ANDREI POV AFTER 5 YEARS Limang taon na ang nakalipas simula nang umalis siya. Limang taon na ang nakalipas simula nang malaman ko na hindi ko pala siya tunay na kapamilya. Limang taon na rin akong nagdudusa sa pagkawala n'ya at nagsisisi. Nakapag tapos ako ng pag aaral nang wala siya. Kung nandito lang sana siya ay malamang graduate na rin siya. ‘’Oy dude, kamusta na?’’ bati ni Ren sa akin. Pagkatapos kasi ng graduation ay madalang na lang kaming magkita kita dahil kahit tapos sila ng HRM ay pinili nila ni Tres na sa mga company or other business nila sila magtrabaho. ‘’Ito, gano'n pa rin,’’ sabay ngiti ko. Nandito kami ngayon sa condo ko. Yes, condo ko dahil pagkatapos kong mag graduate ay ito ang niregalo sa akin ng parents ko. ‘’Sinusuyo ka noon, dakilang pabebe ang akto mo eh!

