Tahimik na nakaupo si Kelly, nasa ikawalong baitang na siya. Iniisip niya ba kung tama ba ang ginagawa niya, o kaya’y maging kaibigan ang mga nakakasama niya? Ayoko nang silang saktan. Wala naman silang ginagawang masama sa akin. Napasabi na lamang sa kanyang isipan, napakuyom na lamang siya sa kanyang kamay noon. "Kelly." May tumawag sa kanyang pangalan; napalingon na lamang siya kung sino ang tumatawag sa kanya. Kahit naman hindi niya ito lingunin, alam na niya kung sino ang tumatawag sa kanya ngayon. Nanatili siyang nakaupo, lumapit ang dalawa sa kanya, nakita niyang tinaasan siya ng kilay nito, nakapamewang pa itong humarap sa kanya. Hindi naman siya kumibo. Itinuring niya itong mga kaibigan, kahit alam niyang toxic itong mga tao; isa pa’y tinuturuan siyang mambully sa mga taong hi

