— Matilda —
Pumasok ako sa bahay namin na wala man ni isang bumati sa akin. Nag-iwas lang ng tingin ang lahat ng katulong namin na agad kong ikinairap. Anyway, I don’t need their greet. All I want was my mom and dad’s greet.
“Where’s mom?” I asked one of our maids.
“N-Nasa taas po, sa kuwarto ni sir Mathew,” sagot niya na kusang ikinataas ng kilay ko.
Iniwanan ko na siya at mabilis na umakyat sa taas. Pumasok muna ako sa kuwarto para iwan doon ang bag ko. Lumabas ako at tahimik na naglakad papunta sa kuwarto ng kapatid ko.
“Mom, nasaan po si Dad?” rinig kong tanong ni Mathew. Maingat akong sumilip sa nakabukas na pintuan ng kuwarto niya para makita sila.
“He’s waiting us,” my mom answered.
“Where are we going?” tanong na naman niya.
14 years old palang siya pero litaw na litaw na ang kagwapuhan ng kapatid ko. Ako? Ako pinakamaganda rito.
“We’re going to Vietnam,” nakangiting sagot ni mom habang inaayusan niya ng polo si Mathew. “Isn’t it exciting, baby?” tanong niya nang napansing natahimik si Mathew.
Sana ganiyan din kayo sa ‘kin, ‘di ba?
“How about ate? Hindi ba natin siya isasama?” kunot noong tanong niya na ikinairap ko at bumuntong hininga.
“Hindi na, baby, hayaan na lang natin ang ate mo. Kaya na niya ang sarili niya,” sagot ni mom na ikinatango-tango ko na lang at umalis na sa pagkakasilip.
Dahan-dahan akong naglakad pabalik sa kuwarto ko. Pabagsak akong humiga sa kama at pumikit nang mariin.
As usual, siya na naman. Kapatid ko na naman. Nakakasawa na ‘yung ganito.
Patayin na lang nila ‘ko.
Tumayo ako para magbihis na muna. Pagkatapos ay natulog na muna ako dahil sobrang boring dito sa bahay.
“Ma’am Matilda, gumising na po kayo, may pasok pa po kayo!”
Napaupo ako agad nang narinig ko ang isang katulong namin mula sa labas ng kuwarto. Napatingin ako sa bintana at maliwanag na. Nagtuloy-tuloy na pala ang tulog ko kahapon.
Tumayo ako at lumapit sa pinto. Binuksan ko ’yon at tinaasan ng kilay ang katulong namin.
“Ma’am, umalis na po sila ma’am—”
“So? I don’t f*****g care. You may go,” masungit na sagot ko at pabagsak na isinara ang pinto.
Kinuha ko na lang ang phone ko para i-check ito. I have 22 messages and 8 missed calls from Civrus. Napangiti na lang ako at nag-reply na lang ng good morning sa kaniya.
Nag-ayos na rin ako ng sarili ko after niyon. Late na pala ako pero hindi na ako nag-abalang magmadali pa sa pagkilos. Ano namang pake ko sa mga lecturer namin?
“Ma’am, magbe-breakfast pa po kayo?” tanong ng isang maid sa akin na ikinailing ko at tinaasan siya ng kilay. “G-Gano’n po ba, s-sige po.” Mabilis siyang nawala sa harap ko na ikinangisi ko na lang.
Agad akong lumabas at sumigaw ng, ”Rey!” Ang pangalan ng driver kong napakakupad.
“M-Ma’am!” Nagmamadali siyang tumakbo palapit sa akin na ikinairap ko na lang at inis siyang tiningnan.
“Get the car, stupid! Papasok na ako,” iritadong utos ko na ikinakamot niya sa ulo at mabilis na umalis. Lumakad na ako at hinintay ang kotseng makarating sa harap ko. “Napakabagal mong kumilos kahit kailan!” bulyaw ko agad sa kaniya at sumakay na.
Nag-cross arm ako habang nasa loob ng kotse at nanahimik. Ilang beses akong napabuntong hininga dahil wala na naman sa bahay ang pamilya ko. Paano na ako? Lagi na lang, ‘kaya na niya ang sarili niya. Malaki na ang ate mo.’
Kaya ko na nga ang sarili ko pero hindi ko pa kayang makarating sa ibang bansa! ‘Yung kapatid ko, kung sa’n-sa’n na nakarating tapos ako, nandito, naghihintay na ako naman ang isama. Why so unfair?
“Ma’am, okay lang po ba kayo?” I looked at Rey and raised my eyebrow. “Nagtatanong lang po, huwag kayong magalit,” mahinahong sabi niya na ikinairap ko.
“As far as I know, you’re a driver and your work is to drive the car, not to talk with me,” I said as I rolled my eyes again. Natahimik siya at nag-drive na lang hanggang sa nakarating na kami sa Trexia International School. “I’ll call you kung uuwi na ako,” sabi ko sa kaniya na ikinatango na lang niya.
I grabbed my phone and dialed Dessie’s number. “Where are you, b***h?” I asked as she answered my call.
“I’m here in library. Why, b***h? I’m busy studying, don’t you dare to disturb me here.” Napairap na lang ako sagot niya. Akala mo talaga.
“How about Pove?”
“She’s with me, we’re both studying. If you’re not into books, better not to go here.”
Napairap na naman ako at inis na ibinaba ang phone ko. Like, what the f**k? Ako lang talaga sa kanilang dalawa ang ayaw humawak ng libro. Hello, ayoko ngang mag-aral, magbasa pa kaya ng libro?
I dialed Civrus number, after two rings, he answered my call. “Hi, good morning, where are you?” I asked.
“Good morning. I’m still fixing myself. Damn, I forgot to wake up early. Do you need something?” Napairap na naman ako dahil sa sagot niya. “Hey?”
“Alright, take care, bye!” Binaba ko agad ang phone ko at tumingin sa paligid.
So, where will I go? Class? Damn, I’m too lazy to attend classes right now. Cafeteria? Better. I’ll take my breakfast first.
I walked along the hallway. I suddenly stopped when three men blocked my way. Tumaas na naman ang kilay ko. “Do you need something, morons?” I asked.
“Matilda, right?” tanong ng isa na ikinataas lang lalo ng kilay ko. “I’m Lero. Can I court you?”
Napangiwi ako at napatawa naman ang dalawang kasama niya dahil sa sinabi niya. Like, what the hell is this?
“I’m already dating someone. You’re busted,” direktang sagot ko na ikinahagod niya lang sa buhok niya. Actually, he’s handsome and tall but my Civrus is more handsome and taller than him. “Excuse me, I don’t want to see your faces again. It’s irritating,” pairap na sabi ko at agad na binangga si Lero na nakaharang sa harap ko.
Hahakbang na sana ulit ako paalis pero agad niyang hinawakan ang braso ko. Like, what the f**k again? He’s not allowed to touch my beautiful skin!
“Totoo pala ang mga naririnig namin. You are Matilda the maldita,” tumatawang bulong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Oh, chill, we just want to know you.”
“Kilala mo na ‘ko. Bibitiwan mo ‘ko o sasampalin kita?” mariing tanong ko na ikinataas din ng kilay niya at natawa pa.
“Oh, I’m scared— f**k!” Agad ko siyang sinampal nang sobrang lakas.
“Yes, you should be scared,” nakangising sagot ko at binawi ang braso ko.
Akmang lalapitan pa ako ng dalawa pero may agad nang humablot sa akin. “May problema ba rito, men?”
It was Henzo! Seryoso siyang nakatingin sa tatlong lalaki na mukhang nakakita ng multo matapos nilang makita si Henzo.
“W-Wala, nakikipagkilala lang naman kami, pero aalis na rin kami. Tara na! Tara na,” natatakot na sagot ni Lero at agad na tumakbo na ikinakunot ng noo ko. Napatingin naman ako kay Henzo na natawa lang.
Again, who is he?
“Bitiwan mo na ‘ko,” sabi ko dahil hawak niya pa rin ako sa braso. Agad niya naman akong binitiwan na agad ko ring ikinairap. I turned my back and was ready to walk again, but he grabbed me, again! “What?”
“Saan punta mo?” tanong niya na ikinairap ko na naman.
“Cafeteria.”
“Kakain ka?”
“What do you think?” inis na tanong ko at binawi muli ang braso ko mula sa kaniya.
”Nice, hindi pa ako kumakain. Libre mo na lang ako para sa ginawa ko kanina,” nakangising sagot niya at nauna pang maglakad.
Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. Are we really close para umasta siya nang ganiyan? Pangalan niya nga lang ang alam ko sa buong pagkatao niya! At napakakapal naman ng pagmumukha niya para magpalibre sa ‘kin as a payment sa ginawa niya kanina.
“Tutunganga ka lang ba diyan? I’m hungry, Matilda!” Inirapan ko siya at inis na sumunod sa kaniya. Akala mo kung sino! “Huwag mo ‘kong simangutan. Kung hindi ako dumating, baka kung ano na’ng ginawa sa ‘yo nila Lero. Alam ko naman na hanggang salita ka lang at hindi mo kayang lumaban.”
Inis ko siyang tiningnan. “Are you f*****g insulting me?” mariing tanong ko na ikinailing niya. “Then what?”
“I’m stating the fact.”
“Wala kang libre!” inis na sabi ko at agad na naglakad pabalik pero mabilis niya ‘kong hinawakan.
“I’m just kidding, sorry,” sagot niya habang nakikipagtitigan sa akin. Inirapan ko siya at umiwas ng tingin.
Nanahimik na lang kami pareho hanggang sa nakapasok na kami sa loob ng cafeteria. Agad na napatingin sa amin ang iilang estudyanteng nasa loob. Inirapan ko lang sila at nagpatuloy lang sa paglalakad.
“Bakit sila magkasama?”
“I thought, Matilda and Civrus are dating.”
“Flirting with another man, ha? Malandi.”
Halos umabot na sa ulo ko ang kilay ko nang narinig ko ang mga bulungan ng tatlong babaeng malapit sa amin. Lumakad ako palapit sa kanila.
“Matilda! Don’t mind them!” It was Henzo, trying to stop me but I didn’t listen.
“What you were saying?” taas kilay na tanong ko sa kanilang tatlo nang nakalapit na ako.
“Na malandi ka? Ayun ba ang gusto mong marinig?” tanong ng isang hindi naman kagandahan at tinaasan pa ‘ko ng kilay.
I smirked. “Yes, pero huwag mo ipasa sa akin ang pagiging malandi mo, ha?”
“At paano mo naman nasabi na malandi ako?” medyo galit na tanong niya na ikinairap ko.
“Then, paano mo rin nasabi na malandi ako? Can I slap you 360° with 360°C?” tanong ko rin at agad na ngumisi. “Of course, I can,” sabi ko at malakas siyang sinampal. Pagharap niya ay sinampal ko na naman siya.
Napaiyak agad siya sa dalawang malakas na sampal ko. Agad ko namang kinuha ang dalawang plato ng pagkain na nasa lamesa nila at itinapon ‘yon sa dalawa niya pang kasama.
“Better watch your words, ha?” huling sinabi ko bago sila tinalikuran at bumalik kay Henzo. “Um-order ka na,” masungit na sabi ko at naglabas ng pera. “Vegetable salad and juice lang sa ‘kin. Keep the change, baka kasi naghihirap ka masyado,” dugtong ko pa at inabot ang 1 thousand pesos bago siya inirapan.
“Thanks,” nakangising sagot niya at naglakad na paalis.
Naghanap naman na ako ng table na puwede kong pagkainan. Hindi naman siguro siya sasabay sa ‘kin ‘di ba?
Mayamaya pa ay dumating na siya habang hawak ang isang tray, isang crew naman ang nakasunod sa kaniya at hawak din ang isang tray. Inilapag niya sa lamesa ko ang order ko. Nag-thank you naman siya ro’n sa crew ng cafeteria bago umupo sa harap ko na ikinataas ng kilay ko.
“Hindi ko gustong may kasabay kumain. Umalis ka rito,” pagtataboy ko sa kaniya na ikinakibit balikat niya lang at kumain na. Napairap na naman ako dahil makulit din pala ang lalaking ‘to.
Wala na akong nagawa kun’di kumain kasabay niya dahil tinatamad na rin akong lumipat ng puwesto.
“College ka na, right?” tanong ko sa gitna ng pagkain namin. Napatango naman siya. “What course?”
“Architecture,” tipid na sagot niya at sumubo ng kanin at chicken na kinakain niya. “You?”
“Fashion designing,” tipid din na sagot ko at uminom. “How old are you?” tanong ko ulit.
“I’m 20 years old,” sagot niya na ikinataas lang ng kilay ko. Graduating na rin pala siya. Simula first year highschool ay dito na ako nag-aaral pero bakit parang ngayon ko lang siya nakita?
“Kailan ka pa nag-aaral dito?” panibagong tanong ko.
“This year lang,” sagot niya na ikinataas na naman ng kilay ko. Kaya naman pala. “Akala ko kakain lang ako nang maayos dito, sasagot pa pala ko sa mga tanong mo. Sabi ko na nga ba at interesado ka sa ‘kin,” nakangising sabi niya na ikinangiwi ko.
“In your dreams,” pairap na sagot ko. “Last question, saang pamilya ka galing?”
“Aguilar nga, ‘di ba?” sagot niya na ikinairap ko. Oo nga pala.
But Aguilar seems not popular. I haven’t heard their family name before in business world. Ang TIS ay para lang sa mga estudyanteng kayang bayaran ang napakamahal na tuition and miscellaneous fee rito, at malamang sa malamang, ‘yung mga mayayaman lang ang makakapasok dito.
I looked at him again. Maliban na lang kung scholar.
“Are you a scholar?” tanong ko na ikinataas ng kilay niya at agad na ngumisi.
“Akala ko ba last question na ‘yung kanina? So, I won’t answer that question, pakainin mo na lang ako nang maayos at tahimik dito.” Ngumisi siya na ikinaikot ng mga maya ko. “Hindi ko na mabilang kung ilang beses mo na ‘kong nairapan. Grabe ka sa ‘kin,” natatawang dugtong niya na ikinairap ko na naman.
“Akala ko ba gusto mong kumain nang tahimik diyan? E bakit panay pa rin ang salita mo?” inis na sagot ko at inirapan ulit siya. Nagkibit balikat lang siya at kumain na uit.
“Matilda!”
Napalingon ako sa entrance ng cafeteria nang may sumigaw sa pangalan ko. Agad akong ngumiti nang nakita ko si Civrus. Nag-jog siya palapit sa amin.
“Hi, good morning,” bati ko at tumayo para mahalikan siya sa pisngi.
“Good morning. Are you done eating? Hindi mo man lang ako hinintay?” nakasimangot na tanong niya na ikinatawa ko na lang.
“Ehem!” Pareho kaming napatingin kay Henzo na kumakain pa rin nang tumikhim siya.
“Bakit kasama mo siya?” kunot noong tanong ni Civrus sa akin.
“Nagpalibre lang ‘yan. Let’s go?” sagot ko at saglit na tiningnan si Henzo na hindi man lang nag-aangat ng tingin sa amin.
“Nagpalibre?” pabulong na tanong ni Civrus matapos ko siyang hilahin paalis. Tumango naman ako.
Akala mo palaging walang pera. Kahapon nangutang, ngayon naman nagpalibre.
“Weird,” bulong lang ni Civrus na hindi ko na pinansin.