Goodnight All my life, I've always believed that life and love are interconnected. In order to find yourself, you must live the life you love. And in order not to lose yourself, you must love the life you live. Gusto kong mabuhay sa mundong puno ng pag-ibig. I live with that vision. Sa bawat araw, sinisiguro kong napapadama ko iyon sa mga tao sa paligid ko. Ang pagmamahal. "Einj, totoo ba?" usisa ni Seya. "Na nasa New York na si Ali?" Iniwas ko ang tingin. "Oo," Mapuno man ng pag-ibig ang daigdig, hindi ibig sabihin ay aayon na ang lahat sa nais natin. Hindi porket gusto ay makukuha na. Hindi lahat ng plano ay matutupad. Dahil hindi lang naman pansariling kagustuhan natin ang mahalaga. Minsan, may ibang taong mas nangangailan. May ibang bagay na dapat isaalang-alang. Whenever I ha

