Chapter 2

1434 Words
Chapter 2: Break Up Alexandria Dunbar's POV "San ka galing?" tanong ni Joey kay Garielle. Inirapan naman siya ni Garielle saka umupo ulit. Mukhang badtrip ang isang 'to. Badtrip na nga kanina mas badtrip pa yata ngayon. Kasunod niya naman na lumabas galing don sa pinanggalingan niya si Brick. Napangisi ako. "Sa impyerno." Sagot ko para kay Garielle. Sabay naman silang nagkatinginan sa'kin bago ako tumawa ng mahina at nilagay ko yung tissue na pinagpupunit ko sa loob ng mug na pinag-inuman ko. Halos wala ng tao sa shop kahit na naturingang 24 hours 'to. Paano maga-alas dos na ng umaga. Sinong matinong tao ang magkakape sa alas dos ng umaga? "Rhia!" mukhang nahulaan ni Garielle kung bakit ko sinabi 'yon. Nagkibit balikat lang ako saka ko tinawag yung isang waiter don. Wala si June baka may inaasikaso sa loob kaya mag-uutos na lang ako rito. "May caramel macchiato ba kayo?" umiling siya saka nilagay yung serving tray na itim sa harap niya. Sumimangot ako. Gusto ko pa ng maiinom. Na kape. Nakakainis! "Pandesal na lang." nakasimangot kong sabi sa kanya. Nakita ko namang kumamot siya ng batok saka niya ko tinignan at umiling. Tinignan ko mabuti yung mukha niya. Gwapo. Makarisma. At yung dimples niya sa magkabilang pisngi niya lumilitaw kahit hindi kailangan. Ang ganda niya ring ngi-ngiti. Talaga bang kailangan gwapo at magaganda yung nagta-trabaho sa coffee shop na 'to? So what? "Ah. Pandemonyo meron? Nakakainis! Umalis ka na nga!" sigaw ko naman sa kanya. Tumalikod siyang kakamot-kamot pa rin yung ulo. Baka may kuto. "Highblood ka naman masyado." Sabi pa ni Georginia sa'kin. Inirapan ko naman siya saka ako nagde-quatro. Bagsak na si Emily. Nakadukdok na nga sa table namin kaya nagkakatinginan na lang kami kapag nagsasalita na lang siya bigla at sinasabi niyang walanghiya si Eugene. Na totoo naman. "We need to do something." Tumingin kaming lahat kay Joey dahil sa sinabi niya. Anong magagawa ba namin ngayon? Sa ngayon ang kaya lang namin magtinginan sa mata at bumuntong hininga. Yup, we need to do something pero ano? Lahat na lang yata ginawa na namin para lang makaiwas sa mga gagong 'yon. "Belle, if we ask you to break up with Duke. Kaya mo bang gawin para sa'min?" laglag naman ang panga namin sa sinabi ni Georginia. Pati si Duke na nanahimik muntikan pa yatang masamid nang dahil sa sinabi niya. "What?! Anong klaseng mungkahi 'yan brat?!" anas ni Duke. Natawa naman si Georginia. Lumapit siya kay Bellona saka siya nakipagpalit ng upuan. "I know it's hard, Gangster. Pero you need to do this for us and for Belle." Paliwanag pa ni Georginia kay Duke. Nagkakatinginan naman si Bellona at Duke. Kilala ko si Bellona basta para sa'min gagawin niya lahat. Si Duke, malaki yung respeto niya sa mga babae kaya baka ganon na rin yung gawin niya. Pero naguguluhan ako? It's just for us. Paanong para rin kay Bellona? Tinignan ko naman si Bellona. "Don't worry, Gangster. Panandalian lang 'to. Joey and I talked about this plan before we all met." Inayos niya pa yung pagkakaupo niya saka niya nilagay sa likuran yung buhok niyang nasa balikat niya. "Pero-" "Kailangan niya talagang gawin. Dahil seryoso ako. Hindi dahil sa plano. Kundi seryoso talaga ako. Let me go Duke. Pakawalan mo na ko." seryosong sabi ni Bellona. "What the-Bellona!" sigaw ni Duke sa kanya. Ngumisi lang si Bellona. "I want to call this relationship off, Duke." What the hell! What's happening?! Nakakunot noo akong tumingin kay Bellona. Seryoso siya. Ano bang nakain niya? Hindi siya nakatingin kay Duke pero diretso siyang nakatingin sa labas. Hindi ko maintindihan pero bigla akong napalingon don. Napasinghap ako nang makita ko sila Eugene na kabababa lang ng sasakyan. Sakto namang labas din ni Brick sa dining at naghintay na pumasok sila. Inisa-isa ko yung tingin sa kanila. Mga nakangiti sila. Mukhang hindi nila alam na nandito kami. "Bellona!" ngumisi naman si Bellona. Saktong pagpasok nung mga gago tumayo siya at kinuha yung kape na nasa tapat niya. "Ayoko na, Duke. Sawang-sawa na ko sa'yo." Laglag ang panga ko dahil sa pagsaboy niya ng kape sa mukha ni Duke na tumulo pa sa puting damit ni Duke kaya kitang-kita mo yung stain. Napapikit ako ng mariin. Seriously? Bakit kailangang sa harapan pa namin gawin? Ang ayos-ayos ng lambingan nila kanina ah. Ang saya pa nga nilang dumating dito. Bakit nagkaganon na lang bigla si Bellona? "Tara na." yaya pa ni Bellona sa'min. Dumating naman agad si