Nakita ni Jonathan ang kaanyuan ng kanyang pinsan ngayon na umiiyak sa kanlungan ng kapatid nito. Hindi alam ng kaharap niya ngayon na magpinsan silang buo ni Kelly. Kevin knows that we're cousins, but I know he forgot it. Napasabi na lamang sa kanyang isipan. Napakamot na lamang siya ng kanyang ulo. "Huwag ka nang magngangawa diyan. Sagutin mo iyong mga katanungan ko. Where are they?" Tukoy niya ay ang mga kaibigan kuno nito. "U – Umuwi na sila." Tanging sagot pa nito na luhaan ang pagmumukha. "Bakit hindi ka nila isinama pag-uwi?" Tanong naman niya rito. Hindi ito sumagot sa kanya. "What happened to you? Tila nakikipag-buno ka, your hair is really messy, bakit nakapatay ang phone mo?" "Low bat ako, k – kaya hindi ko kayo matawagan." Tanging sabi pa nito sa kanya. "Your phone."

