ASTRID POV Kagabi ay tinanong ako nina Tres kung bakit daw kami nagsisigawan kagabi ni Andrei at kung bakit daw bigla na lang nagkaganon si Andrei pero hindi ko sinabi sa kanila ang dahilan. Maaga akong nagising at pagkababa ko ng hagdan ay nagkakagulo sila. ‘’Ano ang problema?’’ tanong ko. ‘’Princess A! Si Andrei kasi, pagkagising namin wala na kaya hinanap namin pero wala. Umuwi siguro kaninang madaling araw,’’ natatarantang sabi ni Ren. A-Ano? Umuwi na siya? ‘’B-Bakit daw?’’ ‘’Kagabi ay wala naman siyang ikinuwento at nagulat na lang kami ng wala na siya kaya hindi namin alam ang dahilan niya,’’ kwento ni Tres. ‘’Mabuti pa, umuwi na lang tayo. Tin-ext ko na ang driver namin at susunduin na tayo ngayon,’’ sabat ni Tiffany. Sumang ayon naman kami at nag ayos na ng mga gamit namin. I

