— Matilda — “Pakibilisan,” inis na sabi ko sa nagp-prepare ng binili kong cellphone. Naiinis na ’ko dahil baka tumatawag na nga si Henzo. Hindi ko pa naman nakita si Grenda, makikihiram sana ako. “Opo, wait lang, ma'am,” sagot niya at nagmadali sa ginagawa niya. Napairap ako at naghintay na lang kahit sobrang nakakainip na. “Ma'am, ito na po.” Inabot niya sa akin ’yon at binayaran ko naman agad ito. Pumasok ako sa Classic Savory at um-order ng konting pagkain. Doon ko inayos ang phone ko. Inilagay ko ang sim ko ro'n at nagmamadaling binuksan ang phone. “Shit..” bulong ko matapos kong makita ang maraming messages at missed calls ni Henzo. Napailing na lang ako at tinawagan siya. “Oh?! Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hindi ma-contact!” Natahimik ako dahil parang galit na galit siy

