Pumasok siya ngayon sa paaralan, tatlong araw na rin siyang lumiban sa klase, dahil iyon ang gusto ng kanyang ama. Ayaw na rin naman niyang nasa bahay siya ngayon, dahil, baka pagalitan na naman siya ng kanyang ina. Hinaplos niya ang kanyang pisnging nasampal, nang gabing iyon, nandoon pa rin ang pagdapo ng kamay nito sa kanyang mukha. Isa pa’y pumasok pa ang kanyang kapatid na si Kelly matapos ang gabing iyon, nasaktan rin ang kapatid niya sa nangyari. Dahil may notice itong galing sa paaralan. Kung hindi pa dumating si kuya Kenjie noon. Napasabi sa kanyang isipan. Siya pa ang naunang pumasok, hinipo pa niya ang noo niyang nasugatan. Isa pa’y nagugulat na lamang siya sa mga maling impormasyon na kumakalat sa kanilang campus na ang kanyang kapatid na si Kelly ang nagtulak sa kanya

