Dinig na dinig ko ang malakas na pagtibok ng aking puso habang naghihintay ng sagot ni Damian. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hilahin at yakapin ng mahigpit. Ibinaon niya ang ulo sa leeg ko. “D-Damian? Sabihin mo na sakin dahil kanina pa ako—” “Lolo Milo kept me in position. Correction, he promoted me,” bulong niya sa tainga ko. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Totoo ba iyon? Hindi binawi ni Lolo Milo ang Millenia sa kaniya? “Talaga? Paanong? Anong sabi ni Lolo Milo?” sunod sunod na tanong ko. Nagsimulang magtubig ang mga mata ko sa saya. Kahit papaano ay nabawasan ang pag-aalala ko. Kumalas siya sa akin ng yakap at nang magtama ang aming mga mata, noon ko nasiguradong tototo ang sinasabi niya. Wala na doon ang lungkot na nakita ko kaninang umaga. “Yes, Elyse. Ako na tal

