CHAPTER 44 “Punasan mo nga ang luha mo? Nagmumukha kang babae ‘nak! Yang kaguwapuhang ganyan hindi dapat nag-iiyak sa nga kaibigan lang. Punasan mo nga yan. Huwag kang umiyak kasi nakakabawas ng p*********i 'yan. Di ka namin pinalaki para lang paiyakin ng kung sinu-sino. Saka anong sabihin ng ibang tao, ang guwapo at ang ganda ng mga magulang tapos pagdating sa anak, pangit dahil sa kaiiyak?" Napangiti ako. “Si Daddy naman, puro lang kalokohan e.” “Tara na. Pangit sa lalaki ang madrama ano k aba!” Tumayo ako. Sumabay na ako kay daddy paglabas ng kuwarto. Mabilis na dumaan ang araw. Nagpabili ako kina Daddy ng malilibangan kong gitara. Kumanta ng kumanta kasama ng aking pamilya. Hanggang sa iyon at iyon lang ang aking ginawa sa nalalabing araw ng bakasyon. Nging madali akong natuto lal

