ANDREI POV Maaga na akong gumising at agad na naligo bago bumaba ng hagdan. Kahit graduate na ako ay hindi pa rin ako nag ta-trabaho dahil ang gusto ko, maibalik muna si Astrid sa akin. Bumaba ako ng hagdan at nakita ko naman na masaya si Mom. May nangyari kaya? "Mom? Masaya ka yata?'' tanong ko bago ako humalik sa kan'ya. ''Wala ito sweety, good news lang,'' sabi n'ya. ''Anong good news, Mom?'' tanong ko. Nakita ko naman na natigilan ito. ''A-ah?'' Napakunot naman ako ng noo ko. ''Mom, may hindi ba kayo sinasabi sa akin? You know na ayoko ng ganiyan,'' sabi ko at kaagad naman siyang nataranta. ''Eh kasi sweety, ano kasi... ganito kasi 'yan... Hindi ko naman alam... pero sa ngayon—'' ''Mom!'' pigil ko sa kan'ya dahil wala akong naintindihan. ''But sweety, promise me na w'wag kang

