Kanina ko pa pinagmamasdan mula rito sa likuran sina CJ at Jordan na nag-aaral sa may bandang harapan na bahagi ng silid-aralan malapit sa may blackboard. Gusto ko sanang umidlip muna ng bigla namang nabuhay ang dugo ko sa kapapanonood sa kanilang dalawa. Sa unang pagkakataon ay humanga ako sa pagtuturo ng isang guro. Dati kasi kapag nasa loob ako ng klase panay lang hikab ang ginagawa ko. Pa'no, kung hindi matanda ang mga guro ko, daig pa namin ang nasa loob ng seminaryo na sobrang tahimik ng kapaligiran kaya nakakaantok! Tipong kulang sila sa pagpapatawa! Pero hindi ibig sabihin na kailangan nilang maging komedyante para sumaya ang klase. Sadyang iba lang talaga ang paraan nang pagtuturo ng mga guro noon sa ngayon. Hindi ko rin naman masisisi ang ibang mga guro dahil sa napakab

