Chapter One

1536 Words
— Matilda — I suddenly stopped from eating when I saw Henzo, entering the cafeteria with his cool look. May kasama siyang isang lalaki na mukhang kaibigan niya. Dumiretso sila sa table na sobrang layo mula sa amin. “Sinong tinitingnan mo? Si Henzo?” tanong ni Pove kaya napatingin ako sa kaniya at agad na nagtaas ng kilay. “Don’t you try to deny it,” pairap na sabi niya na ikinairap ko rin. “First time mong magkaroon ng interest sa taong hindi mo kilala, ha,” sabi naman ni Dessie na ikinairap ko ulit. I looked at Civrus. E, si Civrus? Hindi rin ba ako naging interesado sa kaniya noong una para masabi niyang first time ‘to? Boba. “Idiot,” inis na sagot ko. “You know what girl, he’s mysterious. No one knows kung saan siya nakatira, anong status ng buhay niya, saang pamilya siya nanggaling, at sino talaga siya, except Fed, which is his friend,” sabi ni Pove na ikinairap ko lang din at hindi siya pinansin. Mysterious, ha? ‘Yun lang ba ang basehan para maging misteryoso ang isang tao? Like duh. “Wala ka bang mata?” malakas na tanong ko nang may estudyanteng dumaan at nabunggo ang upuang inuupuan ko. “Sorry,” mabilis na sagot niya at lumakad na pero agad ko rin siyang pinatid. “Ano ba?” pagalit na sigaw niya na ikinataas ng kilay ko. I stood up and looked at her. I grabbed my juice and poured it to her. I grinned and raised my eyebrow. “May mata ka naman pala pero bakit tatanga-tanga ka pa rin?” mariing tanong ko sa kaniya at umirap. “Ang sama-sama mo!” sigaw niya at tiningnan ang sarili niyang basang-basa na. “Where’s my pake?” taas kilay na tanong ko at nag-flip hair pa bago kinuha ang bag ko. “Hey, b***h! Wait us!” sigaw ni Dessie na ikinairap ko lang din. Tumigil ako nang nakita ko si Henzo na nakatingin na sa akin ngayon. Seryoso lang ang mukha niya pero inirapan ko rin siya. Minsan talaga, nakakabuwiset nang pumasok. Kung hindi lang dahil sa kailangan kong mag-aral, hindi na ako papasok. Like, what the hell, hindi na nga masaya sa bahay, pati ba naman dito sa school? Where can I find my true happiness? “Matilda, chill,” sabi ni Civrus at agad na hinapit ang baywang ko. “Mainit na naman ang ulo mo,” dugtong niya pa na ikinahinga ko lang nang malalim. “So what?” masungit na tanong ko at inirapan siya. “Make me calm,” mahinahong sabi ko na ikinangisi niya. Huminto kami sa paglalakad at nagharapan. Ngumiti siya nang sobrang lapad sa harap ko. Napaiwas ako ng tingin dahil bumibilis na naman ng t***k ng puso ko. “Okay na! Kalmado na ako,” pairap na sagot ko at naglakad na ulit. “Uuwi ako nang maaga. I’m too lazy to attend afternoon classes. Besides, may shooting ka ngayon, right?” “Ah, yes. Gusto mo bang ihatid muna kita bago ako pumunta sa shooting?” tanong niya na ikinailing ko. “No need. I have my driver, remember?” mataray na tanong ko. “You two are so damn nakakairita! Sige, magsama na lang kayo! Let’s go, Dessie!” rinig kong sigaw ni Pove sa likod na ikinangisi ko lang. Ang arte-arte talaga niya. “Fine, take care, okay?” sagot ni Civrus nang nakarating na kami sa parking. I smiled and nodded. “I love you.” “I love you, too. Take care rin,” sagot ko at hinalikan siya sa pisngi. Ngumiti lang siya at tinalikuran na ako. Umupo na muna ako sa isang bench at tinawagan ang driver ko. “Pasundo ako.” I crossed my arms and legs while waiting. Tumaas na naman ang kilay ko nang nakita ko ang dalawang estudyanteng dumaan sa harap ko at masama ang tingin sa akin. Napasinghap ako bago tumayo. “Required ba talaga na samaan n’yo ako ng tingin kapag dadaan kayo sa harap ko?” walang ganang tanong ko sa kanila dahilan ng pagtigil nila sa paglalakad at dahan-dahang pagharap nila sa akin. “Nakakadiri ka kasi at ang ugali mo— ah!” tili ng babaeng naunang magsalita nang sampalin ko siya nang malakas. “How dare you!” duro niya sa akin habang nanlilisik ang mata. “No, how dare you! You have no rights to answer me like that while I’m just asking you a proper question,” mariing sagot ko at tiningnan din ang babaeng kasama niya. “Bakit? Kapag kinakausap at tinatanong ka ba nang maayos ng iba, sumasagot ka rin nang maayos?” pag-apela nitong kasama niya na ikinairap ko na naman. “Hindi,” sagot ko at malakas din siyang sinampal. “Dahil ako lang ang puwede. You are just a piece of s**t!” “Kahit kailan, walang hiya ka talaga!” “Buti alam n’yo. You should get out of my sight bago pa lumala ‘yung gagawin ko sa inyong dalawa,” masungit na pananaboy ko sa kanila. “Talaga! Nakakasura rin kasi ang pagmumukha mo!” I really got mad because of what she said. They turned their back but I quickly grabbed their both hair. “Instead of walking away from me, you really pushed me to my limit. Now, suffer, bitches!” I shouted bago sila kinaladkad. They screamed while I just smirked. I strongly pushed them on the floor. “Aw,” umiiyak na daing ng isa dahil nasugatan na siya sa tuhod at binti. “A-Ang sakit,” daing din ng isa. Nag-cross arm ako sa harap nila at pareho silang inirapan. Tinalikuran ko na sila at bumalik sa bench na inuupuan ko kanina pero may isa nang lalaking nerd na nakaupo ro’n. “Alis,” pagpapaalis ko sa kaniya na ikinatingin niya sa akin. “Are you deaf? I said, alis, umalis ka diyan,” mataray na dugtong ko. Agad siyang tumayo at umalis. Umupo ako at nag-cross arm ulit habang naghihintay sa napakabagal kong driver. “Mahilig ka talagang makipag-away, ‘no?” Kumunot ang noo ko at agad na napatingin sa lalaking umupo sa tabi ko. It was Henzo. “So what?” tanong ko lang at nag-iwas na ng tingin. “Umalis ka diyan, marami pang bench,” pagpapaalis ko rin sa kaniya dahil ayoko na may katabi. “Sa lalaki rin ba, kaya mong makipag-away?” tanong niya kaya napatingin na naman ako sa kaniya. I raised my eyebrow while he just grinned. I rolled my eyes. Of course, I can’t. Ah, it depends. “Why do you care? Puwede bang umalis ka na?” inis na tanong ko dahil naba-bad trip na talaga ako, kanina pa. Mahina lang siyang tumawa at hindi pinansin ang pagpapaalis ko sa kaniya. How dare him to sit beside me? Inis akong tumayo pero napaupo rin agad nang hawakan niya ang kamay ko at hinila ako pabalik. “What’s your freaking problem? Can you just go?” kunot ang noo na tanong ko. “I’m trying to be nice here, don’t be so rude,” tipid at seryosong sagot niya na ikinairap ko lang. “Ikaw ang trying to be nice, right? So, wala kang pakialam kung anong magiging attitude ko sa ‘yo, because I’m not the one who’s trying to be nice here,” taas kilay na sagot ko na ikinakunot lang ng noo niya. “Tang ina naman, mangungutang lang naman ako, hindi ko alam na ganito pala kahirap makipag-usap sa ‘yo,” inis na sabi niya na ikinaawang ng mga labi ko. “What the f**k you’re saying? Mangungutang?” maang na tanong ko na ikinatango niya lang. “Bitiwan mo nga ang kamay ko!” sita ko sa kaniya nang mapansing hawak niya pa rin ako. “Ayoko, baka takasan mo ’ko,” sagot niya at nginisihan na naman ako. “Pautang, 200 pesos is enough, wala pa akong kain, e.” Literal akong napanganga sa sinabi niya. Close ba kami? At bakit siya nangungutang? Walang pera? Hello, this international school has high amount of tuition fee, at siya, mangungutang lang? “What are you? Pulubi? Wala ka bang kapera-pera diyan at nangungutang ka?” Tumango siya sa tanong ko na ikinangiwi ko. “What?” “You’re rich, right? Pautangin mo na lang ako, babayaran naman kita,” sagot niya lang at sinuklay ang puting buhok niya. “Can you?” “Ang lakas makapag-english, wala naman palang pera,” hindi makapaniwalang bulong ko at suminghap. “Who are you?” tanong ko at nilabas ang wallet ko. “’Di ba, kilala mo na ‘ko? Ano ka, ulyanin?” kunot noong tanong niya na ikinairap ko na lang sa inis. Iniinis niya talaga ako. Damn. “Commonsense, please. Mangungutang ka na rin ba ng commonsense para lang masagot mo ang tanong ko?” pairap na tanong ko na ikinailing niya. “Hindi mo naman na ‘ko kailangang makilala. Just give me money.” Napapabuntong hininga akong bumunot ng two thousand pesos at kunot noo ring inabot ‘yon sa kaniya. “Nice, kahit hindi bukal sa loob mo, kukunin ko ‘to,” tumatawang sabi niya at kinuha ang pera. Doon niya na ‘ko binitiwan at tumayo na. “Okay ka na, ha? Mananahimik at aalis ka na ba?” taas kilay na tanong ko na ikinatango niya. “Yup. 200 lang ang inuutang ko pero sinobrahan mo, kaya 200 lang din ang babayaran ko sa susunod.” Napamaang na naman ako sa sinabi niya at mas tinaasan siya ng kilay. “So, thank you rito. Huwag ka nang sumimangot, bye!” Mabilis siyang kumaway at tinalikuran ako. I watched him walking away from me while I was in the state of disbelief. How can he be so... s**t! That man! We’re not even close! Sino ba talaga siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD