THE GETTING TO KNOW EACH OTHER

2041 Words
ARYANNA’s POV Napapangiti ako habang abala ang lalaki sa paglalagay ng yelo sa paa ko. Ramdam ko pa rin ang kirot. Pero hindi na kasing sakit iyon. Ni pangalan niya hindi ko pa alam. Hindi naman maitatanggi na gwapo siya at nangungusap ang kanyang mga mata. Pero hindi pa rin mabura sa isip ko ang mga kamalasang nangyari sa tuwing magtagpo kaming dalawa. Not once but twice. “How does it feel now?” Nag-angat siya ng tingin at nagsalubong ang mga mata namin. Nandoon na naman ang pasaway na t***k ng puso ko. Nagririgudon na naman. Titig pa lang niya. Para na akong nahipnotismo. Sumilay ang mga ngiti sa mga labi niya. “Na gwa-gwapuhan kana ba sa akin niyan?” Agad kumunot ang noo ko. “Sino may sabi?” Deretsahang tanong para itago ang pagsikdo ng t***k ng puso ko. “Kasi kanina pa ako nagsasalita. Naka tanga ka lang, tapos ngumiti ka tapos sumimangot, tapos naman ngayon nagtataray kana. Ang gulo mo.” Sinabayan niya iyon ng maikling tawa. “So, ako pa talaga ang magulo? Kung sipain kaya kita? Kung hindi ka lumapit -lapit sa akin hindi puro kamalasan ang nangyayari sa akin!” Agad umiba ang mukha nito, para akong nakonsensya sa sinabi ko. Napakamot ito ng batok at alanganing ngumiti. “Sorry na kasi, inumin mo na itong gamot, tapos magbihis kana.” Hindi ako sumagot. Ininom ko na rin ang gamot na binigay niya. Binuhat niya ako at dinala sa banyo. Hindi na ako nagtanong kung kaninong bahay ito. Maganda at malinis. Hindi kalakihan. Pero sobrang napaka minimalist ng bahay na kulay azure ang mga decorations. Nang mailapag niya ako sa nakatakip na bowl amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga malapit sa aking tenga. “Just call me when you finish.” Agad siyang tumalikod at isinara ang pintuan. Napahugot ako ng malalim na buntong hininga. Ito na nga ang nag magandang loob. Hindi naman niya kasalanan na natapilok ako. Ang nabuhos na sauce ng kwek-kwek dahil bigla na lang akong tumigil. Iginala ko ang aking mga mata sa banyo. Malinis at amoy ng binata ang loob ng noon. Siguro bahay niya ito. Tumayo ako at bahagyang inapak ang aking paa. Lumapit ako sa lababo, hinubad ko ang aking damit at kumuha ng wipes na nasa gilid. Kumpleto siya sa gamit, mula sa after-shave cologne, toothbrush, shaver, deo, floss, mouthwash at iba pang gamit. Napataas ang kilay ko ng may tongue scraper pa siya. Arte! Pwede naman toothbrush gagamitin. Daig pa niya ako sa dami ng nilalagay nito. Inamoy ko ang aftershave niya, napangiti ako. Kasing amoy nga niya. Parang nakakaaddict ang amoy na ito. “Are you okay?” Bigla ko na lang nabitawan ang after-shave cologne niya dahil sa gulat at nabagsak ko iyon. Wala kasi itong babalang pumasok. “Oh s**t!” “Don’t move miss!” Agad niya akong binuhat palabas. Humahalimuyak ang pabango nabasag ko. Hindi na ako naka pagsalita sa bilis ng pangyayari. Saka ko na lang na realized naka bra lang ako! “Put me down, Mister!" I can't miss sorry baka masugat ka at isisi mo na naman sa akin iyan, dami ko nang atraso sayo!” Taranta niyang sagot. “Naka bra lang ako ang manyak mo!” “Hala sorry. Hindi ko napansin. Saka hindi naman ako sa flat chest mo nakatingin ah. Sa maganda mong mukha.” Depensa nito. “Ang bastos mo! Ibaba mo ako sabi eh! Inubos mo ang pasensya ko! Sasamain kana talaga sa akin!” Banta ko sa kanya. Agad niya akong pinasok sa kabilang kuwarto at dinala sa banyo. “Dito ka na lang sa kabilang banyo magbihis, sorry na kasi!” “Puro ka sorry, lagi naman kapalpakan ‘yang dala mo!” Agad siyang tumalikod at umalis ng hindi na sumagot. Ako naman sinalakay ng matinding kahihiyan at parang sasabog na ang dibdib ko sa lakas ng kabog ng aking puso. Nang maka pagbihis