ARYANNA’s POV:
My outstanding performance at the party last week made my dad happy. My mom was indifferent again. She opened her first business with her own money. It was a liquor store. It was named after me. Sapat lang ang laki noon, for a start-up business. This is what I like about her. Her bravery in being independent is admirable. Ako kaya kailan?
"Arya, this business shouldn't be known to your dad, okay?” Napakunot ang noo ko sa kanya. Why? Nababasa siguro ni mommy ang nasa isip ko.
“This is for you. Regalo ko sayo malapit na ang birthday mo at gagraduate kana. I thought it was the perfect gift for you. Hindi natin alam ang takbo ng kumpanya dahil pinagbawalan ako ng dad mo na alamin iyon. Paano tayo kung nalugi siya. Ang perang ginamit ko dito ay namana ko kay mama. Ito ang ipapamana ko sayo.”
“Are you dying, mommy?” Agad namuo ang luha sa aking mga mata. We traveled for hours from Laguna to San Carlos Pangasinan. Wala si daddy nasa business trip niya sa Malaysia.
“No anak,” natatawang sagot niya.
“Bakit parang naghahabilin na kayo? Para na kayong mamatay sa mga sinasabi niyo! Mommy hindi ko kaya!”
“Para ito saiyo anak. Hindi alam ito ng daddy mo. Hindi mo napansin noong party iniwan kita, iyon ay dahil sa isang kakilala. Tinulungan niya akong makapag put-up ng business. Dahil hindi ko kaya ang ginawa ng iyong ama sayo anak? Kaso hindi ako pwedeng magpahalata sa plano ko. Ilalayo kita sa kanya!”
“Mommy?” Nangilid ang luha sa aking mga mata.
“Kailangan mong maging matatag anak, dahil narinig kong ipapakasal ka ng daddy mo sa Javier na iyon. Mapapahamak ka sa kanya. Talamak ang masamang gawain ng shipping line niya. Ayokong masira ang buhay mo dahil sa kasakiman ng daddy mo. Hindi ako papayag na gagamitin ka at isasama ka sa pagbagsak niya. Tapusin mo ang iyong pag-aaral.” Mahabang paliwanag ni mommy.
“How did you all know this mom?” Nilukob ako ng matinding takot. Based sa mga salita ni mommy may pinaplano si daddy.
“Basta anak magtiwala ka lang sa akin. Wala ka pagsasabihan nito. Kahit kanino kahit sa mga kaibigan mo! Mangako ka Yannah?!” Tango ako nang tango. Mom scared the hell out of me. Pero mas okay na ito kaysa ipakasal ako ni daddy sa hindi ko naman mahal. My heart was beating faster.
Bigla na lang lumitaw ang antipatiko at gwapong lalaki na iyon sa aking isip. Despite his height and handsome appearance, his symmetrical jawline blended perfectly with his hazelnut eyes. Parang laging nangungusap ang mga mata niya. Agad kong ipinilig ang aking ulo.
“Are you okay anak?” Napalingon ako kay mommy, pilit akong ngumiti. Hindi ko naiisasatinig ang laman ng aking isip. Hindi dahil sa natatakot ako kundi dahil sa kakaibang paghanga ko sa kanya. Kahit pa Naabutan ko siya sa hindi ka nais-nais na tagpo.
“Uhm—Yes mom, sorry may naisip lang po ako. Malayo pa ba tayo mommy?” Hindi ko alam kung ngingiti ako o mapapangiwi. My mom was different. Hindi ko maipaliwanag pero may kakaiba sa kanya.
“Malapit na tayo Yannah, tandaan mo ang lugar na ito. Walang makakakilala sa iyo.” Puro rin bilin ang sinasabi niya sa akin mula ng umalis kami ng Laguna kaninang madaling araw. Hindi ko siya mapalitang magmaneho dahil hindi naman ako marunong.
Ilang minuto pa humimpil ang aming sasakyan. ‘Yannah Liquor store’ napangiti ako. Parang proud na proud ako. The signage had my name written on it. Arya naman talaga ang palayaw ko si mommy lang ang tumatawag sa akin ng Yannah dahil katunog ng pangalan ng lola ko.
“Dito na tayo anak.” Ngumiti ako. Agad akong bumaba. May dalawang parking sa harapan ng store namin. Oh, diba store namin! Napangiti ako sa ideyang iyon. Buti na lang Sabado ngayon walang pasko.
Tinour ako ni mommy sa loob ng store. It was full glass, pagpasok mo kita mo agad ang shelving nips na puno ng iba’t-ibang alak both sides. Mayroon apat na gondola at wine rack sa gitna. Counter kung saan magbabayad at ang malaking logo na naka emboss ang pangalan ko. Then sa after the counter my office room, katabi ang isang bedroom at malaking stock room na punong-puno ng naka karton pa na mga alak. There was ample space in this store, and the capital expenditures were excessive. Saan kaya kumuha ng ganito kalaking halaga ang mommy? Para namang nabasa niya ang iniisip ko. Kung pagbabasehan ko ang pamana kuno ng lola ko malabo. Alam ko may kaya sila sa buhay pero hindi mayaman.
“H’wag mo na iisipin ang mga gumugulo sa isip mo Yannah. Let it be.”
“Wala naman po akong iniisip ah?” Depensa ko. Kahit huling-huli na ako. Pagpasok namin kanina tumunog ang parang bell sa taas ng pintuan. Tumunog ulit iyon. Napalingon ako. Saktong nagtama ang aming mga mata ng lalaking nasa rooftop! What the hell is he doing here? Nagulat din siya nang makita ako pero agad siyang ngumisi. Playboy na nga lasenggo pa!
Tinaasan ko na lang nang kilay at sumunod kay mommy sa opisina na sinabi niya kani-kanina lang. Nakaupo si mommy sa table niya ako naman sa sofa. Hindi siya nag angat ng tingin. Para akong sinisilihan. Naiwan ang isip ko sa labas. Kung saan pumasok ang lalaki kanina. Hindi ko man lang alam ang pangalan niya.
“Yannah!”
“Huh?!”
“Ano ba gumugulo sa isip mo kanina pa ako nagsasalita dito parang wala kang narinig!” sita ni mommy. Namula ang mukha ko sigurado.
“Sorry mommy iniisip ko lang paano kung mahuli tayo ni daddy. Sigurado ako pati kayo sasaktan na rin niya.” Pagsisinungaling ko. Para matakpan ang aking pagkapahiya. Dahil hindi naman talaga ako nakikinig.
“Ako na nag bahala sa daddy mo. Ang isipin paano mo ito papalaguin. Mabuti nga business management ang kinuha mo. May ideya kana kung paano ito patatakbuhin.”
“Oo nga mommy,” palusot kong sagot.
“Tingnan mo itong financial statement, purchased order at, ang ibang list ng mga suppliers. May iilan diyan na suppliers ay consignment, sila na nag-aasikaso ng stocks nila sa labas. Advantage natin iyon.” Mahabang paliwanag ni mommy. Oo lang ako ng oo. Kahit ang utak sa antipatikong iyon. Sa dami ng sinabi ni mommy wala talaga ni isang pumapasok sa isip ko.
“Mommy, may I check out the place?”
“Mabuti pa nga para kang hindi mapakali diyan!” Napangiwi ako sa sagot ni mommy. Huling-huli ako na hindi pa interesado sa mga sinasabi niya.
Lumabas na ako ng opisina. Inilibot ko ang aking mga mata sa buong store. Wala na doon ang lalaki. It's hard to explain why I'm sad and disappointed.
Lumabas ako ng store. I liked the city. Public transportation was easy to get to. Sa mismong city ang store namin. There was a lot of popular in Pangasinan because of its beautiful beaches, historical events, and delicious food. Their tourism is booming. Hindi ko alam kung saan ang direksyon ng aking mga paa. Napatingin ako sa akin pambisig na relo. It was four in the afternoon. Tirik na tirik pa rin ang sikat ng araw.
Napadpad ako sa kanilang plaza. Maganda ang lugar mayroong monumento ng ating pambansang bayani. May mini-version of the statue of liberty. It made me smile.
Pumasok ako at umupo sa bench. Napapalibutan ang plaza ng mga nagtitinda ng street foods. Namiss ko si Xenia. She loved street food. Hindi pa niya alam ang buong pagkatao ko. We're best friends pero hindi niya alam ang estado ko sa buhay. I pity her most of the time pero parang wala rin kami pinag kaiba nang sitwasyon.
“Gusto mo ng kwek-kwek?”
“Ay pek-pek!”
“I said kwek-kwek hindi pek-pek. Ang bad ng bibig mo!” He laughed melodiously.
“Ano ba bakit basta ka na lang nang gugulat!”
“Kanina pa kita pinag mamasdan ang lalim ng iniisip mo. Kanina pa rin naman ako sa likuran mo. Mabango naman ako, hindi mo man lang ako naaamoy?”
Simaan ko siya ng tingin. Pero ang gago, ngumiti pa nang ubod tamis. Baka nakakalimutan niya may atraso pa siya sa akin sa rooftop!
“Ano bang pakialam mo kung ang lalim ng iniisip ko!” Hindi ba siya iniisip mo? Tanong ng bahagi ng utak ko. Agad akong namula.
“H’wag mong sabihing ako ang iniisip mo!”
“Hoy mister ang kapal ng apog mo. Kasing kapal ng mukha mo. Bakit naman kita iisipin aber!” Halos hinihingal na ako sa pagtanggi.
“Maganda ka sana mataray ka lang!”
“Gwapo ko sana pero ang yabang mo, ang manyak mo at ang playboy mo!”
“Okay na iyong una, gwapo dinugtungan mo pa. Pwede naman ako magbago para sayo.” Malandi, itong ngumiti at lumabas ang mapuputi niyang mga ngipin.
“Ang katulad mo hindi magbabago kahit pagbaliktarin ang mundo isa kang dakilang babaero!” Tumayo na ako at umalis. Dahil ang kabog ng dibdib ko nag-uumapaw na.
“Judgemental lang? Oh ano, pekpek—este kwek-kwek ayaw mo?.” Nakasunod ito sa akin. Bigla akong tumigil at hinarap siya ngunit sa kasamaang palad nagbuhos lahat sa akin ang hawak niya.
“Arrggghhh! See tingnan mo ang ginawa mo! Wala ka ba talagang magawang matino hah?”
“Eh bakit ka naman kasi biglang tumigil, ayan natapon tuloy sayo.”
“So, kasalanan ko kung tatanga-tanga ka, parang asong sunod ng sunod ha?”
“Gwapo naman,”
“Ahhh! Lumayo-layo ka sa akin mister ha! Kung hindi tatamaan ka sa akin.”
“Ako nga tinamaan sayo hindi naman ako lumayo.”
“Ano?”
“Wala, lika kana ihatid na kita sa store niyo para maka pagbihis ka. Amoy sauce ka tuloy.” Hinawakan niya ako sa siko. Agad dumaloy ang kakaibang init na lumukob sa aking buong sistema. Napatingin ako doon at sinamaan siya ng tingin.
“Oy kwek-kwek lang ang hinawakan ko. Ang sama mo agad makatingin. Malinis yan.” Defensive niyang sagot. But in my head, I laughed.
“Bitawan mo nga ako. H’wag kang susunod. Kaya kong umuwi mag-isa!”
“Oy miss ihahatid na nga kita, kasalanan ko naman eh, dali na kasi. Hindi naman akong masamang tao. Ihahatid lang kita sa store niyo. Kasi ayan pinagtitinginan nila tayo.” At ngumiti pa talaga ang hinayupak na ito.
“Hoy mister!” Sabay duro ko sa kanya. Masyado siyang matangkad kaya napatingala pa ako. “Tantanan mo ako. Pwede ba!” Agad akong tumalikod. Inis na inis ako sa kamalasang nangyari sa akin ngayon. Ang damuhong iyon dinumihan pa ang damit ko! Buti na lang hindi mainit. Inis na inis ako sa ginawa niya. Hindi na nga siya sumunod. Nakahinga ako ng maluwag dahil tinigilan na niya ako. Wehh di nga?
Amoy na amoy ang sauce ng kwek-kwek sa damit ko. Nang bigla na lang tumigil ang isang magarang top-down sports car sa harapan ko.
“I'm sorry, miss, but I'll make it up to you. Ihahatid na kita, sorry na please!” Hindi ko siya pinansin. Tuloy lang ang lakad ko. Parang wala akong narinig. Hindi rin ako sumagot. Deretso ang tingin ko. Hindi ko napansin ang naka usling bato at natapilok ako.
“Ahh, s**t!” Namilipit ako sa sakit.
“Miss!” Hindi ako makatayo. Humagunos siyang lumapit sa akin. Basta niya na lang iniwan ang sasakyan nito.
“H’wag ka sabing lalapit eh! Kasalanan mo ito. Kamalasan lang ang dala mo sa akin!” To stop me from talking, he placed his fingertip against my lips.
“I will let this slide because it is my fault. You can punch me later, okay?” Bulong nito sa tenga ko. Agad niya akong binuhat at sinakay sa sasakyan niya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Para akong nahihilo sa mga bisig niya. Nanonoot sa ilong ko ang mamahalin niyang pabango at ang tigas ng dibdib niya. Aryanna!
To be Continued...