THE BONDING MOMENT

2121 Words
ARYANNA’s POV: The way my night ended last night is a mystery to me. Tawa kami ng tawa sa pinapanood naming comedy ni James. Ngayon hindi ako makakilos dahil sa bigat ng hita na nakadagan sa akin. Ang kanyang kamay nasa loob ng damit ko. Nakapulupot sa aking bewang! Napamulagat ako! “James!” “Aryanna?” Bakit ka nakadagan sa akin! Bakit tayo magkatabi matulog. Diba dapat sa sopa ka matutulog?! “Akala ko naman kung ano, aatakehin ako sa iyo sa puso eh.” Sagot nito. Pero binugahan ko lang siya ng masamang tingin. “Bakit ka sa kama ko ikaw natulog at naka yapos ka pa talaga. Ang manyak mo kahit kailan!” “Aryanna buti nga walang nangyari, ikaw kung manghila ka sa akin baka nakalimutan mo lasing ka! Sabi ko sayong h’wag mo ako gagawan ng masama kasi hindi ko kayang lumaban!” “Arghhhh! Ako pa talaga ang binabaliktad mo ngayon ha! Hindi mo na ako nirespeto!” Galit na galit kong bulyaw sa kanya. “Kung hindi kita nirespeto ewan ko na lang kung makalakad ka ngayon. Besides, you were drunk. Tawa ka ng tawa ikaw pa nga kumuha ng alak sa labas eh at dinala mo dito. H’wag kang tatanggi may CCTV.” Parang umuurong ang dila ko. Agad ko siyang tinalikuran at pumasok sa banyo. Pagkasara ko ng pintuan napasandal ako doon at napahawak sa aking dibdib. Bigla kung naalala ang sinabi ni James hindi ako makapaniwala na ako pa talaga ang nag-aya at nalasing ako. Oh, my Gee! Pero kinapa ko ang aking sarili, tama naman siya siguro nga kasalanan ko. Napahugot na lang ako ng malalim na buntong hininga at nagpasyang maligo. Bumalik ang alaala ng mga ginawa ko kagabi. Eww kadiri ako! Wala na akong mukhang ipapakita sa kanya mamaya. Bahala na. Agad akong naligo. Ibinabad ko ang aking hubad na katawan sa dutsa. Naglakbay ang diwa ko noong nakaraang gabi. James is an absolute gentleman. Pilit niyang inilalayo ang hawak kong alak. Pero hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at ako pala ang nagpasimula ng kalokohan kong iyon. Pakiramdam ko kagabi ibang Aryanna iyon. Aryannang malayang tumawa, malayang makipag kaibigan at Aryannang masaya. Lahat ng iyon iisa lang ang may dahilan. James made me feel happy for the first time in my life. I was delighted last night. “Aryanna, bilisan mo. Dumating na ang mommy mo!” Malakas na sigaw ni James mula sa pintuan. Dali-dali akong nag banlaw. Wala akong dalang damit buti na lang may nakasabit na puting tuwalya at roba. Iyon ang ginamit ko. Pinulupot ko ang aking basang buhok ng tuwalya. Nagtoothbrush na rin ako. Agad akong lumabas ng banyo pagkatapos ko. “For you!” "Ay, Halimaw!" “Gwapo ko naman doon Arya.” Tinaasan ko siya ng kilay. “Alam mo bilib din naman ako sa lakas ng confidence mo eh, no? Gwapong-gwapo ka sa sarili mo?” Hindi ba? “Love you own nga diba? Wala kasing nagmamahal sa akin. Ikaw na lang kaya?” Natigilan ako. My heart pounded really fast. James' request was too much for me to process. Love him? Agad niyang pinitik ang tungki ng aking ilong. “Aray!” “Natutulala ka na naman, siguro may HD ka sa akin ano?” “Anong HD pinag sasabi mo diyan! Daig mo pa ang babae sa kakatalak mo! Kailan kaya titigil yang bibig mo?” “Halikan mo ako ungol lalabas dito!” Sabay nguso sa mga labi niya. “Arghhh! Kasumpa-sumpa ka talaga! Manyak!” Tinulak ko siya dahil halos hindi na ako makahinga sa sobrang lapit niya. “Why are you shouting Yannah?” Mula sa b****a ng pintuan sumilip si mommy. “Mommy! Saan ka ba nagpunta? Bakit wala ka dito kagabi?” Hindi ko sinagot ang tanong bakit ako sumigaw. Itinulak ko sa balikat si James. Ang kumag ngumisi lang at hindi nagpatinag. “Dinalaw ko ang kakilala kagabi. Additionally, I request that this young man protect you from harm. Unless bantay salakay?” Nagbibirong tanong ni mommy. “Tita good boy ako. Ito nga lang makulit eh!” “Tita, bakit pamangkin ka ba ng nanay ko maka tita ka? Close na kayo?” Binalingan ko si mommy agad itong umiwas. “Eh anong gusto mong itawag ko mommy na ba? Mommy Agatha iuuwi ko na itong anak niyo?” Malakas na tawa lang ni mommy ang narinig kong sagot. “Ano, bakit ba ang hilig mong magganyan?” Tanong ni James. “Ang—ang alin? Mag-ano?” Nauutal kong tanong. Hindi ko pa rin ma proseso ang lahat, “Never mind, magbihis kana, aalis pa tayo.” Sabay angat ng hawak niyang damit ko. Hindi ko na iyon napansin kanina dahil sa usapan namin. Hinablot ko iyon at bumalik sa banyo para magbihis. Pagkapasok ko palaisipan pa rin sa akin ang mga banat ni James. Ang kilos niya sa harapan ng mommy ko. Nang matapos akong magbihis, lumabas ako. Wala na si James sa loob ng silid. Kinuha ko ang aking body bag. Nakita ko si mommy at James nag-uusap malapit sa pinaka dulong shelves. “Mom?” Napalingon silang dalawa. “Oh, tapos kana pala, pinag paalam na kita sa mommy natin sa susunod na tatlong araw bago kayo bumalik ng Laguna.” What the heck is going on? Hindi ko naman sinabing taga Laguna ako. Something is fishy here! Napakunot ako ng noo. Kakilala pa lang ni mommy sa lalaking ito, tapos papayagan niya akong sumama? “Sige na mag-enjoy kayo. Lalo kana Aryannah! Wala pa ang dad mo.” Para akong natauhan. Siguro sinabi ni mommy na taga Laguna kami. “Talaga ba mommy papayagan mo akong sumama sa kumag na’to?” I don't see why not, harmless naman si James diba hijo? Buo mo naman ibabalik ang anak ko walang labis walang kulang?” “Mommy!” Tumawa si mommy, nilapitan ako. Kinuha niya ang kamay ko. Sinalubong niya ang mapagtanong kong mga mata. “Kailan mo pa ito mararanasan anak? The goal of James's offer to you is to have fun. Do it now while it lasts. I trust this man to be with you. The offer was one of the lifetime experiences, knowing your dad, you know that don't you?” Mommy was right. Tumango ako at aalangang ngumiti. Pinisil ni mommy ang tungki ng ilong ko at hinalikan ako sa pisngi. “Well, then James secures her safety at all costs, or else her father will decapitate you.” “Yes, ma'am, with my life.” Nagkasalubong ang aming mga mata ni James. I could see nothing but determination in him. “Bueno, umalis na kayo. Kung wala ako dito mamayang gabi anak Yannah, pwede mong patulugin si James dito sa sopa hindi ‘yong magkatabi kayo sa kama!” Naumid ang dila ko. Hiyang-hiya ako. Ramdam ko ang pag-init ng aking mukha. Hindi ko magawang sumagot. Nasundan ko na lang ng tingin si mommy. “Shall we?” Pukaw ni James sa akin. Alangan akong tumango. Una naming pinuntahan ang famous tourist spot the famous St. Dominic Guzman Parish. Para akong may tourist guide sa kasama ko. Dahil literal na madaldal na lalaki si James I took advantage the knowledge he was sharing. About the history of the church. It was ancient, from the Spanish era. It was indeed amazing. “Masakit pa rin ba ang paa mo?” Ngumiti ako sa kanya. He was indeed handsome and smart. He carried himself very well. Hindi rin mapagkaila na mapapalingon ang mga kababaihan sa kanya. Sa tangkad niya, gwapo, maputi ang balat, mapupulang labi, at malalantik na pilik mata. Parang model lang sa magazine ko ito nakikita but I am in reality with James. “Pinagpapantasyahan mo na ba ako niyan Aryannah?” Sabay bulong niya sa tenga ko. Bigla akong kinilabutan sa ginawa niya. “Hindi ah! May naisip lang ako.” Todo tanggi kong sagot. “Like what?!” Pabulong niyang tanong at dikit na dikit pa rin sa akin. “Ah—Uhm—ano kasi nagugutom na ako!” “Hindi ko alam na ang gutom mo pala nagpapangiti at walang kurap-kurap yang mga mata mo habang nakatitig ka sa akin.” “Ang kapal mo ha!” Hinila na niya ako. Palabas ng parish. “Lika na nga gutom lang yan.” Sumakay ulit kami sa sasakyan niya. Mabilisan lang ang lahat. Isang karinderya ni ‘Aling Muling Kainan’ ang pinakasikat at dinarayo dahil sa kanyang masarap na bagnet. Hindi ko na pinansin si James. Sunod naming pinuntahan ang ibang tourist spot gaya ng Binalatongan Ruins at Quadricentennial Arch. Sobrang daming alam ni James sa history ng San Carlos. “Taga dito ka ba?” Pabalik na kami ng sasakyan niya. “Dito ako ipinanganak, however my parents move to the state. Doon ako elementary hanggang college, umuwi lang kami noong namatay ang lola at lolo dahil sa aksidente.” Lumamlam ang mga mata niya. “Sorry,” “Nah it was a long time ago. Simula doon hindi na kami umalis ng Pilipinas besides nandito ang business ni Papa kaya okay na rin.” Ngumiti na ito. Ang gaan ng usapan namin. Pwede naman pa lang maging maayos. Hindi puro kalandian! “Ang saya siguro ng kabataan mo, no?” May bahid na inggit ang boses ko sa tanong na iyon. Hindi ko kasi naranasan ang gano’n simula ng bata pa ako. “Yeah, but not all the time. May sad rin naman pero, mas masarap mabuhay kung hindi mo iisipin ang mga masasakit na alaala, lalo pa walang kang magawa para maitama o maibalik pa iyon.” Simula kahapon na magkasama kami ni James ngayon ko nakita ang ganitong personality niya. A good man, he was. He was just as my mom said. “Saan tayo ngayon?” Kasi palabas na kami ng San Carlos. “We’re heading to Hundred Islands." Kumpyansang sagot ni James. Tama nga si mommy. This experience I had with James was for keeps. “I am sure you will love it.” “Thank you,” makalipas ang ilang sandaling pananahimik ko. “For what?” Hindi siya lumingon sa gawi ko kasi tutok na tutok siya sa pagmamaneho. “I am grateful for the memorable experiences I have shared with you. Ni sa hinagap kasi hindi ko maisip na mararanasan ko pa ito. Throughout my childhood, my dad was very strict.” Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Nanghihinayang ako sa mga panahon at maging magandang karanasan ko pa sana kung hindi lang sa ugali ni Daddy. Ginagad ni James ang kamay ko at tumingin ako sa kanya. “Taking every risk to ensure your happiness is sometimes the best thing you can do. Being afraid is normal, but fight it.” “Sana kung gano’n kadali lang ang lahat.” Hinila ko ang aking kamay at tumingin sa bintana. Namayani ang mahabang katahimikan hanggang makarating kami Alaminos. I can smell the sea breeze, the strong winds that caress my skin. FREEDOM! In the Alaminos arch, the pilgrimage statue is drawn and painted on the floor of the islands. James hired a speedboat to visit the statue of Christ which is very tall like the 56-footer. Sobrang ganda sa malapitan. Buong maghapon kaming nag island hopping. James was indeed a gentleman. Sumakay din kami sa zipline. The view was beautiful from above. My voice echoed at the top of my lungs. It was thrilling to feel my adrenaline rushes make me scream with joy. Lahat ng water activities ay sinubukan namin, from the banana boat, kayaking, swimming, snorkeling, and the most exciting was helmet diving. I was really scared, but I had fun. Wala kaming ginawa kundi tumawa at sobrang nag-enjoy ako sa company ni James. Hindi ko namalayan mag gagabi na. Kanina ang ganda rin ng sunset. Sobrang bilis ng oras. Parang kulang na kulang iyon lalo pa kung si James ang kasama mo. Hindi pa rin maiwasan ang banat niya. Sinakyan ko na lang to avoid ruining the moment. Ang landi grabe! He, however, never took advantage of the situation, which I liked about him. He respects me. Hanggang banat lang talaga siya. At syempre ang hindi mawawalang holding hands. The warmth of his hand filled my heart with hope. Sana! “So, how was your day, Ms. Aryanna?” “Yeah Mr. James, sobra, ang saya ko. Hindi ko makakalimutan ang araw na ’to.” “So, pwede na akong manligaw?” That question made my body stiff. My mind turned blank, and my heartbeat began to pound. No words came out of my mouth. “Joke lang! “James!!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD