Napapansin ni Nicole ang pinsan niyang si Melissa na unti – unti na itong nakikipagkwentuhan kay Raymond. Ayoko namang maging madumi ang isipan ko, masyadong mabait lang talaga itong babaetang ito. Tanging nasabi na lamang sa kanyang isipan. Magagalit na naman itong malditang ate nito. Napailing – iling na lamang siya na kapag naiisip niya iyon. “Julie,” tawag niya kay Julie noon, dahil may hihiramin siyang notebook. Napansin rin niyang tila nag – oobserba ito ngayon sa kinikilos ni Melissa. Kaya naman, siniko niya ito. Naagaw naman kaagad niya ang atensyon nito at napatingin sa kanya. “Pahiram ng notebook mo, may hindi ako natapos na isulat e.” Tanging sabi niya rito. Tumango lang ito sa kanya. “Anong subject ang hihiramin mo?” Tanong pa nito sa kanya. “Ah, iyong English may tatapu

