ASTRID POV Kanina ko pa hinihintay sina Andrei at si Aexl dito sa sala nang mabasa ko na lumabas silang dalawa at pupunta raw sa bayan. Kaagad naman akong napalingon sa pinto ng bumukas ito at nakita ko sila. ‘’Saan na naman ba kayo nanggaling?’’ naka pameyawang na tanong ko. ‘’Hindi ba, sabi ro'n sa note sa bayan kami galing?’’ sabi ni Andrei pero inirapan ko siya nang mapatingin ako sa mga bitbit nila. ‘’Ano 'yan?’’ tanong ko sabay nguso sa dala nila. ‘’Toys. Binili sa akin ni Kuya Andrei, sinusuhulan n'ya ako,’’ sabi ni anak ko at pareho naman kaming nagulat ni Andrei. Suhol? Masama kong tinignan si Andrei na hindi alam ang gagawin. ‘’Manunuhol ka na pala, Andrei,'' sarkastikong sabi ko. ‘’W-What? Hindi ah. Kusang loob kong binigay 'yan!’’ pagtatanggol n'ya sa sarili niya. ‘’Hin

