Napabuntong – hininga si Cielo matapos niyang marinig ang bawat panig ng dalawang grupo, isa pa’y hindi siya makapaniwalang may isang nasaktan sa pangyayari. Kundi, ang kapatid pa mismo noon ni Kelly na isang linggo pa lamang itong lumipat sa kanilang paaralan. Tahimik lang ang dalawang naglalakad, nakasunod lang ito sa kanya ngayon. Ang tanging naabutan lang ni Cielo noon ay iyong pagtulak ni Kelly sa kapatid nitong si Melissa, kung saan bumagsak lang ito sa sahig. Bakit napunta kay Miss Santibañez ang sisi na siya ang gumawa kung bakit nabagok ang ulo ng kapatid niya? Napatanong na lamang sa kanyang isipan habang naglalakad siya. Tiningnan niya ang dalawa. “Totoo ba talagang siya ang tumulak sa kapatid niya bago ang aksidente? Nandoon kayo sa pangyayari hindi ba?” Tanong na lamang

