If only Tawang-tawa si Seya nang ikwento ko sa kanya na sinabi ko kay Ali ang tungkol sa usapan namin. "Oo nga naman, may point sya! Unfair," hagalpak niya. "Ba't pag may close sa babae ang tawag ay boy bestfriend pero pag sa lalaki side chick agad," halos maluha sya. "Yan, ganyan kayong mga babae." Cal bitterly said bago sumubo ng chips. "Aping-api na talaga kami sa lipunang 'to sa totoo lang," Seya just laughed at him even more. Nandito kaming tatlo ngayon sa cafeteria para sa break. "Iba naman kasi yon," depensa ko. "Totoo namang kaibigan ko lang si Elcid eh." "Ah, so si Elcid ang tinutukoy niya?" halakhak ni Seya. Tumango ako. "Hindi mo pa ba sinasabi sa kanya?" Cal asked before taking a sip of zesto. "Hmm? What do you mean?" pangalumbaba ko habang nagsasawsaw ng fries. Kumuh

