hahaha.. ilang oras naba silang naglalakad.. nakalilang burol naba sila? Kanina pa sila naglalakad eh. Paniguradong pagod na pagod na ang mga ito dahil pagod na din sya. Kailan ba noong huli ng nyang punta dito? Medyo matagal tagal na din dahil hindi nila maiwan ang mga trabaho nila sa maynila.
"F**k! Saan ba tayo pupunta?" Inis na pasigaw na tanong ni Jef na noon ay halos ibalibag na ang dala nitong maleta.
Napatawa sya ng mahina "Kala ko ba gusto mo ng something extreme na bakasyon?"Mapang inis nyang tanong at umupo sa may batong malapit sa kinatatayoan nya saka hinarap kung saan sila galing. Mataas na ang narating nila at Malapit na din sila sa tuktok ng bundok. Ito na ang huling bundok na aakyatin nila pero ito kasi ang pinakamataas. Pagbaba nila kaunting lakad nalang at makakarating na sila sa kanilang pupuntahan. Pero duda syang aabotin pa sila ng halos isang oras dahil mababagal maglakad ang mga kasama.
Naglalakad pa ang mga ito ng ilang dipa para makarating kung nasaan siya nakapwesto at hula nyang wala paring pakialam ang mga ito sa paligid dahil abala sa pagrereklamo. Si Alex and John ay nakahubad na at sinampay nalang sa balikat ang mga puting damit at iyon na din ang pinampupunas sa sariling pawis. Kaya lumabas ang mga pandesal ng mga ito at namumutok na mga muscle. Si Jef, Macky at Tim ay halos hindi na makahakbang. Wala kang itulak kabigin sa kanilang anim. Hindi naman sa pagmamayabang, wala eh. Sadyang makisig lang talaga silang anim. Lalong lumawak ang ngisi nya sa labi. Malas ng mga kababaihan dahil hindi nila masasaksihan ang makalaglag pante’ng tanawin.
Pero pinipigil nya ang mapabunghalit ng tawa dahil sa itsura ng mga ito. Sino ba ang nakita mong naghihila ng maleta habang umaakyat sa bundok? “Hahaha. Sino ba kasi ang maghahiking ng nakamaleta.?” Buska pa nya."Next time bag nalang dalhin nyo para di kayo mahirapan." Halatang sya lang ang nag eenjoy.
Parang nanlalambot si John na tumingin sa kanya pero halata ang pagkairita. "There's no next time for you asshole!" Singhal nito saka binato sa kanya ang dala nitong bimpo na pinangpupunas ng pawis nito.
Knowing them, pagsinabi nyang aakyat sila sa bundok parang naririnig na nya ang tumataginting na NO!!! Ang sagot ng mga kaibigan. Kaya nga hindi na nya sinabi.
Binaliwala lang nya ang reklamo ng mga ito. "Let's go. Konti nalang mararating na natin ang tuktok." Pagyaya nya sabay tayo kahit alam nyang hindi pa halos nakakapagpahinga ang mga ito. Ang sarap nilang asarin eh.
Pero biglang wala na syang kausap. Dahil ang mga kasama ay nakaawang ang mga labi at nandidilat mata ang mga ito habang nakamasid sa paligid.
"Wowww..." mahina at parang bulong lang na anas ni Alex na parang pinuno pa ng hangin ang baga.
Si John naman ay panay na ang kuha ng picture parang nakalimutan bigla ang pagod. Hilig kasi nito ang photography kaya hindi mawala wala dito ang maliit na camerang dekalidad daw dahil sinadya pa nito iyon sa Japan para makakuha lang ng latest model.
Punong puno ng paghanga ang mga mata ng mga ito. Hindi na sya magtataka dahil ganon din ang reaction nya noong una siyang umapak sa lugar na ito.
Napangisi sya. "Tara na guys. Appetizer palang yan. Wait until we get there." Turo nya sa tuktok ng bundok.
Sabay sabay namang napaungol ang mga ito na wari'y nanghihina ulit.
"Malayo pa ba?" Macky's ask. Bumalik sa boses nito ang pagkainis.Si Macky ay kapatid nya. Ito ang kanyang best buddy. Kasangga nya sa lahat ng bagay.
Napakamot sya sa batok "Malapit na. Mga one hour nalang." Natatawa nyang biro. One hour na kasi sila naglalakad pero hindi parin sila nakakarating sa pupuntahan nila. E pano parang pagong ang mga ito. Idagdag pang may maletang hila hila.
"Ok let's go." Sabi ni Alex na ito lang yata ang hindi nagrereklamo. Binuhat na nito ang kanyang maleta na parang wala lang ang bigat nito.
Good for one week kasi ang plano nila kaya maleta ang mga dala. Sabi kasi nya ay sya ang bahala, Siguro ang inaasahan ng mga ito ay kagaya ng nakasanayan nilang bakasyon grande. Kagaya ng sa beach resort, pangingibang bansa. Pambabae. Kaya maleta ang dinala.
"Siguraduhin mo lang na masusulit ang bakasyon natin Ron, dahil kung hindi. Ipapagulong ka namin sa bundok na ‘to pababa." Banta ni Tim na ikinatawa naman nya.
Hindi nila alam na ang lupang inaapakan nila ay pag-aari na nya. Three years ago ay nabili nya ang lupa. Malawak ang lupain na ito, halos isang daang ektarya. Gusto nyang maayos muna ang mga dapat nyang ayusin bago niya ipaalam sa mga ito ang about sa lupa nya.
Kagragraduate lang nila ng college noon ng malaman nya ang tungkol dito sa lupa. Dahil may sapat na syang ipon at hindi naman masasayang ang pera nya ay kinuha na nya and It’s a good investment anyway.
Since second year college palang sila ay nagbibusiness na sila. Puro sila mga business minded kaya madali lang sa kanila ang kumita ng pera. Nagsimula sila sa buy and sell ng mga sports car, mga pang race na motor. Big bike at puro mga kilalang tao or mayayaman ang mga nakakadeal nila.
hanggang sa lumago ng lumago ang negosyo nila kaya pagkagraduate nila ng college ay millionaryo na silang anim. At ngayon ay matatag na ang negosyo nila na menamanage nila Tim at Alex. Pinaubaya na nila sa dalawa ang pagmamanage dahil Silang apat nila Jef, John at ang kapatid nya ay may mas mabibigat n responsibilities ang nakaatang sa mga balikat nila. Pero syempre active parin sila.
Kilala sa lipunan ang pamilya nila lalo na sa business world. Kaya naman ang focus nila ay sa family business nila.
Si Tim ay anak ng family attorney nila. Hindi ito kasing angat nila pero hindi din naman ito mahirap.
Si Alex ang may pinaka mahirap ang pinagdaanan sa buhay dahil naranasan nitong magpalaboy laboy sa kalsada, nagutom, nagkakal ng basura para makakain. Pero nagsumikap ito para makaahon. Ngayon nga ay millionaryo na ito. Utak lang talaga ang naiambag nito sa negosyo nila dahil kahit piso ay wala itong naiambag, pero sulit naman dahil mautak at matuso ito pagdating sa negosyo.
Ilang minuto pa ay narating na nila ang ibabaw ng bundok.
"Wuaaaah... what a breathtaking view." “Kumento ng mga ito na parang nakalimutan ang pagod na pinagdaanan ng wakas ay narating nila ang tuktuk.
Sa taas ng bundok ay makikita ang green na green na paligid at matatanaw ang napakalawak na taniman ng palay na parang carpet na nakalatag. Napakapresko ng hangin at napakatahimik. Huni ng ibon lang ang naririnig at ang tunog ng tubig na nanggagaling sa falls na natatakpan ito ng mayayabong na puno kaya hindi ito nakikita.
"F**k. Papaano mo narating ang lugar na ito?" Tanong ni Jef na parang hindi parin makapaniwala sa nakikita.. amaze na amaze ang loko.
Napangisi lang sya at pinuno din ng hangin ang dibdib. Mamaya na nyai kwekwento pag nakarating na sila sa resthouse na pinagawa nya.
Ilang saglit pa sila doon ng may marinig silang mga boses na nagtatawanan. Hula ni Ron ay mga estudyante 'ang aga naman nila' aniya pero sa isip lang nya nasabi dahil Alas dose palang ng hapon.
Hindi nga sya nagkamali dahil bumungad sa kanila ang limang babae at dalawang lalaki na naka uniform. Namukhaan sya ng isa sa mga ito.
"Kayo pala boss" bati agad nito ng makalapit na ang mga ito sa kanila.
"Ang aga nyo yata?" Nakangiti naman nyang tanong at bahagyan pang tinaas ang kanyang kamay sa mga kasama nito tanda ng kanyang pagbati. Dali dali namang nagdamit ang dalawa nyang kaibigan.
Kimi namang ngumiti ang mga dalagita sa kanila pero halatang kinikilig ang mga ito dahil lihim pang nagsikuhan. . Nasa kilos ng mga ito ang pagiging mahiyain. Nakayuko ang mga ito na lumagpas sa kanila na ikinangisi naman ng kanyang mga kasama kaya napailing sya. Nakalarawan ang pagkaaliw sa mga mata ng mga ito.. ibang iba talaga ang mga babae sa Maynila kumpara sa mga babaeng lumaki sa probinsya.
Mga bata pa ang mga kasama ni Balong nasa fourth year high school siguro.
Tinapunan nya ng tingin ang mga ito na tila may hinahanap ang kanyang mga mata pero nadismaya lang sya dahil alam nyang wala ito dito.
Umaasam syang makita na ito at makilala ng personal "Diba kaklase mo si Elling?" Baling nya uli sa kausap. "Balong ang pangalan mo diba?" .
"Oo boss." Sagot naman nito at lalong lumawak ang ngiti.
"Pumunta po sya sa maynila mayroon po yatang interview para po sa inaaplayan po nyang scholarship."
'So, hindi na naman pala kita makikita.' Aniya na sa isip na hindi mapigilang hindi makaramdam ng lungkot.
"Pero ngayon din po yata ang uwi nya kasi graduation ceremony po namin bukas." Anito ng nabasa siguro nito ang nasa isip nya.
"Who's Elling?" Kuryosong tanong naman ni Alex na nakikinig pala sa usapan nila.
"Kapatid po ni kuya Bryan at kaklase ko po." Si Balong ang sumagot kay Alex.
Napabuga sya ng hangin at hindi pinahalata ng pagkadismaya. "Kahit sabihin mo sa mga yan hindi din nila kilala." Naiiling nyang wika kay Balong. "Anyway. Congrats!" Tinapik nya ito sa balikat. " sa wakas ay makakagraduate na kayo" pang iiba nya sa usapan. Nakakatuwa dahil kahit gaano kahirap ang buhay at layo ng nilalakad ng mga ito araw araw ay nagpupursigi paring makatapos.
"You mean bro,araw araw kayong naglalakad ng ganito kalayo para pumasok sa school?" Tanong ni Macky na hindi maitago ang pagkamangha.
"Opo boss, wala e. Wala namang ibang masasakyan kasi di makakapasok ang sasakyan" sagot naman nito na halatang nahihiya.
Sabay sabay na nanlaki ang mata ng mga kaibigan na parang hindi makapaniwala "Wuaaah.." at halos sabay sabay pang nagreact.
"Wow! Salute kami sa inyo tol." Bati ni Alex sabay lahad ng kamay. “Ito ang mga batang dapat tularan at tinutulungan ng gobyerno.” Punong puno ng paghangang kumento ni Alex.
"Salamat po." Kiming sagot ni Balong.
"Sa Manila ba mag-aaral si Elling?" Tanong uli nya patungkol sa dalagang hindi pa nakikita ang mukha.
"Opo yata eh. Mayroon po kasing kaibigan iyon at matagal na syang niyayaya na doon na mag aral, ang hirap po kasi dito, masyado pong malayo.”
"Anong school ba?" Tanong nya ulit. Hindi nya mapigilang ang sariling magtanong ng magtanong ng tungkol dito.
"Sa Ateneo po yata hindi ko lang po sure eh. Palagi pong naluwas iyon noon para po mag exam daw tapos lumabas na yata iyong result.”
"Sino ba yong Elling na yan at kanina kapa tanong ng tanong." Takang tanong ni Tim na napansin yata nitong interested sya dito.
"Don't tell me na siya ang binilha natin kahapon ng necklace?" Kunot noong tanong din ni Macky. Sinamahan kasi sya nito na pumunta sa isang mall sa manila para bumili ng pangregalo dahil alam nyang graduation na ng dalaga.
"Wuaaah. Anak ng tipaklong tol. Pumapag-ibig ka na yata pero wala pa kaming nalalaman" ani Jhon na inakbayan sya at tinapik ang tiyan
Halos mapauklo sya. "Damn!" Mura nya dahil napalakas kasi ang pagtapik nito sa tiyan nya.
Nakita nyang nagbubulungan ang mga kasama ni Balong na parang kinikilig dahil naririnig ng mga ito ang pinag-uusapan nila.
"Magsitigil nga kayo," saway nya sa mga ito. "Binilhan ko sya ng regalo dahil malaki ang naitutulong nya sa farm ko." Paliwanag nalang nya.
Nagkatingin ang mga ito na halatang naguguluhan na."Anong farm?" Tanong Jef na nakataas ang kilay.
Napaungol nalang sya dahil nadulas syang mabanggit ang tungkol sa farm.
Napabuga sya ng hangin "I will tell you about it later okey." Sagot niya na tinaas pa ang dalawang palad para patigilin ang mga ito sa pagtatanong.
Nagkatinginan uli ang mga ito.
"Tara na para naman makarating na tayo." Yaya nya na ikinaungol na naman ng mga ito.
Halatang nagpipigil naman ng tawa ang mga estudyante na kasama nila dahil sumabay na din ang mga ito sa pagbaba nila sa bundok. Nanguna si Balong at sumunod ang lima nyang kaibigan. Saka ang mga babaeng estudyante at siya kaya nakikita nya ang pinipigil na tawa at pagsisikuhan ng mga ito.
"Wag na ninyong pigilan ang tawa nyo girls." Wika nya sa mga ito. Kahit nga siya natatawa sa mga itsura ng mga kasama nya na nakamaleta.
Napalingon ang mga ito dahil sa hagikhikan ng mga kasama nila. "F**k you! Kung sinabi mo lang na maghahiking tayo di sana aparador ang dinala namin." Mura naman ni Tim sa kanya na lalong ikinatawa nila.
Napapailing nalang siya. Habang naglalakad sila ay di nya maiwasang isipin ang dalagang ilang araw na niyang naiisip.
Sa loob ng tatlong taon at ilang balik na sya sa lugar na to ay likod lng ang nakita nya dito. Nasa 5'5 siguro ang taas nito at sa batang edad ay halata na ang kurba ng katawan na may napakagang puwet.Tuwid na tuwid ang makapal at mahaba nyang buhok.
Noong ay di naman nya ito masyadong naiisip, pero nitong nakaraan kasi ay nakausap nya ito sa cellphone at mula noon ay di na ito mawagli waglit sa kanyang isipan.
Di niya mapigilang alalahanin kung pano nya ito nakilala.