bc

Falling For My Son's Teacher

book_age18+
5.5K
FOLLOW
67.1K
READ
drama
comedy
bxg
office/work place
school
teacher
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Isa sa mga estudyante ni Christoper James 'CJ' San Rafael, ay nakakuha ng kaniyang atensyon dahil sa araw-araw siyang nakatatanggap ng reklamo laban sa batang si Jordan Lacsamana.

Sa unang pagkakataon ay dinaluhan ni Jona Lacsamana ang pulong na itinakda para sa kaniya. Sa umpisa ay nag-atubili siyang tanggapin ang tulong na iniaalok sa kaniya ni CJ, dahil naniniwala siyang nararanasan lang ni Jordan ang isang yugto ng kaniyang buhay.

Mapatunayan nga kaya ni CJ kay Jona na nagkamali lang siya nang husga sa anak?

Matuturuan nga ba ni CJ si Jordan na mabago ang ugali nito o baka naman ang ina nitong si Jona ang tuturuan niyang magmahal muli?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Maaga akong umalis ng bahay patungo sa eskwelahang tinuturuan ko. Isang oras bago ang nakatakdang klase ay nasa loob na ako lagi ng silid-aralan upang gawin ang lesson plan. Hindi ko ginagawa sa bahay iyon dahil inilalaan namin ang oras para sa aming pamilya. Sa tuwing magkakasama nga kami ng mga kapatid ko ay parating ipinapaalala sa amin ni Mama ang salitang, 'quality time!' Pinili ko ang magturo dahil mahilig ako sa mga bata. Sa akin madalas inaatang ni Mama ang pagbabantay sa mga nakababata kong kapatid sapagkat kabaligtaran ng ugali ko ang kakambal kong si JC. Mas gusto ni JC ang mapag-isa parati kung kaya hindi nakapagtatakang piliin nitong pamahalaan ang kumpanya na ipinamana sa amin ng yumao naming ama na si Christian San Rafael. "Good morning, Sir!" masiglang bati sa akin ni Pedro, ang nag-iisang janitor dito sa eskwelahang pinagtuturuan ko. "Good morning, Pedro!" tipid ko namang tugon sa kaniya. "Ang aga mo talagang pumasok Sir, kaya idol kita, e!" kikindat-kindat na wika ni Pedro. "Ikaw talaga ang aga-aga mo na naman akong binobola," naiiling kong tugon sa kaniya. "Ay hindi, Sir! Idol talaga kita! Kung babae lang nga ako, malamang crush na kita," pahayag ni Pedro na sinamahan pa niya nang pagpilantik ng kaniyang mga daliri sa kamay. Malakas na humalakhak ako sa tinuran ni Pedro. "Siguro hindi ka pa nag-almusal, no? Kaya ganiyan ka na lang makapambola sa akin," natatawang saad ko sa kaniya. "Grabe ka naman, Sir!" kakamot-kamot sa ulong tugon naman sa akin ni Pedro. "O siya, maiwan na muna kita at gagawa pa ako ng lesson plan." Tinapik ko si Pedro sa balikat nito saka humakbang na ako pabaybay sa silid-aralan na aking tinuturuan. Yabag ng black leather shoes ko ang maririnig sa buong koridor habang naglalakad ako. Pagpasok ko sa loob ng silid-aralan ay agad kong tinungo ang upuang nakalaan sa akin. Inumpisahan kong gawin ang lesson plan at ilang sandali lamang ay naging abala na ako. Napangiti ako nang maulinigan ko ang humahangos na takbuhan ng aking mga estudyante Mabilis kong tinapos ang pagsusulat ng lesson plan saka tumayo upang sa blackboard naman humarap. "Good morning, Sir!" masiglang bati sa akin ng maliliit na tinig. Malawak na ngiti ang ipinaskil ko sa labi saka hinarap ang mga batang bumati sa akin. "Good morning!" malambing kong bati sa aking mga estudyante. Pumunta sa kani-kanilang upuan ang mga bata upang umupo. Muli naman akong humarap sa may blackboard upang tapusin ang aking isinusulat doon. Naulinigan kong muli ang paparating na yabag ng mga batang nagtatakbuhan palapit sa aming silid aralan. Binilisan ko ang pagsusulat sa blackboard upang maalalayan ko ang mga bata sa pila para sa kanilang flag ceremony. "Good morning, Sir!" sabay-sabay na bati ng mga bata na lumikha ng malakas na ingay sa buong paligid ng silid. Pumihit ako paharap sa mga bata upang gantihan ang kanilang mga bati. "Good morn--" Napahinto ako sa gagawing pagbati sana sa kanila nang makita kong nagdurugo ang noo ni Kent. Mabilis akong humakbang palapit kay Kent saka inilapat ko sa noo nito ang panyong nakuha ko mula sa loob ng aking bulsa. "Anong nangyari sa iyo, Kent?" pabulalas kong tanong sa bata. Panay ang tulo ng dugo mula sa noo ni Kent kahit pa nga tinapalan ko na iyon ng panyo. "Si Jordan po kasi Sir, itinulak niya po ako sa may labasan kaya nadapa ako sa mga bato," humihikbing sumbong sa akin ni Kent. Marahas na napabuga ako ng hangin saka tumingin sa gawi ni Jordan. "Mag-usap tayo mamaya, Jordan!" habilin ko sa bata. Yumuko si Jordan saka nilapirot nito ang kaniyang mga daliri sa kamay. "Halika muna Kent sa clinic at nang magamot iyang sugat mo," saad ko naman kay Kent. Binuhat ko si Kent saka malalaki ang mga hakbang na lumabas ng silid-aralan upang dalhin sa clinic ang bata. "Good morning, Nurse Stella!" bati ko sa school nurse na siyang naabutan namin ni Kent sa loob ng clinic. "Good morning, Mr. San Rafael!" ganting bati naman sa akin nito. "Pakigamot naman ang dumudugong noo ng estudyante ko at nadisgrasya siya sa may labasan." Ipinakita ko kay Nurse Stella, ang dumudugong noo ni Kent. "Oh my!" pasinghap na bulalas ni Stella nang makita ang patuloy sa pagdurugong noo ni Kent. Mabilis ang naging pagkilos ni Stella at kumuha agad siya ng first aid kit saka nilapatan nito ng gamot ang noo ni Kent. "Mukhang may kalaliman ang sugat niya sa noo, Sir," imporma sa akin ni Stella saka muling nilapatan nito ng gamot ang sugat ni Kent. Napapangiwi ako sa bawat aray ni Kent habang nilalapatan siya ng gamot ni Stella sa kaniyang sugat sa noo. Nang matapos linisan at gamutin ni Stella ang sugat ay binalot niya na iyon ng bandage. Napangiwi akong muli sa itsura ni Kent dahil daig pa nito ang injured na injured kung pagmamasdan. "Injured naman talaga!" asik ko sa isipan. Malakas na tunog ng bell ang umalingawngaw sa buong paligid ng eskwelahan, tanda na magsisimula na ang flag ceremony. "Thank you, Nurse Stella! Babalik na kami sa classroom para maasikaso ko pa ang iba kong mga estudyante roon," paalam ko sa school nurse. "Okay, Mr. San Rafael!" tugon naman sa akin ni Stella. "Kent, let's go!" muli kong kinarga ang bata palabas ng clinic upang bumalik na sa aming silid-aralan. Malakas na ingay ng mga estudyante ko ang sumalubong sa aming dalawa ni Kent. "Class, behave!" pasigaw kong suway sa mga bata habang nakatayo kami ni Kent sa may pintuan. Agad namang tumahimik ang mga bata nang marinig nila ako. "Magsitayo kayong lahat at pumila ng maayos," utos ko sa mga bata. Mabilis na tumayo ang mga bata saka lumikha sila ng pila sa aking harapan. "Find your height, class!" turan ko pa sa kanila. Lumikha ng ingay ang mga bata dahil sa pagsasaayos nila ng pila. Naiiling na ibinaba ko si Kent sa sahig upang tulungan ang mga kaklase nito sa pagsasaayos ng pila. Iniba ko ang pila ng mga batang lalaki sa batang babae kung kaya lumikha kami ng dalawang linya. "Okay class, behave lang dapat kayo paglabas natin ng classroom. Kung pa'nong maayos tayong nakapila mula rito, dapat ay maayos din tayong nakapila sa may quadrangle. Maliwanag ba?!" paalala ko pa sa mga bata. "Opo, Sir!" sabay-sabay na sagot ng mga bata. Ipinila ko si Kent sa harapang pila ng mga lalaki saka kinapitan ko ang mga kamay nila ng kapareha niyang si Lyka. Tahimik na humakbang na kami palabas ng silid-aralan upang tunguhin ang quadrangle para sa aming flag ceremony.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook