Chapter 3

1434 Words
Chapter 3: Cheating Georginia Carybella's POV "Oh My Gosh, Belle! Why did you do that?" I'm still shock to what happened. Nakipag-break siya kay Duke ng ganun-ganun lang? I know it sounds plastic. Pero my gosh! Hindi ko naman sinabing totohanin niya. Ang akin lang after ng pinaplano namin pwede na ulit sila. "It's for all of us." Pero she still loves him. "It doesn't matter if I still love him. Mas mahalaga kayo kaysa sa kanya. Those guys, sumobra sila sa ginawa nila. Binalik ko lang sa kanila si Duke. At bahala sila kung anung iisipin nila sa'kin." dire-diretso niyang sabi pero nakatingin lang siya sa labas bago pasulyap-sulyap kay Emily. "Pero Belle, masakit sa part mo 'yon. Hindi mo naman kailangang totohanin 'yon eh." Reklamo ko pa. Hindi pa ba ko natuwa nito? Mas gaganda yung plano kapag lahat kami wala ng koneksiyon sa kanila. Pero bakit ganito yung nararamdaman ko? Sumobra naman yata yung lungkot ko dahil sa mga nangyayari. Kaibigan ko si Duke. He's my best friend too. Kung ginawa ni Bellona 'yon para sa'min okay naiintindihan ko. Kaya lang may part sa'kin na nakokonsensiya para kay Duke. "Sa inyo mo na lang muna patulugin si Emily. Elle texted me, magkikita-kita tayo mamaya ng 8pm. Sa may Callero Bar. Mukhang nasabi na ni Joey sa kanila yung tungkol sa meet up natin para sa plano. So..are you in?" tanong ko kay Bellona saka kami huminto sa tapat ng bahay nila. "I'm always in." Pag-uwi ko ng bahay hindi agad ako nakatulog. Nag-ayos pa kasi ako ng kwarto ko. Masyadong maraming kalat dahil sa mga gamit kong pinagbabato ko kanina ron. Hindi ko na rin sinubukang ipalinis 'yon sa mga maids namin dahil ayokong pinapagalaw yung mga gamit ko sa ibang tao. Lalo na kay Yaya Yolly. Matanda na siya at siya na halos yung nagpalaki sa'kin. It's time for me to be independent Hindi naman habambuhay. Aasa ako sa kanya. I need to grow up too. Pagkatapos non humiga na ko para matulog kaya lang may asungot na tumatawag sa cellphone ko. Hindi ko na tinignan kung sino 'yon ang mahalaga mabulyawan ko siya. "Sino ka?!" tanong ko pa nang nakasimangot at nakaupo na sa kama kong bagong palit lang ng bed sheet. "George." Boses pa lang napairap agad ako kahit hindi niya nakikita. Ibababa ko sana 'yon kaso nagsalita ulit siya. "I was wrong. Please. I'm sorry." Uso na ba talaga yung sa tawag na nagso-sorry at hindi sa personal. Tsaka kahit naman mag-sorry siya sa personal wala pa ring magbabago. Hindi ko kasi alam na ganun pala siya kawalang tiwala sa'kin. Yung magiging tingin niya pa na ako yung humalik kay Lance? Tapos tatawagin niya pa kong.. Bitch? How dare him! "Are you done? May photoshoot pa ko mamayang 8:30AM kaya please lang kailangan ko nang magpahinga." Tapos non pinatayan ko na siya ng cellphone. Ang kapal ng mukha matapos ng mga masasakit na salitang sinabi niya. Ganun lang yung effort na gagawin niya para makapag-sorry? Kapal! At isa pa, hindi ko ugaling makipagbalikan sa mga ex ko. Kapag ex. Ex na. Kaya dapat kinakalimutan na 'yon. Hindi na binabalikan. Pero siyempre. Dahil maldita ako kailangan kong gumanti sa mga ginawa't sinabi niya. Ayoko nang naaagrabyado yung pagkatao ko. "Hello George." Bati sa'kin ng mommy ni Ashton. Ngumiti naman ako sa kanya saka umupo sa tapat niya. Magse-seven nang magising ako. Tapos hindi na ko nakatulog non so I decided to fix my things na lang para sa photoshoot ngayon. "Si Lance po? Dumating na?" tanong ko pa sa kanya. Si Lance—co-model ko siya. Matagal-tagal na rin kaming magkatrabaho. Siguro 7 or 8 months. Hindi ko na matandaan pero parang nandun lang sa ganon kahabang buwan. Masaya siyang kasama at isa pa mabait. Palabiro, jolly at gentleman. Kaya nga pinagselosan ng EX ko eh. "Ah nandiyan na nag-CR lang siya. So are you ready for the photoshoot?" tumango naman ako saka ngumiti. Dumating na rin yung stylist at make-up artist ko nandun na rin yung mga photographer na kukuha sa'kin. Kapapasok lang ni Lance nung sinimulan akong ayusan ng stylist ko at ng make-up artist. "You're finally here. Gusto ko sanang magpaliwanag sa nagawa ko kahapon—" "No need to explain. Naiintindihan ko naman kung bakit mo ginawa 'yon at isa pa wala naman sa'kin 'yon." Sabi ko sabay kinuha ko yung magazine na nasa tapat ko. "Pero George, nag-break kayo ni Zach dahil don—" "No, Lance. Nagpapasalamat pa nga ako sa ginawa mo eh. Kundi dahil don hindi ko malalaman na b***h pala ako at wala siyang tiwala sa'kin. So you played a big part for my freedom. Thank you." Binuklat ko naman yung magazine na hawak ko. Wala na rin siguro siyang masabi at nahihiya pa sa nagawa niya kaya umalis na siya sa tabi ko at nagsimula ng magpaayos. Totoo naman lahat ng sinabi ko. Nagpapasalamat talaga ako sa kanya. "It's not what I want to say, George." Nabigla ako nang maramdaman kong tumayo siya sa tabi ko at nakita ko yung reflection niya sa salamin. Umirap ako. Zachary Connor. You're always on time. Ngumisi ako. "May shoot ka rin ba ngayon?" tanong ko pa sa kanya kahit alam kong wala siyang naka-schedule na shoot ngayon. Siyempre alangan namang dapat sabihin ko pa sa kanyang alam ko yung bagay na 'yon? Holler?! Baka mamaya mag-feeling siya ng mag-feeling tss. "Pumunta ako rito para sa'yo." Sarcastic akong napangiti. "Sandali lang." sabay pinatabi ko yung nagme-make up sa'kin. Tumayo ako saka ko siya hinarap bago ako ngumiti. "Ang sweet mo naman. Sa sobrang ka-sweetan mo nanginginig yung buong katawan ko dahil sa pagkainis. Alam mo kung pumunta ka rito para sa'kin hindi ko na responsibilidad 'yon. Ngayon kung manggugulo ka at hindi mo ko tatantanan magpapatawag ako ng guards at sigurado akong kakaladkarin ka nila palabas dito. Tsaka mahiya ka naman sa boyfriend ko. Nakatingin siya sa'tin ngayon hindi mo ba alam? Ayoko namang isipin niya na nagchi-cheat ako sa kanya. Kaya please lang. Leave." Kumunot yung noo niya. Nagtataka siguro kung sinong boyfriend yung sinasabi ko. Pinanlakihan ko lang ng mata si Lance at pinalapit sa'kin. "Gusto mong makilala kung sinong ipinalit ko sa'yo?" tanong ko pa sa kanya kahit napalitan ng galit na mukha yung itsura niya dahil sa ginawang paglapit ni Lance. Kinuha ko yung kamay ni Lance at ipinulupot sa bewang ko. Naramdaman ko pa yung pag-igtad niya pero hinayaan ko na lang saka ulit ako tumingin kay Zach. "Mr. Zachary Connor, meet my new boyfriend, Lance del Madrid. Lance, this is my EX, Zach." Wala na kong idea kung anung ginagawa ko ngayon. Basta ang gusto ko. Saktan ko siya para makaganti sa ginawa niya sa'kin. "Ang bilis mo namang palitan ako." Sabi niya sabay tinignan ako diretso sa mga mata bago siya ngumisi. "Hindi ko alam na totoo yung mga pinaratang ko sa'y—" "Of course yes, Zachary! I'm cheating on you tayo pa lang. Na-realize ko kasing nakakasawang maghintay sa taong laging nagsasabing darating siya kapag dumarating yung oras na naghihintay ako. Pero sa huli uuwi akong mukhang tanga kasi wala naman siya. Hindi niya ko napuntahan. Pinaghintay niya lang ako sa wala." Wala na kong pakialam sa mga nandon at nanunuod. Nakikinig. At umaasang magkabalikan kami ng Zach na 'to. "George.." rinig kong pagtawag sa'kin ni Lance. "No Lance, kailangan niyang malaman 'to. Hindi lang siya yung lalaking tipong hinihintay ng mga babaeng katulad ko. Kaya please lang, umalis ka na rito kung ayaw mong mag-init pa ng tuluyan sa'yo yung ulo ko!" lalapit sana siya pero hinarangan siya ni Lance. Pinigilan ko naman yung mga luha ko. I'm not this type. Hindi ko dapat iniiyakan yung p*******t na ginawa ko sa kanya. "Umalis ka na, Zachary. Hindi ka na niya kailangan." Tama. Hindi ko naman na siya kailangan eh. Dapat hindi na ko masasaktan ng ganito. "Hindi ka mapupunta sa iba, George. Sa'kin ka lang. Naiintindihan mo? Hindi ako papayag na mapunta ka sa iba." 'yun lang saka siya umalis. Nanginginig naman yung tuhod kong napaupo pa ulit sa inuupuan ko kanina. "Oh my God, George. Totoo bang kayo na ni Lance?" tanong nung make-up artist ko. "Of course not. Sinabi ko lang 'yon para lubayan na ko ni Zachary." Sabi ko sa kanya. Madaldal yung make-up artist na 'to kaya mamaya lang kalat na 'yan na hindi totoo yung mga sinabi ko kanina. "Pero bakit ba kayo nag-break?" tanong naman nung kalalapit kong stylist. "Stop intruding my personal life girls." Sabi ko na lang. Sakto namang lumingon ako kay Lance. Na nasa tabi ko pa rin hanggang ngayon. "Lance, salamat." Sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa'kin bago pinisil yung pisngi ko. "Wala 'yon. Basta para sa'yo." 'yun lang tapos bumalik na siya sa upuan niya. Humarap ako sa salamin bago nagpakawala ng buntong hininga. Georginia Carybella. You're still beautiful kaya kung ayaw mong pumangit 'wag mong masyadong isipin yung Zachary na 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD