ASTRID POV Nang mapatunayan ko nga na nilalagnat si Andrei ay nagpa-party ako dahil sa wakas makakatakas na kami ng anak ko... pero syempre, joke lang iyon. Dali-dali akong lumabas ng kwarto at nagtatakbo pababa ng hagdan ng makita kong kumakain na ang anak ko. Kumaripas ako pababa para kumuha ng tubig at towel bago ako dumaretso sa sink. ''Mom, what's happening?'' tanong ni Aexl. ''Nilalagnat si Andrei, baby. Kaya dapat pagkatapos mo diyan umakyat ka na sa kwarto at matulog. Okay, baby?'' sabi ko habang inaayos ang gagamitin ko. ''Nilalagnat si Dad, Mom?'' ''Yes, nilalagnat ang Daddy mo kaya—" Pero natigil ako at dahan-dahang napaharap sa anak ko na inosenteng nakatingin sa akin. ''We'll talk tomorrow, baby,'' sabi ko at nagmadaling tumakbo paakyat ulit dala-dala ang isang basin at t

