CHAPTER 35 Itinukod ko ang kamay ko sa aking tuhod habang nagpapahinga. Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib. Hanggang sa nakita ko ang pagdaan nina Saira at Faye na nakatingin sa akin. Napalunok ako. Sigawan ang ibang naroon na alam ang aming pinagpupustahan. Tawanan sila. Medyo iba ang dating sa akin ngunit wala naman akong magawa. Narinig nga kaya ni Faye ang usapan naming kaya nandito sila para kumpirmahin kung natuloy ang usapan kahapon? Masakit ang tingin ni Saira sa akin bago nila tinungo ang exit ng gym. Gusto ko man siyang habulin ngunit kailangan kong tapusin ang laban. Kailangan ko muna siyang ipanalo. Ngunit mukhang may sinasabi ang kanilang mga tingin. Alam ko ang ibig sabihin ng mga tingin na iyon. Kinabahan ako. "Sige na, tuloy na natin. Tapusin na ‘yan. May pasok pa kami

