bc

A Loveless Proposal

book_age18+
9.3K
FOLLOW
51.3K
READ
contract marriage
love after marriage
arrogant
dominant
CEO
heir/heiress
ambitious
city
like
intro-logo
Blurb

Elyse Ramos. The name brought great shame to her parents. Itinakwil siya ng mga magulang simula nang magkaroon siya ng relasyon kay Dominic. In their eyes, she's a mistress. Even though Dom and his wife were no longer together when she met him, he is still married. Pinili niya si Dom kaysa sa kaniyang magulang, pero sa huli ay pinili nito ang asawa. Iniwan siya nito. She was devastated. Ilang buwan na ang nakakalipas pero hindi niya malimutan ang sakit.

“Think about my offer,” untag sa kaniya ni Damian, ang lalaking nakaulayaw niya ng nagdaang gabi.

Pagak siyang tumawa. “I will never agree to your proposal. Forget about what happened last night.”

Despite Damian’s stunning good looks and undeniable s****l prowess, she has not gone crazy to accept his marriage proposal. A proposal that has no romantic value. Maaaring mag-isa na siya at walang direksyon ang buhay pero hindi sapat na dahilan iyon para magpakasal basta-basta. Especially since he is only interested in marrying for his own benefit.

Lumipas ang mga araw at akala ni Elyse ay unti-unti nang maaayos muli ang buhay niya, kaya labis ang kaniyang pangamba nang madiskubre niyang nagdadalang-tao siya. Alam niyang panibagong kahihiyan na naman ang dulot noon sa kaniyang pamilya.

Kailangan niyang mahanap si Damian. Sana lang ay hindi pa huli ang lahat at hindi pa ito nakakahanap ng ibang babaeng papakasalan!

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - Break up
Mabilis kong ininom ang alak na nasa basong hawak ko. Nararamdaman ko ang pagguhit ng init sa aking sikmura na dulot niyon at nalalasahan ko ang pait. Ngunit ang pait na iyon ay walang sinabi kung ihahambing sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Despite my best efforts, I couldn't stop the tears from streaming down my cheeks whenever I remembered Dominic. Six years ang sinayang ko sa buhay dahil sa pagmamahal ko sa kaniya.               Anim na taon na ang relasyon namin ni Dom. Over the course of those six years, I was put through a lot and made a lot of sacrifices. Maging ang pangalan ko at pagkakakilala sa akin ng ibang tao ay nasira dahil sa pagmamahal ko sa kaniya. Kahit pa madami ang nagsasabi na masasaktan ako at humanap nalang ako ng ibang lalaki, itinuloy ko parin ang relasyon namin. I was determined to prove them wrong. Pero sa huli binitiwan niya lang din ako. Muli akong nagsalin ng alak sa baso nang maalala ko kung paano kami naghiwalay mahigit isang buwan na ang nakakaraan.               “You’re breaking up with me? Alam mo bang anim na taon ang sinayang ko sayo! Tinanggap ko kahit alam kong hindi mo ako mapapakasalan! Tiniis ko lahat ng masasakit na salita ng mga magulang ko at ng mga kaibigan ko! Tapos ‘yan ang igaganti mo sakin?” sigaw ko kay Dom habang pinagbabayo siya sa dibdib.               Niyakap niya ako at pilit na pinakakalma pero ayaw kong paawat. Maya-maya ay kusa na akong tumigil dahil sa pagod. Nanghihina at hinahapo ako dahil sa pinaghalong galit at sakit na nararamdaman. Nararamdaman ko din ang panginginig ng buo kong katawan. Mahirap tanggapin ang sinasabi niya sa akin. Ang lalaking wala akong ginawa kundi mahalin at unawain ay nakikipaghiwalay sa akin ngayon. Binigay ko sa kaniya ang lahat-lahat at wala na akong itinira para sa sarili ko. Sa tingin ng iba ay isa akong masamang babae dahil pinatulan ko siya. Ako daw ang dahilan kung bakit hindi sila magkabalikan ng asawa niya. Tiniis ko lahat iyon.               “I…I’m sorry,” mahinang sagot ni Dom. Gulo-gulo ang buhok niya dahil makailang beses na niyang nasabunotan ang sarili.               “I’m sorry? Wala ka ng ibang sasabihin? ‘Yan lang ang sagot mo sa lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon?” Nanginginig ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung ano sa mga nararamdaman ko ang nangingibabaw. Sobra akong nasasaktan ngayon, pero kalakip noon ang galit. Gusto kong saktan si Dom at burahin ang gwapo niyang mukha. Hindi siya nagsasalita at lalo iyong nakadaragdag sa galit ko. Pinanindigan ko siya, pero bakit ako ang iiwan niya sa huli?               “Ang tanga-tanga ko! Tinanggap ko kahit alam kong hindi mo ako mapapakasalan! Sino bang babae ang hindi gustong makasal? Sabi ko sa sarili ko, okay lang! Mahal kita eh! Akala ko ang tanga ko dahil nagmahal ako ng lalaking hindi sa akin maibibigay ang apelyido niya, iyon pala hindi mo rin ako mahal! Wala akong pinanghahawakan sayo. Bakit? Bakit mo hinayaang tumagal ng ganito?”               Umiyak ako nang umiyak habang yakap ako ni Dom na noon ay umiiyak din. Hindi na ako nagpilit kumawala sa kaniya dahil napapagod na ako. Hindi ako makapaniwala. Iiwan ako ni Dom dahil nagkabalikan na sila ng asawa niyang si Lucy. At wala akong kalam-alam! Kailan pa sila nagsimulang mag-usap ulit? I feel so betrayed. What did I do to deserve this kind of pain? Nakilala ko naman si Dom noong hiwalay na sila ng asawa niya. Akala ko ay binata siya noon at huli na nang sabihin niyang minsan na siyang ikinasal. Nahulog na ang loob ko sa kaniya at hindi ko na magawang bumitaw. Sabi niya sa akin, wala na silang pag-asa na magkabalikan ni Lucy. Naniwala ako sa mga salita niya.               “Umalis ka na,” sabi ko sabay kalas sa pagkakayakap niya. Pinunas ko ang aking mga luha. Biglang napatunghay sa akin si Dom.               “M-Minahal naman kita, Elyse. A-Are you mad?”               “Ano sa tingin mo? Isa pa wala ka na dapat pakialam kung ano man ang mararamdaman ko sayo dahil tapos na tayo!”               “Elyse, I am sor—”               “Tama na! Umalis ka na lang! Get out! Get out of my life!” sigaw ko. Ipinagtulakan ko siya palabas ng apartment unit na tinutuloyan ko at nakita kong umiiyak din siya. Bakit? Bakit siya nakikipaghiwalay kung nasasaktan din siya? Iniwasan kong tingnan ang mga mata niya. Pakiramdam ko wala akong kwentang tao na hindi kayang ipaglaban. Basta niya lang ako iiwan dahil nagkaayos na sila ng asawa niya? Balewala lang ang anim na taon namin. Paano naman ako? Pagkalabas ni Dom ng pinto ay saka ako humagulgol ng iyak. Wala akong mapagsasabihan ng sakit na nararamdaman ko ngayon. I have no one to lean on. Sigurado akong sisihin lang ako ng magulang ko. Sasabihin nilang tama sila at hindi ako nakinig sa kanila noong una pa lang. Mahigit isang buwan na ng maghiwalay kami ni Dom pero hindi pa rin nabawasan ang sakit. Kaya ngayon ay napadpad ako sa matao at maingay na bar na ito. Madalas akong maglagi dito, umaasa na sana sapat ang epekto ng alak para makalimutan ko si Dom. Pagod na akong paulit-ulit na maalala kung paano niya ako iniwan sa ere. Sana lang, sapat na ang alak para mawala din ang panliliit ko sa sarili. Iniisip ko kung nag-aalala ba si Dom sa akin? Kapag nalaman niyang naglalasing ako ngayon, pupuntahan ba niya ako dito? Gustong-gusto ko siyang tawagan, sabihin sa kaniya na nandito ako at nagpapakalasing. Naalala ko pa noon, malimit siyang magselos kapag may mga lalaking nakatingin sa akin. Kaya akala ko mahal na mahal niya talaga ako. Pinunas ko ang mga luha. I've had several bottles of alcohol, and my vision has become hazy. Hindi sinasadyang napatingin ako sa kabilang table. Nagulat pa ako nang makita ko ang isang lalaki na mataman akong pinagmamasdan. His expression was stern. Bahagyang ding nakakunot ang kaniyang noo. Dom? Dinadaya ba ako ng aking paningin? But those dark, thick brow and sensual lips make me think of Dom. Kahit na nahihilo ako ay pilit akong tumayo at wala sa loob na humakbang patungo sa pwesto niya. The man's gaze remained fixed on me as I made my way towards him.               “D-Dom? You’re here!” bulalas ko nang makalapit ako sa kaniya. Lalo namang kumunot ang noo ng lalaki na tila hindi nagustohan ang sinabi ko.               “Excuse me?” the man replied with a deep voice. Looking at him up close, I realized he was not Dom. Magkaiba ang boses nila but he resembles Dom. From his dark eyes, curly lashes, and thick brows to his pointed nose and red lips. Pero kung si Dom noon ay masayahin, the man in front of me now has an intimidating aura. Iyong tipo na parang hindi nakikipag-usap basta kung kanino lang. He is wearing a light blue long sleeve polo pero bukas ang tatlong butones noon. He has a very seductive appearance.               “S-Sorry. Akala ko si Dom ka,” hinging-paumanhin ko. Tumalikod na ako dahil sa pagkapahiya at parang hindi niya nagustuhan ang paglapit ko. Humakbang na ako palayo pero narinig ko siyang nagsalita.               “Is he the reason why you are crying?”               Nilingon ko siya at nakataas ang kilay niya habang hinihintay akong magsalita. He c****d his head to the side as he played with the liquor he was holding. Hindi ako nakaimik agad at ikinurap ko ang mga mata. Para akong na-star struck bigla. Tila ba lalong napakagwapo niyang tingnan dahil sa ginawi niya at napaka-sexy na boses.               Sino ang lalaking ito?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.7K
bc

His Obsession

read
104.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.9K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook