Kanina ko pa pinagmamasdan sa monitor ang pakikipag-usap ni Jona sa isang guard na nakatalaga sa pintuan ng building. Naiinis na kinuha ko ang telepono upang tawagan ang security officer ng mga nakatalagang guwardiya. "Hello?" sagot sa akin ng taong tinawagan ko. "Ramirez, sabihin mo sa isa mong kasamahan na magtrabaho na siya. Huwag kamo siyang tumambay sa may lobby para makipagkwentuhan sa babae. Kanina ko pa siya nakikita sa may CCTV," pagalit na utos ko sa security officer. "Yes, Sir!" agad na tugon sa akin nito. Mabilis na sumunod sa utos ko ang security officer. Mula sa loob ng himpilan nila ay mabilis na tumakbo siya patungo ng lobby. "Teacher! Teacher!" Nilingon ko ang tawag sa akin ni Jordan na nagsawa na yatang maglaro ng robot. "Yes, Jordan?" magiliw na sagot ko sa kaniy

