CHAPTER 36 "Oh pa'no mga bata, settled na'to ha? Wala ng away. O, kayo, akin na ang pusta. Pumila na para makolekta ko na ang pera ko. Wala kayong tiwala sa bata ko ah! Oh ano ngayon di talo kayo!" pagmamalaki ni Kuya Jello. Isa na lang ang kailangan kong harapin ngayon, isa na lang ang kalangan ko ng approval, si Faye. Nagpalit muna ako. Sumunod si Philip. Nakikipagbiruan na siya sa akin. Ibang Philip na ang kaharap ko. Wala na siyang kahit anong inhibition kahit halos hubo't hubad na siya na nakikipagkuwentuhan sa akin. Hindi mahirap mahalin ng kahit sinong babae ang katulad niya. Guwapo na halatang may lahing 'Kano. Muli niya akong kinamayan nang nagpaalam na ako sa kaniya para hanapin si Faye. Wala si Faye sa loob ng classroom namin. Wala rin sina Saira, Jheck at Miggy. Sila kaya a

