Prologue
I’m from a very rich family. Nagtatrabaho sa mundo ng politika ang mga magulang ko. May bunso akong kapatid na pakiramdam ko nasa kaniya na ang buong atensiyon nila. Lahat sila ay nasisira ang araw at nagkakagulo pagdating sa akin.
Kumpleto ang pamilya ko, pero bakit ramdam ko na hindi ako parte ng pamilya? I was the center of attention everytime I am inside of our house. Center of attention kasi may kalokohan na naman akong ginawa, hindi dahil mahal nila ako.
Simula nang ipanganak ang peste kong kapatid, wala nang natira sa akin! He was my mom and dad’s favorite. Anong natira sa akin? Pera! Pera na itinatapon-tapon na lang nila sa pagmumukha ko. May mga araw na lagi silang wala sa bahay, malalaman ko na lang na nasa ibang bansa na pala sila at kapatid ko ang kasama nila.
Isang malutong na sampal agad sa katulong ang ginagawa ko kapag sa kanila ko nalalaman ang tungkol sa mga gano’n. Like what the hell, am I not a part of this freaking family? Why so unfair? Paano ko ngayon iisipin na mahal nila ako?
I don’t need their wealth— ah, erase it, I badly need money pala. Aside from money, I also need their love. I want some care from them. Hello, I’m waiting for them to ask me if I’m okay. Hinihintay kong lambingin din nila ako kahit isang minuto lang, ‘yung mas lagpas pa sana sa atensyong ibinibigay nila sa kapatid ko.
In my nineteen years of existence, I was always the second, the option, the no and last choice.
Sabihin na nating five years, before dumating ang kapatid ko, natutukan nila ako, pero minsan nga ay mga katulong lang ang nag-aalaga sa akin noong bata ako dahil lagi silang nasa trabaho. At ngayon, gumagawa na sila ng paraan para lang makasama ang kapatid ko! How about me?
Kailan ko ulit mararamdaman ang pagmamahal nila?
Sa school naman, syempre lahat din galit sa akin. Who wouldn’t be? Marami akong kalokohan at kamalditahan na puwedeng gawin sa kanila and I don’t really freaking care about them. ‘Yung tipong, tuwing dadaan ako, magsisihawi sila at bibigyan ako ng daan, I loved that. I am Matilda and they should know who I am. No one is allowed to beat, bump, drag, and put me down. Pero dahil dakilang mga patola ang schoolmates ko, may lakas pa rin sila ng loob na kalabanin ako. And me? Hindi ako magpapatalo, of course. I was born to be maldita. Walang ibang puwedeng magmaldita dito kun’di ako lang, ako lang.
Kahit pa siguro libutin n’yo ang buong mundo, hindi n’yo mahahanap ang pake ko sa mga taong may galit sa akin.
One time, I saw a man with a white hair, having a fist-fight with three men. Base on their uniforms, they were college students like me. Babalewalain ko na sana ang pagkakita ko sa kanila dahil sanay na ako sa mga ganiyang away na nagaganap dito sa school, pero hindi ko maiwasang mapatigil at panoorin sila nang nakita ko kung gaano kawalang buhay ang mata ng lalaking nakikipag-away sa tatlo. Ni-isang pasa at sugat ay wala pa siya, samantalang ang mga kasuntukan niya ay namamaga na ang mga pagmumukha.
Honestly, I admired him for that. Sanay na rin naman ako sa mga matang malamig at walang buhay pero bakit natigilan ako nang nakita ko ‘yung mga mata niya? I had this feeling that those eyes were hiding so much emotions.
My co-students were shouting and cheering up the man. Nanonood lang sila at walang gustong tumulong. Ganito rito, kung may rambol, rambol lang, walang tulungan, walang tawagan ng securities— as if I care.
The name they were saying was Henzo. Malamang iyon ang pangalan niya. Mukhang sikat siya rito, pero bakit ngayon ko lang siya nakita? Ah, maybe because I was just not interested to know the people here.
Natapos ang away na siya ang panalo. Tumba ang tatlo na agad inalalayan ng ibang lalaki at inilayo na mula sa kaniya. He fixed his uniform and sighed. Inayos niya rin ang necktie niya at bahagyang inikot-ikot ang ulo na para bang pinapatunog ang leeg. Ang yabang para sa akin ng ginagawa niya, pero ang cool. Wala pa rin siyang expression hanggang sa unti-unting nawala ang mga estudyante sa paligid namin.
I stayed and continued analyzing him. There was something up with him.
My God, Matilda! Kailan ka pa naging interesado sa mga taong nakakasalamuha mo, lalo na sa isang lalaki?
I crossed my arm and stood properly. He looked at me and it made me smirk. Kumunot ang noo niya pero tinaasan ko lang siya ng kilay, agad ko siyang tinalikuran para sana lumakad na palayo.
“Interesado ka ba sa ’kin?”
I stopped from walking when he suddenly spoke. “Not really,” sagot ko na may mataray na tono at nagpatuloy na sa paglalakad.
“Talaga? Kaya pala grabe ka makatitig.” Tuluyan na akong tumigil sa paglalakad at humarap sa kaniya. “W-What?” natatawang tanong niya na ikinairap ko.
“Sino ka para titigan ko?” taas kilay na tanong ko.
Pinagkiskis niya ang dalawang palad at dahan-dahang naglakad palapit sa akin. Doon ko lang napagmasdang mabuti ang guwapo niyang mukha, ang maganda niyang katawan— very manly.
“I’m Henzo Cyl Aguilar. Sabi ko na, interesado ka nga sa ‘kin,” nakangising sagot niya na ikinamaang ko at suminghal sa hangin.
How could he say that? Masiyado siyang confident.
“You know what, you’re a waste of time,” masungit na sagot ko at inirapan ulit siya. I turned my back again. Naglakad na ako palayo at narinig ko pa ang mahinang tawa niya na ikinairap ko na naman.
Feeling close.
Dumiretso na lang ako sa cafeteria dahil naalala kong naghihintay nga pala sa akin ang mga kaibigan ko.
“Matilda!” Nakita ko si Civrus habang naglalakad na ako papasok. “Bakit ngayon ka lang? Hahanapin na sana kita, pinilit ako nila Pove at Dessie e,” tanong niya na ikinairap ko.
“You guys are over reacting, as always,” sagot ko at sumabay na sa kaniya.
He’s Civrus Vaypler, we were dating for four months. He was working in showbiz. Nagmo-model lang siya pero ume-extra na rin siya sa ibang teleseryes. That’s why he was popular here in Trexia International School. He’s handsome, kind and sweet— an asshole and jerk as well.
Nakita ko agad sina Pove at Dessie, ang mga kaibigan kong sobrang mainipin. Mainipin din naman ako pero iba ‘yung pagkamainipin nila, e. One minute was so damn matagal na para sa kanilang dalawa.
“Where have you been, b***h? What are you? VIP?” taas kilay na tanong ni Pove na ikinairap ko at umupo sa harap niya.
“Yes, isn’t it obvious? So, you better learn how to wait,” sagot ko at tiningnan si Civrus. “Naka-order na kayo?” I asked na ikinatango niya.
“Hmm, sagutin mo na ang tanong ni Pove. Where have you been?” tanong din niya na ikinairap ko na naman.
“Not important,” tipid na sagot ko.
“Grabe, ano kayang nagustuhan ni Civrus sa kaniya? Masyado siyang maldita!”
“Sinabi mo pa. And girl, she don’t know how to respect. We all know na kahit parents niya ay binabastos niya. Civrus is almost perfect, hindi sila bagay.”
Napairap na naman ako sa narinig ko at tiningnan ang dalawang nagbulungan sa malapit na table sa pwesto namin.
“Akala ko ay tapos na ang alamat ng tsismosa, bakit sinisimulan n’yo na naman?” taas kilay na tanong ko at nag-cross arm. “Better shut your mouth, ha. You know that I can zip that with the hardest way,” dugtong ko at tinaliman sila ng tingin. Natahimik sila pareho kaya nag-iwas na ako ng tingin.
“Chill,” bulong ni Civrus at inakbayan ako. “Kahit anong sabihin nila, ikaw pa rin ‘yung gusto ko. Sagutin mo na kasi ako.”
Inismiran ko lang siya bago sumandal sa upuan.
Natatawang tiningnan ako ni Dessie at nagsalita, “Matilda the maldita.”