Kung anu-anong activity ang ipinapagawa ko sa mga bata para hindi ako maabala sa panonood kay Jona sa CCTV. Mayroon akong sariling access sa CCTV ng CSR. Ibinigay iyon sa amin ni Papa Steven mula nang ipasa niya sa amin ni JC ang pamamahala sa kumpanya. Kahit si JC ang nakaupong CEO sa CSR, tumutulong pa rin akong asikasuhin ang kumpanyang iniwan sa amin ng namayapa kong ama. Kung gaano ko kamahal ang pagtuturo mas higit kong mahal ang kumpanyang bahagi ng aking pagkatao. Marami kaming memories dito nila Papa kaya hindi ako makapapayag na hindi ko bigyan ng oras ang CSR. Tulad ni JC kabisado ko ang bawat sulok ng CSR lalo na ang mga sikretong pintuan ng kumpanya. Muli kong itinuon ang pansin kay Jona na abala sa ginagawang pagtatrabaho. Mabuti na lamang at nakatutok ang isa sa mga