June kaya pala biglang nawala si Garielle dahil kinailangan niyang tawagin si June. Pinabuhat niya si Emily kay June para makalabas na kami. "Bellona, why are you doing this to me?!" sigaw pa ni Duke. Kinakabahan na rin ako. Ang bilis na nga ng t***k ng puso ko at para akong namumutla dahil sa mga nangyayari. Naglapitan naman sa kanya sila Brick at pinipigilan na lumapit kay Bellona. Kasama rin si Jace na pumipigil sa kanya. Nanliit naman ako saka ako tumalikod at umaktong hindi ko siya kilala. Ayoko nang balikan kung anong meron kami dati. Tapos na 'yon eh. Nakalipas na. Kaya lang talagang hindi magiging ganon ang dating ko sa kanya, I am talking about his other Ex. His dead ex-girlfriend. Hindi katulad ng Ex niya, ako makakalimutan niya agad, yung Ex-girlfriend niyang 'yon. Malabo. "Hayaan mo na lang." narinig ko pang sabi niya. Nagpanting yung tenga ko. Humarap ako saka ko sila binalikan. "Tama. Hayaan niyo na lang kami. Ano nga naman bang pakialam niyo sa'min? Pare-pareho lang kayo. Mga gago!" Sabay sunod ko na sa mga kaibigan ko. Nakakairita akala mo kung mga sino! "Ikaw naman bakit kung makaarte ka akala mo break na kayo ni Zach." Rinig kong sabi ni Joey kay Georginia. Huminto kami nang makarating kami sa kotse ni Georginia. Sabay kaming humarap sa kanya. "Break na kami. Kahapon lang. He broke up with me nung nakita niyang hinalikan ako ni Lance. Ano namang magagawa ko. I am irresistible. Kasalanan niya kung bakit ako nagkaganito sa kanya. Kaya wala siyang karapatang sumbatan ako someday." Umirap lang siya bago binuksan yung sasakyan niya at pinasok na ni June si Emily sa loob. Dalawang kotse lang yung dala namin ngayon. Yung kay Garielle at kay Georginia. Sumabay kami ni Joey kay Garielle. Si Bellona at si Emily naman kay Georginia na. "s**t. What an exhausting night!" angal ni Garielle habang ini-start yung kotse niya. "So Joey. Anung plano yung sinasabi niyo?" tanong ni Garielle habang nilalabas yung kotse niya sa parking lot. Nakatunganga naman ako sa labas habang paulit-ulit na nage-echo sa tenga ko yung sinabi ni Jace. Hayaan mo na lang. Argggh! Damn it! Tama ba 'yon?! "We are in vengeance. So if you want your revenge against Brick sumama ka sa'min. It's not compulsory. In fact, voluntary lang 'to. Kung gusto mo lang naman pero kung hindi. Hindi kami mamimilit." Paliwanag ni Joey habang inaayos yung beanie na suot niya at nakatingin sa rearview mirror. "Voluntary? 'diba kailangan kung anong gusto ng lahat kailangan ganon yung gagawin. My cousin broke up with Duke because of that kaya kailangang gawin natin ng sama-sama yung plan niyo na 'yan." Sabi ni Garielle. Habang nakatuon sa pagmamaneho yung pansin niya. "Garielle's right, Joey. Kung anuman 'yan kailangang sama-sama tayo para maganda yung kalalabasan." Seryoso kong sabi. Mahina naman siyang tumawa saka humarap sa'kin. "So..kaya mong saktan si Jace?" tanong niya pa sa'kin na para bang hinuhuli kung may nararamdaman pa ko para kay Jace o wala na. Nag-iwas ako ng tingin saka ngumiti at nagtaas ng kilay. "Jace is nothing but a jerk. Kaya ano pang iaarte ko? He hurt me. Bagay lang na matikman niya kung paano gumanti ang isang Alexandria Dunbar." "May I remind you, Rhia. Ikaw ang nakipag-break, ikaw ang nanakit sa kanya. You assumed na mahal niya pa yung Ex-girlfriend niya pero nung kinumpirma namin 'yon kay-" "I don't care, Elle." "Yes! That's the sporty spirit. You really don't care anymore. So free kayo mamayang 8pm ng gabi? Kailangan nating mapag-usapan 'to before the enrollment and...that is the day after today. So, call?" nakangiting sabi ni Joey. Nagkatinginan naman kami ni Garielle bago niya nilingon ulit sa daan yung tingin niya. "I'm free. Hindi ko na lang alam diyan kay Garielle kung makakatakas siya sa kuya niya. I heard he'll ground her up para hindi makalabas na ng bahay si Garielle at hindi na makasama sa'tin-" "What?!" nagkatawanan naman kami ni Joey sabay napatingin sa kanya ulit. Bumilis naman yung pagda-drive niya siguro dala ng inis kaya ganon na lang kung maka-react siya. "Hey, gusto pa naming mabuhay." Sabi ko. "Sinong nagsabi sa'yo?" sabi ni Garielle. "Ah, nakita ko yung text niya kay Bellona. Oh come on girl. Wag mong sabihin na magpapa-ground ka nga?" Natatawa kong sabi. Sakto namang nasa tapat na kami ng bahay ni Joey bago siya nagsalita. "Watch and learn." Sabi niya na lang bago kami makahulugan na nagtinginan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD