CHAPTER 46 "Ano 'yang nasa kamay mo, Jetro?" tanong ng teacher namin. Tumigil ang mundo ko. Alam kong lahat ng mga kaklase ko sa akin na nakatingin. Nakakahiya na naman ito. "Wa- wala po Ma'am." Naginginig kong sagot. “Anong wala? Ano nga yung nasa kamay mo? Patingin.” Ngunit wala akong balak ipakita. Hindi pwede. Ayaw kong ilaglag si Faye. Hindi siya dapat madawit pa rito. "Are you cheating? Kodigo ba ang nasa kamay mo?" Nakapamaywang siya. Bumaba ang eye glasses niya at diretso sa mga mata ko ang nakadilat niyang mga mata. Nagsimulang magbulungan ang mga kaklse ko. Tinignan ko si Saira. Nakita ko sa mga mata niya ang pagkabahala. Si Faye mam ay nakita ko ang pamimilog ng kanyang mga mata. Pinagpapawisan. Anong gagawin ko? Anong gagawin namin? Tumayo pa nga siya para tulungan

