Nakabawi ako sa pagkatulala sa lalaking kaharap ko. Bahagya ko pang ipinilig ang ulo. Sinulyapan ko siya pero nanatili parin siyang nakatingin sa akin.
“A-Ang tsismoso mo naman, di bagay sayo!” kunwari ay pagtataray ko para matabunan ang pagkapahiya ko.
Mahina siyang tumawa at nagsalin muli ng alak. “It's not hard to figure out why you're crying. It is because of the man you called Dom, right? If he's making you cry, then probably he's not worth loving.”
Naupo ako sa bakanteng upuan katapat niya at napansin ko namang nagulat siya sa ginawa ko. Medyo nahihilo na ako sa bawat galaw ko pero hindi ko iyon alintana. Nawala na ang hiya ko dahil sa epekto ng alak. Hindi ko naman siya kilala kaya ayos lang. Pinagmasdan ko ang lalaki at di maikakailang gwapo siya. Mahirap man aminin pero higit na gwapo siya kay Dom. Iyon nga lang ay nakakatakot ang mga mata niya kung tumingin. Parang kaya niyang basahin ang buo kong pagkatao.
“Alam mo, hindi ikaw ang unang tao na nagsabi sa akin niyan. At tama sila. Dapat noon pa ako nakinig sa kanila.”
Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko. Sinabi ko sa kaniya ang kwento namin ni Dom at ang lahat ng sama ng loob ko. May pagkakataon pa na umiiyak ako. Bihira naman siyang magkomento at hinahayaan lang akong maglabas ng sama ng loob. Ewan ko nga kung interesado ba siya sa mga sinasabi ko dahil kung minsan ay nakatitig lang siya sa kawalan at tila may ibang iniisip. Pero wala na akong pakialam kung nakikinig ba siya. Ito ang unang beses na nagsabi ako ng mga sakit na pinagdadaanan ko dahil lahat ng kaibigan ko ay naubos na simula ng magkaroon ako ng relasyon kay Dom. Para sa kanila, isa akong maduming babae.
“Pangit ba ko? Bakit hindi ako kayang piliin? In fact, pwede naman sana akong pumili ng ibang lalaki pero ipinaglaban ko siya. Nobody wants to be in a relationship with a married man. Of course, I also want someone who can marry me!”
Ngayon ay nagagawa kong ilabas ang tunay kong nararamdaman. Dahil noon ay palagi kong sinasabi na okay lang kahit hindi ako makaranas ikasal. Ang totoo ay nalulungkot ako, pero mas matimbang ang pagmamahal ko kay Dom. Hindi ko ipinapahalata kahit kanino na maging ako man ay nasasaktan sa sitwasyon namin. Sinulyapan ko ang lalaki sa harap ko pero nakamasid lang siya sa ibang direksyon at hindi sumagot sa tanong ko.
“Sabihin mo, pangit ba ako?” tanong ko ulit. Noon siya tumingin sa akin at tinitigan ako sa mukha. I suddenly got conscious. Hindi ko natagalan ang titig niya kaya nauna na akong magbaba ng tingin.
“No, you’re not,” maya-maya ay sagot niya.
Nag-angat ulit ako ng tingin. It was a wrong move because I was met by his penetrating grey eyes. Wala sa loob na napalunok ako habang nakatitig sa kaniya.
“I-Ikaw, bakit ka ba nandito?” pag-iiba ko nalang ng usapan. Dahil yata sa alak kaya ganoon ang epekto niya sa akin.
“I am looking for someone,” sagot niya habang nakatitig parin sa akin.
“Ha? Ganoon ba. P-Pasensya na kung naabala kita. May kasama ka yata!” Bigla akong tumayo para umalis pero saka naman may magandang babaeng lumapit sa amin. Kahit nahihilo na ako ay napansin ko parin na maganda ang babae. She has a bob haircut and wearing a red fitted dress na kinulang yata sa tela sa iksi. Agad nitong itinukod ang braso sa balikat ng lalaki at halos isiksik na nito ang dibdib dito.
“Hi handsome!” maarteng bati ng babae. Sinulyapan ako nito ng tingin at bahagya itong napasimangot sa akin.
“Hey, please stay,” baling naman sa akin ng lalaki saka tumingin sa babaeng lumapit. Nagtaka man ay hindi ko magawang humakbang para umalis na sa harapan ng mga ito.
“Who is she?” tanong ng babae habang nakatingin sa akin.
“She’s my..,” sinulyapan ako ng lalaki habang nag-iisip. “She’s my girlfriend.”
“What?” malakas na tanong ng babae. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at tila nandiri siya sa nakita. Alam kong wala akong ayos dahil nawalan na ako ng gana mag-ayos simula ng maghiwalay kami ni Dom. Pero hindi naman ako pangit!
“Nicole, meet my girlfriend,” sagot ulit ng lalaki. Hindi naman ako makasagot para kontrahin ito. Hindi ko alam kung bakit tila may kakaiba sa awra ng lalaking ito na nagsasabing huwag akong magkakamaling kontrahin siya.
“Liar. I am not interested in meeting your girlfriend, Damion. You know that!” inis na sagot ng babae na tinawag nitong Nicole.
“I'm telling the truth, Nics. So, we'd appreciate it if you left.”
Tiningnan ulit ako ng babae at bakas ang galit sa mukha niya saka walang imik na tumalikod. Naglakad ito patungo sa isa pang table at nakita kong madami itong kasamahan doon.
“B-Bakit mo sinabing girlfriend mo ako?” Kahit nahihilo ako ay alam ko parin naman ang nangyayari sa paligid. Hindi na ako nagtangkang maupo ulit dahil sa nakamamatay na tingin ni Nicole mula sa table ng mga ito. Parang warning iyon na lumayo ako sa lalaking ito kung gusto ko pang mabuhay.
“I am looking for a bride. Actually, since you approached me a while ago, I was wondering if you would agree to be my wife.”
“Ha?” napalakas ang boses ko. Nababaliw na ba ito? Tama ba ang narinig ko? Bakit dito siya naghahanap ng bride?
“You said earlier that you want to get married—”
“Baliw ka ba? Hindi ako atat makasal! Hindi porket iniwan ako ni Dom ay papatol nalang ako kung kanino! Ni hindi natin kilala ang isat-isa! Scammer ka pa yata! Ano ka? Miyembro ka ba ng sindikato?”
“I'll take care of you financially if you marry me. You can also make amends with your friends and family. I am one hundred percent single. Think about it.” Hindi niya pinansin ang mga sinabi ko.
“If I only knew you're crazy, I wouldn't have approached you. Marriage is a sacred thing—”
“I don’t believe in marriage, but my grandfather does. If you agree, you are still free to date other men. I won't stop you as long as our family wouldn't know. If the time comes na ma-inlove ka sa iba, or hindi na tayo magkasundo, we can always file for annulment. Hindi ka naman malulugi I assure you may makukuha kang pera. Ikaw lang ang nakikita ko na papayag. Knowing Nicole sigurado akong hindi niya ako palalayain once na pinakasalan ko siya.” Mabilis niyang pinutol ang sinasabi ko.
“That’s the most insane thing I heard! Akala mo ba ganoon lang kasimple ang kasal?” inis na sigaw ko. Not that I am considering his proposal. Sapalagay ko ay kailangan ng lalaking ito ng matinding paliwanagan! Gwapo pa naman sana, kaya lang baliw yata ito. Kung magsalita ito tungkol sa kasal para lang siyang pumapasok sa isang simpleng business deal!
“It’s what I am offering.”
“Bakit? May mana ka din na hindi mo makuha unless magpakasal ka? Ganoon ba?”
Bahagya siyang natawa. “I don't give a f*ck about my inheritance. Actually, I don't need my grandfather's money at all.”
“Eh ano?” Akala ko sa teleserye lang nangyayari ang mga ganitong tagpo. Napahilot ako sa sintido dahil parang pumitik iyon sa mga naririnig ko.
“My grandfather wanted me to marry, else he would give the company I am running to my cousin, who is now married. My grandfather started that company, but he lost interest in it in the process kaya ako ang sumalo noon. It took years of hard work and sacrifice on my part para mapalago ang negosyong ‘yon. Gusto niyang ibigay ngayon iyon sa pinsan ko just because he is happily married. Kung may baliw man, ang lolo ko ‘yon! Hindi ko naman mapapayagang ibigay niya ang negosyong pinaghirapan ko, all I need to do is find a girl na papayag sa kondisyon ko.”
Gusto kong maawa sa kaniya, pero hindi ako makapapayag sa inaalok niya at wala akong magagawa para tulongan siya.
“N-Naririnig mo ba ang sarili mo? Alam mo bang dapat ang mapapangasawa mo ay kasundo mo? Compatible dapat kayo. Iyong pareho kayo ng gusto, nagkakaunawaan kayo sa lahat ng bagay at syempre dapat may attraction!”
“Then let’s see if there is a connection.”
Sa pagkagulat ko ay bigla siyang tumayo at kinabig ako palapit sa kaniya. Sa isang iglap ay sinakop ng labi niya ang mga labi ko. Para akong itinulos sa kinatatayuan. Muntik na akong mapaungol ng kagatin niya ang aking pang-ibabang labi. I was slowly getting carried away by his kiss, but suddenly I saw Dom's image in my mind. Natauhan ako at mabilis ko siyang itinulak pero huli na dahil kusa na siyang bumitaw sa akin. Nanlalaki ang mata kong nakatingin sa kaniya samantalang bahagya lang siyang ngumisi sa akin. Inilibot ko ang mga mata sa paligid at namataan ko si Nicole sa table nila at nagbabaga ang mga mata sa gawi namin.
“So?” nakangising tanong niya sa akin.
“You’re insane!” asik ko sa kaniya saka mabilis ko siyang tinalikuran. Gusto ko man siyang sampalin pero nakadarama ako ng takot. Alam kong malaking kagagahan na ako pa ang takot sa kaniya, pero iyon ang nararamdaman ko.
Mabilis akong naglakad palabas ng bar kahit pa nga nanlalabo ang aking paningin sa hilo at hindi ko na maramdaman ang aking mga paa. Nanginginig ang mga tuhod ko at hindi ko alam kung dahil sa alak o dahil sa halik na iginawad sa akin ng estrangherong lalaking iyon.