Ilang ulit kong inulit-ulit sa isipan ko ang kaniyang sinabi habang patuloy sa paglalakad. Nang ganap kong maunawaan ang ibig niyang ipabatid sa akin mabilis akong naglakad palapit sa kaniya kaya hindi ko napansin ang bato sa daanan. Natapilok tuloy ako! Mabuti na lang at maagap din akong nasalo ng bisig ni CJ kaya sa matigas niya ring dibdib ako bumagsak. Para niya na kaming yakap ni Jordan kung pagmamasdan. "Careful..." Pabulong niya lang iyon sinambit sa likod ng aking tainga pero kakaibang kilabot na ang idinulot sa buo kong pagkatao. Pakiwari ko ay libo-libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa aking leeg nang dumampi roon ang kaniyang hininga. "Jona!" sigaw ng kung sinuman. Dali-dali akong kumalas mula sa pagkakalukob sa akin ng bisig ni CJ upang tingnan kung sino ang taong

