— Matilda — Hindi ako kinakausap ni Henzo habang nasa byahe. Gusto kong magsalita kaso natatakot akong masigawan na naman niya. Galit siya kaya mananahimik muna ako. Masyado kasing manyak at pahamak si Wykes, e. Bakit pa ba kami pinagtagpo ng lalaking ’yon? Nakakabuwiset, e. Pinilit kong ikalma ang sarili ko dahil baka makasama ito sa baby ko. Hindi ko rin siya tinitingnan at nakatingin lang sa daan. “I thought you'll explain? What now? You're done?” malamig na tanong niya kaya mabilis akong napatingin sa kaniya. Wait, what? Puwede na pala ’kong mag-explain? Kanina pa 'ko nakatunganga rito tapos puwede na pala! Aba, sorry ha, nakakatakot kasing masigawan na naman niya. Hindi ako sanay. “Wykes was—” “The time is up. I gave you the time to talk but you didn't,” he said as he cut me

