— Matilda —
“Wala ka bang balak pumasok sa klase mo?” tanong ni Civrus habang kumakain kami pareho ng fries na pinabili niya pa sa labas. Umiling-iling naman ako sa kaniya.
“Nakakatamad,” I answered bago kumuha ng isang fries at itinapat sa bibig niya 'yon, agad niya naman 'tong sinubo at nginuya. “E, ikaw?” balik tanong ko na ikinailing na lang din niya.
“Hindi na rin, sasamahan na lang kita,” sagot niya at sinubuan din ako. “Alam ko naman na pumapasok ka lang dahil ayaw mong nasa bahay at mag-isa,” sabi niya na ikinatango ko ulit. “Alam ko rin naman na gusto mo lang akong makita at makasama.”
“Ulol,” sagot ko na lang at bahagyang tumawa na ikinatawa niya rin.
“Kailan mo ba 'ko balak sagutin? We love each other naman,” tanong niya at umusog nang mas malapit sa akin. Nandito kasi kami sa gymnasium, nakaupo.
“Nagmamadali?” taas kilay na tanong ko na ikinangisi niya.
“Four months na kitang hinihintay, hindi naman ako nagmamadali.”
“Ayun naman pala, e.”
“Gusto ko lang magawa 'yung gawain ng lalaki as a boyfriend, hindi 'yung as a suitor lang,” mahinahong sabi niya at sinubuan ulit ako. “Mahal na mahal kaya kita.”
Ngumiti na lang ako at hindi siya sinagot. Kinuha niya ang coke at ibinigay ito sa 'kin dahil ubos na pala ang kinakain namin.
“Si Henzo pa sinabayan mo kaninang kumain imbis na ako,” bulong niya sa tainga ko kaya agad akong napalayo nang kaunti dahil sa kiliti. “Nakakatampo,” bulong na naman niya.
“Tsk, loko-loko lang ang lalaking 'yon. Sobrang kapal ng mukha para magpalibre sa akin, tsk,” sagot ko at ibinigay na sa kaniya ang coke. Siya naman ngayon ang uminom. “Kumusta shootings? Kailan ba kita ulit mapapanood sa T.V?” nakangising tanong ko.
“Okay lang naman. Baka next year, may contract na ako sa isa sa mga sikat na television network dito, support me, ha?” nakangiting sagot niya at piningot ang ilong ko. Napangiti na lang ako at tumango. “Bigyan na lang kita ng copy ng isang magazine ko. Hindi ka naman siguro nagsasawa sa mukha ko, 'no? Syempre, ang gandang lalaki ko ba naman.”
Napairap ako at natatawang hinampas ang mukha niya. Masiyado talaga siyang mahangin!
“Hi, baby Civrus!”
Otomatikong tumaas ang kilay ko nang may isang lintang lumapit kay Civrus at ipinulupot ang kamay niya sa braso nito. Nagkatinginan kami ni Civrus, para pa siyang natataranta nang tanggalin niya ang kamay nung babae.
“Who are you, b***h?” tanong ko sa babae na ikinataas ng kilay niya pero kumapit ulit kay Civrus. “Can you please stop touching him? Are you a slut?”
Walang respeto? Nakikita na niyang kasama ako ni Civrus.
Napanganga siya sa sinabi ko at sinamaan agad ako ng tingin. “How dare you to call me slut? Civrus is mine, I should be the one to ask who you are!”
“Ah, really?” taas kilay na tanong ko at tiningnan si Civrus. “Can you please tell to this slut who the hell I am in your life,” I said kaya agad niyang tinulak ang babae.
“Wenie, stop flirting with me. I told you, I love someone. I can't love you back,” mahinahong sabi niya at lumapit sa akin.
“Is she the someone you loved?” tanong ng babae na agad kong ikinangisi.
“Ako nga. Aangal ka pang malandi ka? 'Di hamak na mas maganda at mas mataas ako sa 'yo,” sagot ko na ikinamaang niya.
“Civrus is mine! You are the slut here! He's mine!”
Obsess? Ha! I don't care.
“Tell her that you're mine, Civrus,” sabi ko na agad ginawa ni Civrus.
“Wenie, leave. I don't need you. Stop following me. I love Matilda. I'm hers and she's mine. Stop pestering our life!” mariing sabi niya. Napailing-iling agad si Wenie at agad siyang sinampal.
Uminit ang ulo ko at agad na tinabig si Civrus na sinampal niya. Binigyan ko agad ng sobrang lakas na sampal si Wenie at hinila ang buhok niya. Hindi ako papayag na sasaktan niya lang nang gano'n si Civrus. Hindi ko nga nasampal 'yan, tapos sasampalin niya? Ha! No way.
“You, slut, get out of my sight bago pa kita masipa pabalik sa pesteng pinanggalingan mo,” sigaw ko at malakas siyang tinulak. Hinila ko agad si Civrus paalis doon. “Panira siya ng moment natin, tsk.” Dumaan kami sa gilid ng court kung saan may mga nagba-basketball.
“Jealous, baby?” natatawang tanong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Oh, I'm scared, baby.”
“Sipain kita diyan!” inis na sabi ko at binitiwan na siya. “Bahala ka diyan! Siguro nilalandi mo rin ang babaeng 'yon kaya siya kapit nang kapit sa 'yo!”
“N-No! Hindi, a. Ikaw lang naman ang nilalandi ko,” sagot niya at lalapit na sana ulit pero mabilis akong naglakad. “Baby naman!”
Mabilis akong napalingon ulit sa kaniya nang malakas siyang dumaing. “C-Civrus!” gulat na sigaw ko at nagmamadali siyang nilapitan nang makita ko siyang nakaupo na. Nasa gilid niya ang bola ng basketball.
“W-What happened?” tanong ko at tinulungan siyang tumayo.
“S-s**t, it hurts!” daing niya habang hawak-hawak ang ulo. “Tinamaan ako ng bola.”
Sumama ang tingin ko sa mga nagba-basketball dahil doon. Doon ko nakita si Henzo na nagj-jog papalapit sa amin. Kinunotan ko agad siya ng kilay habang siya ay walang buhay lang ang mga mata.
“Sinong nakatama sa kaniya?” tanong ko. Agad na lumapit si Henzo at kinuha ang bola.
“Me. I didn't mean it, paharang-harang kasi kayo,” sagot niya na lalong ikinakunot ng noo ko at nilapitan siya. ”Galit ka na niyan?”
“Nananadya ka ba?” inis na tanong ko na ikinataas ng kilay niya at dalawang beses na umiling.
“Nope. Sinabi ko na 'di ba, paharang-harang kayo— What the f**k, Matilda!” Malakas ko rin siyang sinampal na ikinagulat nilang lahat. “Sinampal mo 'ko para do'n? Napakaliit na bagay!”
“For your f*****g information, nasa gilid kami dumadaan!” sigaw ko at agad siyang tinulak sa kanang balikat.
“I don't f*****g care. Hindi ko nga sinasadya, 'di ba? Bakit galit na galit ka—f**k you!” Napalayo ako bigla nang may humila sa akin at sinuntok si Henzo. It was Civrus!
“Gago ka, ha. Hindi ko nga sinisigawan 'yan ta's sisigawan mo lang?” galit na sigaw ni Civrus pero agad siyang ginantihan ng suntok ni Henzo kaya pumagitna na ako.
“Civrus, let's go. Let's go,” sabi ko at hinila na siya paalis doon.
“Tsk, damn that jerk. Ang lakas ng loob niya,” naiinis na bulong niya habang mahigpit na nakahawak sa kamay ko. “Huwag ka na ngang lalapit pa ulit do'n. Baka masapak ko na naman 'yon kapag nakita ko pa kayong magkasama,” sabi niya sa 'kin na ikinatango ko na lang. “Buti na lang hindi ka niya sinaktan. Sabihin mo lang sa 'kin kapag may ginawa sa 'yong masama 'yon, ha?”
“Oo, sige. Tama na.” Napatango na lang siya sa akin at kinapa ang sugat niya sa gilid ng labi. “f**k, natamaan na ng bola, nasapak pa. May photoshoot pa naman ako mamaya.”
“Bakit mo kasi sinuntok?” natatawang tanong ko na ikinatawa na lang din niya at umiling-iling.
“Hey, bitches!” Napatigil kami nang makita namin sila Pove at Dessie na makakasalubong namin. “OMG, what happened to you, Civrus?” gulat na tanong ni Dessie.
“Let me guess, it's because of Matilda, right?” tanong ni Pove na ikinatango niya. “Ano na namang ginawa mong babae ka?”
I rolled my eyes. “I just slapped that freaking Henzo,” I answered.
“Ay bongga!” nakangising sabi ni Dessie. “Anyway, b***h, may narinig kaming bulungan kanina. Malandi ka raw dahil tinu-two time mo sila Civrus at Henzo. And guess who's the chikatera?”
Napatingin muna ako kay Civrus na nakakunot noo lang bago tumingin ulit kay Dessie. “The who?” I asked.
“Wenie, the slut!” sabay na sagot nila ni Pove na ikinataas ng kilay ko. “So, what we'll gonna do?” tanong ni Pove.
“Later, b***h. Ako'ng bahala ro'n,” nakangising sagot ko at naglakad na ulit. “Pakisamahan muna si Civrus sa clinic to clean his bruise. I'll just go to the locker room,” sabi ko sa dalawa.
“Sunod ka, ha?” sabi ni Civrus na ikinatango ko na lang at nagpaalam na.
Naglakad na ako papunta roon. Isinara ko ang pinto ng locker room pagkapasok ko. I just shrugged nang makitang walang ibang tao.
I opened my locker, inilagay ko sa loob ang ibang gamit ko at kumuha ng damit na pamalit.
“Are you mad?”
Napatigil ako sa ginagawa nang saktong bumukas ang pinto ay ang pagsasalita niya— ni Henzo.
“What are you doing here?” walang ganang tanong ko habang inaayos pa ang mga gamit ko.
“Simply because this is a locker room.” Napairap na lang ako sa sagot niya at hindi na siya pinansin. Alam ko naman ’yon, duh. “Galit ka sa 'kin?” tanong na naman niya na hindi ko sinagot. “Look, I'm sorry. Hindi ko naman talaga—”
“Did I ask you to explain yourself?” I asked at malakas na sinara ang pinto ng locker ko. “I don't want to see your face. Please, distance yourself from me.” Nagsimula na akong maglakad pero agad niya 'kong hinawakan sa braso. “What?” baling ko at masama siyang tiningnan.
“I'm sorry,” mahinahong paumanhin niya at marahan akong hinarap sa kaniya. “I'm sorry.”
“Kung tutuusin, hindi kita kilala. Hindi ko alam kung bakit ganiyan ka na lang makaasta sa 'kin. Like what the f**k” Close ba kami? Inirapan ko siya at binawi ang braso ko. “Layuan mo na 'ko, please?”
Nag-igting ang panga niya bago umiling.
“Kailangan pa kita.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya pero nilagpasan na niya 'ko at lumabas ng locker room.
“Tsk, kailangan your face.”