— Matilda — “Sobrang saya ko!” ngiting-ngiting sabi ni Henzo at niyakap na naman ako nang mahigpit. Nandito na kami ngayon sa kuwarto ko. “Hahaha, I'm happy that you are happy,” sagot ko. Humiwalay naman siya sa ’kin at hinawakan na naman ang mukha ko. “Call me love,” utos niya na ikinataas ng kilay ko. “Endearment natin,” nakangising sabi niya. “Okay, love,” sagot ko na lalo niyang ikinangiti. Hinalikan na naman niya ’ko nang smack lang. “Nakakarami ka na, a!” kunwaring angal ko pero natawa lang siya. “Syempre, sabi ko naman sa ’yo, ’di ko na titigilan ’yan,” nakangising sagot niya at hinalikan na naman ako. “Mahal mo na ba talaga ’ko?” tanong niya na ikinairap ko. “Sasagutin ba kita kung hindi?” tanong ko rin na ikinailing niya. Ako na ang humalik sa kaniya. Ang balak ko ay smack

