My gaze drifted away from the magazine I was reading and towards Damian, who was busy with his laptop. Panay ang update sa kaniya ni Miss Rose ng schedule niya. Ganito pala siya ka-busy sa trabaho at pakiramdam ko ay isa pa ako sa naging alalahanin niya dahil panay ang sulyap niya sa akin. Hindi ko tuloy malaman kung tama ba ang desisyon kong sumama sa kaniya dito sa opisina. Kanina pagdating namin ay sinalubong na kaagad siya ng mga dokumento na kailangan niyang pirmahan. Isa-isa niyang inusisa at pinag-aralan iyon. Pagkatapos ay nagtungo naman siya sa meeting. At ngayon nga ay kakabalik lang niya sa opisina. Seeing him work so hard made me fall in love with him even more. I'm not sure if I'm worthy of someone like him. “Are you bored? Sorry. Just give me a minute, I'll jus