na ako. Lumabas ako ng paika-ika. Naka abang na siya sa pintuan at tila gwapong-gwapo sa sarili. “Are you done?” Sumeryoso ang mukha niya. Bipolar lang? “Tingin mo lalabas na ako ng hindi tapos? Hindi ka naman bulag siguro?” Hindi pa rin ako nag papatalo sa katarayan ko. He deserves it anyway! Ayon na naman ang pagkamot niya ng batok at alanganing ngiti. “Let’s go baka hinahanap kana ng mommy mo. Mag-alala iyon sayo. Kaya mo na ba mag lakad o gusto mo buhatin kita?” “Kita mo naman siguro na nakakalakad na ako diba? Pumaparaan lang?” Pang-iinis ko sa kanya. “Geez! Nagmamagandang loob lang tapos napagbintangan pa.” Napailing ito at tumalikod. Napangiti ako. Tingnan ko lang kung hanggang saan ang pasenya niya sa akin. “Would you like to eat first? Baka gutom kana?” Si mommy! “Tumawag ako sa store niyo sinabi ko sa mommy mo ang nangyari?” Agad na sagot niya nang hindi ako nagtatanong. Parang nakakatuwa iyon. Will see… Nang hindi ako sumagot, bigla na lang kumalam ang sikmura ko at tila narinig niya iyon. “Dinner it is.” He smiled. Ilang minuto tumigil siya sa isang restaurant na nagseserve ng Pangasinan specialty. Hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako ng pintuan. Kita ko ang pag-iling niya at pagkamot ng batok. May kuto lang? Nang makapasok na kami sa loob, napangiti ako sa ganda ng ambiance. Pangasinense ang dating, ito ang kauna-unahang kakain ako sa ganitong lugar. Lumaki ako na hindi masyadong nakakalabas ng mansyon. Dahil mahigpit si dad sa akin. Ang bawat utos niya ay tila batas. Kahit sa school ko. I regained my reverie with a snap of the fingers in front of me. James was smiling sweetly. Napakurap pa ako ng ilang beses. “Ang lalim na naman ng iniisip mo.” Sinamaan ko siya ng tingin. Pero ang totoo, nakakalungkot dahil hindi ako gaya ng ibang mga ka-edaran ko na namulat sila sa simpleng buhay pero masaya. Siguro nga mag bff talaga kami ni Xenia, kasi pareho kami ng pinagdadaanan. Ang kaso nga lang hindi niya alam. “Dig in, hindi na kita tinanong sa gusto mong kainin, because you keep spacing out. May problema ba?” His tone was full of sympathy. Umiling ako. Ang bango ng inorder niya. Lechon bagoong, mangaldan tapa, at longganisa, may sinigang na hipon din. Ang sarap ng mga pagkain sa harapan ko parang nagliwanag ang aking mga mata sa gutom. Dinig ko ang bahagya niyang pagtawa pero hindi ko na iyon pinansin pa. Nilantakan ko na agad ang lechon. Punong-puno ang bibig ko. Para akong patay gutom. “Hmmm, hkmgymthjdhtrp.” Tumawa siya dahil hindi niya naintindihan ang sinabi ko. Sabay punas sa gilid ng labi ko ng sauce. “Don’t talk while your mouth is full.” Nilunok ko ang laman ng bibig ko. “Grabe ang sarap. First time, ko kasi.” “So bati na tayo nakakain kana?” “Bati mo mukha mo. Galit pa rin ako, saka kaya ko namang bayaran to ah.” “Wala kang dalang pera baka nakalimutan naglakad ka lang kanina.” Paalala niya sa akin. Natampal ko na lang ang aking noo. “Okay let’s have a deal, ilang araw kayo mag stay dito?” Tanong niya. Nag-isip ako. Wala si dad for four days. “Uhm—I think four days, bakit?” nagtataka kong tanong. “Join me,” naka ngiting niyang sagot. Lalong nag-isang linya ang aking kilay. I felt him prick my crossed eyebrows with his index finger. “I want you to experience adventures and fun with me for four days. I’ll make sure you have the most memorable and happiest memories of your life. What do you say?” Mayabang niyang anyaya sa akin. Nag-iisip pa ako nang magsalita siyang muli. “Say yes, please.” “Tingin mo sasama ako sayo ni pangalan mo nga hindi ko alam.” Ngumiti pa ang kumag, na lalong nagpagwapo sa kanya. Kalma lang heart please. “Oh, I agree on that one. I am Carl James Salameda, single and ready to mingle.” Inumang niya ang kamay niya sa harapan ko. Napataas ang aking kilay. “Okay.” Matabang sagot ko. “What’s yours?” Hindi ko siya kinibo. Alam ko naghihintay siya nang sagot. Dinig ko nagtanggal siya nang bara sa lalamunan. Nagpatuloy siyang kumain. “Aryanna.” Sagot ko makalipas ang ilang sandali. Nag ni-ningning ang kanyang mga mata tila nasiyahan siya sa sagot ko. “Pero kailangan kong mag paalam kay mommy.” “Of course.” Masiglang sagot niya. Excited lang? Busog na busog ako. Ilang cup ng kanin ang naubos ko. Feeling ko bibitayin na ako sa sobrang kabusugan. Ang sarap ng mga pagkain. Lahat bago sa akin. Hindi naman kasi ako nakakalabas ng bahay. Ilang minuto pa, humimpil ang sasakyan ni James. Sarado na ang store namin. Kinabahan ako. “Don’t worry sabi ng mommy mo sa likod ka dadaan, tara hatid na kita.” Tumango ako. Sabay kaming lumabas ng sasakyan. “Sana next time hayaan mo akong pagbuksan ka ng pintuan, it was a guy's duty to open the door for a woman.” “Ang arte mo, kaya ko naman ah,” “Iyon na nga kaya mo pero gusto ko. Baka lang naman.” Geez! Nagtatalo na agad kami sa maliit na bagay. “Ewan ko sayo! Lika ka na nga.” Tinalikuran ko na siya. Nang makarating kami sa pintuan may naka sulat na exit. Pinihit ko iyon agad namang bumukas. Hindi nagsara si mommy? Paano kung manakawan ang store? Napalingon ako kay James na nasa likuran. “I texted her na parating tayo.” Ano ba siya manghuhula. Nababasa niya lahat ng isip ko? “Lika pasok ka.” Aya ko sa kanya. Nagpatiuna ako. Maliwanag sa b****a ng store mula sa exit. “Daming alak, uminom kaya tayo.” Biro niya sa akin. “May balak?” “Grabe ka naman talaga sa akin. Nagbibiro lang sineryoso mo naman.” Tinirikan ko na lang siya ng mata. “Mommy?!” Tawag ko pero walang sumagot. Tinungo ko ang opisina ni mommy pero nakapatay na ang ilaw. Sunod kung pinuntahan ang kuwarto. Wala rin siya. “Wala naman si mommy dito James, alam mo ba kung saan siya nag punta?" Umiling ito. “Wala naman siyang sinabi na aalis siya. Noong nakausap ko siya kanina. Tapos noong nag text ako okay lang ang sagot niya.” Napabuntong hininga na lang ako sa haba ng paliwanag ni James. Pumasok ako sa opisina ni mommy para kunin ko ang bag ko dahil nandoon ang aking telepono. Nakamasid lang si James sa lahat ng ginawa ko. Pagkakuha ko ng aking telepono tinawagan ko si mommy pero cannot be reach ang phone niya. Paano 'to? “Hindi ko makontak ang number ni mommy, paano na yan ako lang mag-isa dito?” “Pwede naman kita samahan hanggang sa dumating siya tapos uuwi na lang ako. Tingin mo?” Nag-isip ako hindi naman siya masamang tao kaya pumayag ako. “Lika dito na lang tayo sa kuwarto maghintay may tv dito. Pwede tayong manood.” “Wala ka namang balak na masama sa akin diyan sa silid na yan diba?” Malokong tanong ni James. “Ang kapal mo ha?!” “Sinisigurado ko lang kasi hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko kung gagawan mo ako ng masama kusa akong mag papaubaya!” “Yuck! Kadiri ka! H’wag kang feeling. Baka ikaw may balak sa akin!” “Oh, baby, I will not force a woman without her consent. I love hearing a moan with permission.” Sinabayan niya iyon ng tawa. Sinalakay ako ng kaba, pero wala akong makapang takot. Pakiramdam ko matagal na kaming magkakilala. “Manyak ka talaga kahit kailan! Ikaw James tigilan mo ko. Ang landi-landi mo!” “Baka lang naman gusto mong magpalandi I am available.” “James!!!!” Nanggigil na ako sa mga banat niya. Nasaan ba kasi si Mommy? “Biro lang pikon agad. Lika na nga sa loob.” Sabay hila sa kamay ko. Umupo kami sa sopang dalawa. Hindi ko na mapigilan ang atraksyon ko sa kanya. Jusko!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD