***Flashback****
"Em.. sino po sila?" Sagot ng nasa kabilang linya na halatang kagigising lang
Napakunot ang kanyang noo dahil babae ang sumagot. "Nandiyan ba si Bryan?" Tanong nya habang nilalaro laro ang fountainpen sa ibabaw ng kanyang mesa.
Tinatawagan kasi niya si Bryan ang katiwala sa farm para sana kumustahin ang pinapatrabaho niya dito.
"Sino 'to?" Tanong naman uli nito sa kanya na nagbebedroom voice pa. Parang naiimagine nya ang mukha ng babaeng kausap. Iyong bang antok na antok talaga at nakadapa pa sa kama tapos biglang may tumawag at wala itong ibang choice kundi ang sagotin ang tawag nya .pero huwag ka ah, ang sexy ng boses nito.
‘Girlfriend siguro ni Bryan aniya sa loob nya.’
Isang tikhim muna ang pinakawalan nya bago sumagot. "Si Ron 'to." Pagpapakilala nya sa sarili. "Nandiyan ba si Bryan".
Nailayo ni Ron ang cellphone sa taynga ng biglang nakarinig ng kaluskus galing sa kabilang linya. Masakit kasi iyon sa pandinig dahil nabagsak yata ang aparato. Hanggang sa naging tahimik pero may naririnig syang daing.
"Aray.."
"Hey. Are you ok?" Tanong nya. Ano kayang nangyari doon? Hindi nya maiwasang mag alala sa kausap.
Rinig parin nya ang umungol nito na parang nasaktan talaga. "Ang sakit ng balakang ko." Malayo parin ang boses nito. Nakalimutan na yatang may kausap sya.
"Hey. Are you ok?" Tanong nya ulit na medyo nilakasan ang boses. "Andito pa ko baka naman pwede mo akong kausapin?" Dagdag pa nya.
Narinig nya uli ang kaluskus. "A. P-pasinsya na ho. Nabitawan ko lang po kasi ang cellphone" Paliwanag ng nasa kabilang linya pero halatang may iniinda.
Hindi nya mapigilang mapangiti. "Akala ko nahulog ka sa higaan eh." Pambubuko nya dito.
"A h-hindi ho." Nagkandabulol bulol na tanggi naman ng nasa kabilang linya na lalong ikinangiti na nya. Hindi nya maiwasang maaliw sa kausap.
"Pero ok kana hindi na masakit ang balakang mo, baka mabalian ka ha?" Nakangisi nyang tanong. Parang kinikiliti ang taynga nya dahil sa paghinga nito.
"Hindi na ho." Sagot naman nito pero parang nakikinita na nyang nakasimangot ito habang sumasagot sa kanyang tanong.
"Pwede ko bang makausap si Bryan?" Pang- iiba nya sa kanilang usapan.
"Pasinsya na ho pero nasa farm kasi si kuya e. Naiwan kasi po nya ito cellphone nya."
Natigilan sya at naging masalsal ang t***k ng kanyang puso. Hindi kaya.... "Si Elling ba ito?" Panghuhula nya sa kausap. Parang nabuhay ang kanyang dugo.
"Oho, may sasabihin po ba kayo kay kuya?" Hindi nya alam kung sinasadya ba nitong palambingan ang boses o sadyamg malambing na talaga ang boses nito. napakasarap kasi non sa kanyang pandinig. Para syang teenager na kausap ang crush. Ganon na ganon ang dating nito sa kanya. Parang kinikiliti ang kanyang puso.
"s**t! This is not me."naiinis nyang bulong sa sarili. Kahit kailan ay hindi pa kumabog ng ganito ang kanyang puso.
"T-tatanongin ko lang sana iyong pinapagawa ko sa kanya." Sh*t! Mahinang mura uli ni Ron sa sarili dahil bahagyan pa syang nautal.
"Ahh. Iyong about po sa gamit nyo sa resthouse?" Masaya nitong tanong.
"Emm." Maiksi nyang sagot dahil ninanamnam pa ng taynga nya ang boses nito.
"Ok na ho. Isinama ako ni kuya noong isang araw na bumili ng gamit kasi wala daw syang alam sa mga iyon kaya ako na ang pinapili nya pi." Masaya nitong pagbabalita kaya mas lumawak ang ngiti sa kanyang labi.
"Ganon ba. Kumpleto na ba?" s**t! Bakit parang pabebe naman ang boses nya.
"Iyong laman nalang po yata ng ref ninyo po ang kulang, pero mamamalengke po yata sila nanay bukas." Masayang sagot ni Elling.
Sa farm kasi nya balak dalhin ang mga kaibigan kaya pinapakumpleto na nya ang gamit sa pinatayo nyang resthouse para hindi na sila makituloy sa bahay ng mga ito.
"Galing po ako doon kahapon para ayusin po ang mga gamit na pinamili namin. Baka pupunta ho ako uli doon mamayang hapon dahil hinahakot palang nila kuya yong iba pang gamit. Nakailang balik na po kasi ung tracktora pero hindi pa nila nahakot lahat." Seryoso nitong paliwanag sa kanya. "Pero iyong mga bed nalang po ang hindi nahahakot. Malalaki po kasi."Patuloy ito sa kwento at sya naman ay aliw na aliw sa pakikinig.
Hindi kasi makakaakyat ang sasakyan sa lugar kaya iyong tracktora na kinabitan ng trolley ang ginagamit pag marami ang binibili nila galing bayan. Pero malimit na naglalakad nalang ang mga mamamayan doon dahil bukod sa mas mapapalayo pa sila pag sa main road sila dumaan ay..kung hindi lubaklubak ay mabato din dahil inaanod ang mga lupa pag tag ulan at lumalabas ang mga bato. Kaya kung kaya lang din na buhatin ang mga karga ay mas maiging sa shortcut nalang dumaan. Iyon nga lang, mapapalaban ka lang talaga sa lakaran.
"Di marami na pala akong utang sayo?" Biro nya dito. Minsan isinasali nya ito sa ipinapadala nyang sahod ni Bryan na tinatanggihan ng kuya nito dahil nagsusulat lang naman daw at simpleng plus at minus lang ang ginagawa. Naikwento kasi ni Bryan na ito ang gumagawa ng financial report ng farm niya.
"Hayaan mo na para mahasa sya" naalala pa nyang sabi ng kanyang katiwala ng nabanggit niya ang about sa sahod ng dalaga.
Ipinagbukas nya kasi ito bank account. Para sa sahod nito at sa gastosin nila sa farm. Mas conveniet kasi dahil madalang lang syang dumalaw dito.
Narinig nya ang paghagikhik nito "Hehehe... sabihin mo yan sa akin pag nakita mo yong report."
Ang report na sinasabi nito ay nakasulat lang sa isang logbook. Pero maayos ang pagkakagawa nito. Malinaw at madaling intindihin.
"Bakit kinulang ba kayo sa budget?" Kunot noong tanong nya. Bigla syang nag alala. Wala kasing nababanggit sa kanya si Bryan.
"Ang laki laki kasi ng pangalan ko doon na sinulat ni kuya tapos binibilang pala nya yong hinihingi ko sa kanya." Sumbong nito na ikina tawa na nya. Nakahinga sya ng maluwag.
"hindi pa nga namin nakalahati yong laman nong card e. pero syempre minsan na nga lang ako isama ni kuya kaya isinulit ko na...Hehe. If you don't mind." Tumatawa nitong biro kaya natawa din sya.
"Nah. Not at all.".
"Tsk.. sana pala tinawagan muna kita bago kami pumunta sa bayan para sky the limit ako. Ang damot kasi ni kuya e."Parang sobrang nanghinayang na sumbong pa nito. Parang may humahaplos sa kanyang puso.
Napabuga sya ng hangin. ‘How I wish na nakikita kita ngayon’ "Hayaan mo pag nagkaroon ako ng time ilalabas kita. Magdadate tayo." Birong totoo nya dito. Ngayon nya lang ito nakausap pero parang ang gaan na ng loob nya dito.
"D-date?" Nauutal at parang di makapaniwalang tanong nito.
Napangiti sya. "Oo ayaw mo ba?" Tanong din nya na pinalambing ang boses.
"Aeeyeee... kinikilig ako" impit na sigaw nito na inilayo sa bibig ang cellphone.
Tawa ng tawa si Ron. ‘Ako din babe, kinikilig ako’
"Ay naku iboboyfriend na talaga kita." Tumatawa nitong biro pero halata naman kinikilig.
Napatawa sya. "Sure,why not." Naging masaya ang kanilang pag uusap. Kaya sa buong araw yata eh hindi maalis alis ang ngiti sa kanyang labi.
***end of flashback***
Sa halos kalahating oras pa silang naglalakad ng marating din nila ang resthouse nya.
Panay parin ang reklamo ng mga kasama niya na halos maligo na sa pawis.
Bago marating ng resthouse nya ay madadaanan mo ang napakaluwang na sapa, halos isang ektarya ito at maraming balbalino na nakalutang sa tubig na lalong nagpatingkad sa view nito dahil sa pinaghalong pula at puti na mga bulaklak. Mayroon ding maliit na burol sa gitna ng sapa na may tanim na mangga na mayabong ang sanga. Tanim ito ng may-ari dati. Ginawan ito ni Bryan ng kawayan na upuan kaya napakagandang tignan.
Kasama nya itong nagdala ng gamit sa gitna noon. Binutasan nila ang mga magkabilang dulo ng kawayan at tinusukan ito ng kahoy para magdikit dikit at tinalian para hindi magkakahiwa-hiwalay. At ginawa nilang balsa para makapunta sa gitna. Pero ng pabalik na sila sa gilid ay nilangoy nalang nila. Napakalalim ng sapa, kaya pag di ka marunong lumangoy ay di ka makakapunta sa gitna. Sa lugar na ito nya nahanap ang kapayapaan. Malayo sa maingay na syudad at napakapresko ng hangin.
Gumawa din si Bryan ng balsa na gagamitin pag gusto mong pumunta sa gitna. Natutuwa sya dahil alam na alam nito ang ginagawa. Gamay na gamay talaga ang trabaho sa farm at napakasipag. Mapagkakatiwalaan. Sa gilid ng sapa ay nandoon naman ang resthouse nya, sa harap ay may napakalaking mangga at mayabong din ang sanga. Halatang matanda na ang puno.
"Sh*t pre! Saan mo nadiscover ang lugar na ito?" Bulalas na tanong ni Tim, hindi maitago ang pagkamangha sa paligid.
"Bakit ngayon mo lang kami dinala dito?" Tanong din ni Macky. Nasa mukha din nito ang paghanga. "And Let me guess. hindi alam ito nila mama at papa noh?" Dagdag pa nitong tanong..
Napailing sya "Nah." Maiksi lang nyang sagot
"Kailan mo pa nabili ito?" Tanong naman ni Jef. Alam nyang nagtataka ang mga ito dahil halos hindi naman sila nagkakahiwa hiwalay. Halos alam nila lahat ang activities ng bawat isa.
"3 years ago when we closed our deal to Mr. Belmonte." Ang deal kasing iyon ang nag-uwi sa kanila ng limpak limpak na salapi.
Halos sabay sabay na napaohhhh ang mga ito. "Gusto ko kasing maayos muna ito bago ko kayo dalhin dito. Nakakahiya naman kung makikituloy tayong anim sa bahay ng katiwala ko dito."
"Ilang ektarya ito?" Tanong ni John habang panay ang kuha ng larawan.
Napangiti sya. "Mahigit isang daan, mura ko lang nakuha kumpara sa market value nito dahil mahirap ang daan at walang electricity ang lugar." Sagot nya na ikinagulat naman ng lima.
"F**k. Ibig mong sabihin walang kuryente dito?" Bulalas na tanong ni Jef sa kanya. Halatang nabahala.
Napatawa sya ng mahina "Dito mayron kasi pinakabitan ko." Turo nya sa may bundok kung saan makikita ang mga posting pababa sa resthouse nya.
Nakahinga naman ng maluwag ang mga ito. Knowing them, hindi pwedeng mawala ang communication nila sa manila dahil sa business nila.
"Sulit na sulit ang pagbubuhat ko ng maleta." Wika ni John na tuwang tuwa na nakatutok sa camera.
"Tara na naghihintay na sila." Turo nya sa bandang resthouse nya. May tao doon na parang hinihintay nito ang kanilang pagdating.
Si Aling Lilia ito ang nanay ni Bryan. Ang tatay naman nya ay si Manong Doming na busy sa pagluluto.Sa labas ito nagluluto kaya kitang kita nila na busy sa paghahalo.
"Mano po." Sabay mano nya kay Aling Lilia. Kinawayan naman nya si Manong Doming na hindi maiwan iwan ang niluluto. Nagsimano din ang kanyang mga kaibigan sa matanda.
"Kuuu.. pagkakagwapong mga binata e. Hindi yata uso sa inyo ang pangit ano?" Nasa mukha nito ang labis na paghanga.
Napatawa sila "Nay ito po si Macky, kapatid ko ho. Ang babaero po sa amin. Si Alex ho ang balasubas. Si Tim ang Mayabang. Jhon ang may sayad. Si Jef ang abnormal at ako po ang perpekto." Pabiro nyang pagpapakilala, kaya naman bugbug ang inabot nya.
Tawa naman ng tawa si Aling Lilia sa kanyang kalukoha.
"O sya tuloy na kayo sa loob at baba kayo agad ng makapagmeryenda na kayo. Dito nalang kayo sa lilim ng mangga magmeryenda para mas presko." Pagtataboy nito sa kanila.
"Sige ho." Nagpatiuna na sya para pumasok sa loob.
Kinawayan nya uli si Manong Doming na nagluluto.
Half half lang ang resthouse nya. Half na cemento at half na sawali ang dingding. Mahirap kasing mag-akyat ng materyales. Ang bubung nito ay pawid na pinatungan nya ng net na itim.
Di pa ito tapos ng last na pumunta siya dito. Kaya nong pumasok sya ay nakita nya na kumpleto na ang gamit nito. May mga kurtina na ang mga bintana at may mga upuan na sa salas may divider din. Kumpleto na din ang mga appliances.May TV. DVD, stereo at May mga pillow na nakaayos sa upuan.
Napangiti sya dahil satisfied naman sya sa ayos. Naupo ang mga kasama nya doon para makapagpahinga ang mga ito. Presko sa loob kasi pumapasok sa malalaking bintana ang hanging galing sa labas.
Siya naman ay nagtuloy tuloy sa kwarto niya. Sinadya nyang mas malaki ito kaysa sa dalawang kwarto pa. Tatlo kasi ang kwarto ng resthouse nya.
Bumungad sa kanya ang puting kurtina at kapansin pansin ang ayos ng malaking kama na nandoon kasi naka bedsetting ito. Puti ang sheet nito ganon din ang dalawang unan at ang kumot ay puti din na nakadesign sa ibabaw na parang swam. Napansin nya ang table sa gilid nito na may upoan, na may mga logbook na maayos na nakapatung doon.
Nakuha ng atensyon nya ang malaking larawan na nakaframe sa ulonan ng kama nya. Larawan nya iyon pinacopy siguro nila sa f*******: nya kasi iyon ang profile picture nya. Kuha iyon ni Jhon.stolen shot.
Matagal siyang napatitig doon na may kung anong humaplos sa puso nya.