CHAPTER 45 May isang Lunes pa nga noon na naglagay ako ng chocolate sa upuan nila isang umaga habang di pa sila dumadating. May nakadikit doon na "I'm sorry. Can we be friends again?" Naunang dumating si Saira kasama si Philip. Pasilip kong tinignan si Saira kung ano ang magiging reaction niya. Kinagat niya ang kaniyang labi habang binabasa niya ang nakasulat doon. Kinuha ni Philip iyon sa kamay ni Saira. Nilapitan ako ni Philip. Halatang galit dahil kunot ang noo at salubong ang kanyang kilay. "Sa'yo galing ang chocolate na'to, tol?" pabulong iyon ngunit may kurot ng galit. "Oo. Peace offering lang sana." "Di ba nag-usap na tayo? Lalaki ka ba talagang kausap?’ “Peace offering nga lang tol. Wala akong planong sirain ang diskarte mo.” “Talaga ba? Ang sabi ko, hayaan mo akong dumis

