CHAPTER 33 "Matanong nga kita Saira, mahal mo rin ba ako?" "Bakit mo ba pilit tinatanong 'yan?" "Para alam ko kung may ipinaglalaban ba ako rito. Ngayon kung hindi mo naman pala ako mahal, hindi ko ipipilit ang sarili ko sa’yo." Huminga siya ng malalim. Tumingin siya sa akin saka siya yumuko. Muli niyang pinunasan ang luha niya. Naghintay ako sa kanyang pagpapasya. Kailangan kong malaman ang totoo. Hinawakan ko ang kamay niya ngunit mabilis niya iyong hinila. "May nararamdaman ka din ba sa akin?" tanong ko. Hinawakan ko ang baba niya para itaas ang kaniyang mukha. "Huwag mo na lang akong tanungin, please?" "Simple lang naman yung tanong ko e, bakit ang hirap mong sagutin." "Simple? Para sa'yo, oo simple lang ang lahat. Simple lang naman kasing sabihin na oo, mahal kita, o kaya s

