ASTRID POV Nagising ako nang sobrang sakit ng ulo ko. Napadaing ako habang nakaupo sa kama ko at sapo-sapo ang noo ko. Ano bang nangyari? Tumingin ako sa cellphone ko at nakita kong alas onse na pala. Kahit masakit ang ulo ko ay tumayo ako pero bigla akong napasigaw nang malakas dahil sa sakit ng pagkab*b*e ko kaya bigla ulit akong napaupo. Napalingon naman ako sa pinto ng bumukas ito at natatarantang pumasok sina Andrei at ang iba pa. Nang makita ni Andrei ang pwesto ko ay kaagad niyang pinalabas ang iba. ‘’Huh? Pero tol. May masakit yata sa kaniya,’’ sabi ni Ren. ‘’Ako na ang bahala. Sige na,’’ sabi inya at tumango naman ang iba bago nilock ni Andrei ang pinto. ‘’Sore?’’ tanong niya at tumango naman ako na nakapagpangiti sa kaniya. ‘’Hindi ko alam kung bakit,’’ naiiyak na sabi ko

