Hiling "Einj honey, are you okay?" Umangat ang tingin ko mula sa pagkakatulala sa hapag nang kausapin ako ni Mommy. "May problema ba?" her brows furrowed in concern. Kusang napahinga nang malalim ang baga ko. "W-wala po. May iniisip lang.." humigpit ang kapit ko sa kubyertos. Ramdam ko ang bumibigat na tingin sakin ng katabing si Aki mula sa gilid. "Kanina ka pa tahimik.. Hindi mo rin ginagalaw ang pagkain mo," Mula nang makauwi sa bahay, pakiramdam ko'y hindi na ko muling nabalik sa ulirat. My soul is floating. My mind is somewhere else. Masyadong mabigat ang araw na 'to para sakin. Everything's just too much for me to handle. Sinubukan kong kumain upang maibsan ang pagaalala nila Mommy. Pinilit ko ring kumilos nang normal sa harap nila. Lumuwag ang dibdib ko nang matapos na ang

