THE CONFESSION

2678 Words
ARYANNA’s POV: Yesterday was the best day of my life. I was so lucky to spend it with someone who made his way through my heart. I couldn’t deny how James made me feel special and respected. All my life, I was treated like nothing except for my mom. However, hindi niya rin ako madalas kayang ipagtanggol kay dad. I am not sure there is anything more valuable to her than me as her daughter. I really wasn't sure what it was. “Ready?” Malambing na tanong ni James at nakalahad ang kamay niya sa harapan ko. Tumingala ako ng bahagya, his dazzling smile is contagious. I smiled sweetly and nodded my head. This is gonna be fun! “Always,” “Perfect!” Agad pinagsiklop ni James ang aming mga kamay. The electrifying warmth that traveled to my spine made my heart pound really fast. Kilig yern! Kahit ngayon lang. I shook my head to get rid of the bad vibes. I just want to enjoy this last day with him. Mamayang madaling araw babalik na ako sa kulungan ko. “Saan tayo pupunta?” may dala si James na pang hiking. Ako naman maliit lang na backpack pamalit. “You’ll see.” Nakangiting sagot niya. Ang sarap niyang pagmasdan. Gusto kong mangarap ng malaya, however I knew better. James tapped my nose. Arya, you're spacing out again," puno iyong nag pag-alala. “Sorry hindi ko lang mapigilan.” “Can you tell me what’s bothering you?” Umiling ako at ngumiti. Hindi ko alam kung pilit iyon kasi napailing si James. “Wala! Ano ka ba hindi naman importante.” Pinasigla ko ang aking boses. Para takpan ang bumabagabag sa isip at puso ko. It was my dad and his plan for me. Being with James was happiness. What the future holds for me with my dad custody was HELL. “Fine!” Pagsuko na sagot niya. Alam ko naman na malungkot siya sa sagot ko. James opens his top-down. The air was fresh. I braided my hair kaya hindi iyon nilipad ng hangin. Itinaas ko ang aking mga kamay sa ere. "Yoohoo!" James laughed at what I did. Gusto ko lang muna kalimutan ang kakaharapin kong problema. I don’t want to ruin this last day being with him. I like him. He awakens my sleeping heart. “That’s it, baby!” Kinikilig ako sa endearment niya sa akin, baby, ano kaya sunod? Inabot din kami nang halos dalawang oras mula San Carlos hanggang Alaminos. Nandito din kami kahapon pero nasa kabilang parte kami ngayon pupunta. Ipinarada ni James ang sasakyan niya sa isang restaurant. Sabay kaming bumaba. Kita ko ang pag-iling niya sa ginawa ko. Pero nginisihan ko lang siya. Masyado na nga niya akong pinakilig eh. Hinila niya ako papasok sa loob nang sarado pang restaurant. “Sebastian!” Malakas niyang sigaw. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Akala mo sino. Tinampal ko ang balikat niya. Pero hindi niya ininda iyon. “Sebastian!” tawag niya ulit. Pinindot pa niya ang bell ng ilang beses. “James!” Gigil kong tawag sa kanya. “What the f**k man!” Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses. The guy was a giant! Kung matangkad si James mas matangkad ito. He looks like an Italian hunk. Agad tinakpan ni James ang mga mata ko. Hinila niya ako sa likod niya. “Don’t look at him baby he is a cursed baka paggising ko ikaw na kasama niyan mamaya!” Tumawa lang ang nagngangalang Sebastian. “Seloso as ever!” “With you, no doubt, dude. Ahas ka, eh?" He laughed bitterly. “What do you want Salameda?” Seryoso tanong ng Sebastian na iyon. Saka pa lang ako hinila ni James mula sa likuran niya. “Sebastian my lady.” Pagpapakilala niya, pero hindi naglahad ng kamay, napalingon ako kay James nagtagis ang bagang niya. Ibinalik ko ang mga mata ko sa Sebastian na iyon ngising-ngisi lang ang isang ito. “Aryanna po,” magalang kong sagot. Malakas siyang tumawa sa sagot ko. It echoed throughout the entire restaurant when he laughed. “Baby anong gusto mong baunin, Sebastian will cook for us.” Lalong nanlaki ang mga mata ko. Ang gwapo at machong ito marunong magluto. Ang nasa isip wala itong ibang gawin kundi mag paiyak ng babae. “He can cook?” Hindi ko alam kung tanong iyon o paninigurado. Lalo pang tumawa siya Sebastian. “Of course, I can cook, eat and do everything." Namula ako sa sagot niya. Magkaibigan nga sila. “Sebastian!” James’ warning tone made him stop. He raises his hands too—Tanda ng pagsuko. “Ikaw na bahala, James.” Kita kong bumalik ito sa pinagmulan niya kanina. Hinila ako ni James sa function hall ng restaurant. Mayroon billiards table, mga cubicle sa gilid siguro exclusive singing room iyon at sa kabilang bahagi mga arcade. Ito lang ata ang restaurant na may entertainment area. Which are effective marketing strategies by the way. Lalo na sa mga bata. Habang naghihintay, naglaro muna kami ng billiard ni James. Hindi naman ako marunong pero matiyaga ni akong tinuturuan. “Maparaan talaga!” Napaangat kami ng tingin nang pumasok si Sebastian dala ang niluto niya. Binugahan lang siya ni James sa komento niyang iyon. Ako naman tutok na tutok sa paper bag na hawak niya. Dahil amoy na amoy ko ang bangong iyon. Kumain naman kami bago umalis pero this food smells delicious! “Mukhang masarap ‘yan ah!” Wala sa loob kong komento. “Oo masarap, pati ang nagluto.” Sibayan niya iyon ng tawa. As James cleared his throat, I heard him sigh. “Akala mo naman matatakot mo ako sa ganyan mo Salameda!” Sabay abot sa akin ang paper bag. Pero agad kinuha ni James. Iyon at hinila ako palabas ng entertainment room. “Ah, Sebastian, thank you for the food.” “You’re always welcome, my lady.” “Charge this on my tab!" Madiin sagot ni James. “No, it is free for Ms. Aryanna.” Tumigil si James at binalikan si Sebastian. “Don’t you f*****g think about it, Moretti?!" Tinawanan lang iyon ni Sebastian. “Still bitter Salameda? Come on it was like an ancient dude!” Nagtaas lang ng kamay si James for his dirty finger. Hindi na ako nagkomento pa dahil tingin ko may hidwaan ang dalawa. “Don’t mind him!” Seryosong saad ni James sa akin. Tumango na lang ako. Kung ano man iyon. It was all in the past and I am not involved with it. Tahimik naming binaybay daan ulit. Kung saan man kami pupunta si James lang ang nakakaalam. Pagkatapos ng halos bente minutos humimpil ang sasakyan ni James sa isang malaking Punto ng acacia, sa gilid nito ay isang tourism center office. “Stay here, I'll be back.” Tumango na lang ako. Pagkatapos ng ilang minuto. Bumalik si James my kasamaang mama. “Come on, baby, and we need to ride a tricycle to the drop point.” Tumango lang ulit ako. But James’ voice was a bit calmer now. Hindi katulad kanina. “Saan ba tayo pupunta?” Tanong nang makasakay kami ng tricycle. Ang lakas ng ingay. Kaya kailangan ko lakasan ang boses ko baka hindi ako marinig ni James. Nasa likuran ng driver si James sumakay kasi hindi siya kasya sa loob. “We’re heading to Mt Andeket Bato.” Malakas na tugon ni James. Tumingin ako sa aming dinadaan sa kanang bahagi it was peaceful. Ilang minuto pa tumigil ang tricycle. Kailangan na namin lakarin ang trek from the dropped point. Medyo mainit na pero wala akong pakialam. “Wear this baby, and put sunblock mainit na ang sikat ng araw.” Pero hindi nakatingin si James sa akin. Tila umiiwas ito. Sinunod ko naman siya. It was indeed very hot weather wala man lang ka ulap-ulap sa kalangitan. As we walked, James paid very close attention to what I needed. He even wiped my sweat. It was a relatively short hike, by the way. Hindi naman ako nahirapan maglakad. Akala ko talaga major hiking at mahirap, but the ambiance captured my heart when we reached the top. Nasa likuran namin si manong na may dalang beach umbrella, at iba pang gamit. Wala rin katao-tao sa lugar. I was enchanted by the black rock formation. Nang marating namin ang pinakatuktok napa WOW na lang ako. My gaze was drawn to the green grass. There was an unusual rock below the land, and the slight curvature of the ground made it look like small mountains. James took photos on his phone at nagpakuha siya din siya ng litrato sa kasama namin. The two of us are as happy as a couple. Wish?! Nag set up na si manong ng may mga puno na pwede naming pagsilungan and of course the umbrella. The two of us finished our lunch peacefully, while James was quiet. Nakakapanibago. “Okay, ka lang?” tahimik siyang naka upo sa bench sa ilalim ng puno. Nakatingin siya sa malayo. Panay din ang hugot niya ng buntong hininga. “Yeah,” it was a blunt answer. Parang napilitan lang sumagot. Tumahimik na lang din ako. Ayokong pilitin siya. Sinabayan ko siya sa pag tingin ng malawak na mala bunduking na tanawin. There was a gentle breeze that gave us a breath of fresh air. The weather was warm and peaceful, and the place was beautiful. Every person seeks to find peace within themselves, including myself. Pero sa kalagayan ko hindi ko alam kung paano ko makakamit iyon. Not on my dad’s watch. “Shall we?” Nakangiti na ulit siya. Baliw! “Yeah.” Simpleng sagot ko. Bumaba kami bundok, hindi ko namalayan na ligpit na pala ni manong ang dala namin kanina. Wala na rin ito nasa baba na naghihintay. Pabalik na kami ng highway kung saan iniwan ni James ang sasakyan niya. I have no idea where our next destination will be. Nang makarating kami sa tourism center where James parked his car. Inabutan ni James ng pambayad ang mama. Galante?! “Did you bring your swimwear?” Nakangiti niyang tanong. "Yes, a rash guard.” “Better!” Hindi ako nag komento pa. Inalalayan niya ako papasok sa sasakyan. “Did you know how to swim?” Tanong niya pagkapasok nito. Tumango ako sa kanya. “Great. My yacht is waiting for us. This is going to be fun.” Masayang saad niya. Natawa na lang din ako. Kanina tahimik ngayon naman parang batang bigyan ng lollipop. Tumigil si James sa isang establishment. Pagbalik niya may dala na siyang gamit at tatlong lalaki. Malamang iyon ang tutulong sa amin. “Where are we going?” “To the Island of Colibra, it was called Snake Island. However, there is no cobra there, ibang cobra meron!” “Akala ko pa naman bumait kana kasi tahimik ka na eh, ayan ka na naman babanat ng ganyan!” “Kanina iyon, iba na ngayon, I just wanna enjoy this day with the most beautiful woman!” Bulalas niyang sagot. “Bolero ka talaga kahit kailan Salameda!” “No, never! “Tara na nga kung saan na naman mapunta ang usapan eh!” Tawa ito ng tawa. Kahit hindi naman ako natatawa. “Baka kabagin ka sa kakatawa mo diyan wala naman nakakatawa!” singhal ko. “Sorry, I just remembered something, and every time it crosses my mind, I can’t stop laughing.” “Para kang sira!” Yeah, every time this joke crosses my mind. I don’t remember who wrote this joke, but it was freaking hilarious.” Sapu-sapu pa niya ang tiyan nito. “Sige nga ano iyong joke, let me the one to judge kung nakakatawa talaga. O gawa-gawa mo lang ang hilig mo pa naman sa ganyan!” “Hindi ah.” Tanggi nito. Tinaasan ko siya ng kilay. “Nasaan na nga 'yong joke mo! Ang tagal hindi naman talaga nakakatawa!” Naiinip kong komento. “Did you know that diarrhea is hereditary?” “No, it is not. It is a communicable disease!” “It runs in your genes (Jeans)” Nag loading ang utak ko. Saka pa lang ako tumawa ng na-realized ko ang sinabi niya. “Ang slow mo! Lika na nga!” “Pwede bang hindi na tayo sa yacht mo dito na lang tayo maligo? Gusto ko kasing mag laro sa buhangin.” Ito ang pangarap kung gawin na hindi ko nagawa noong bata pa ako. “Are you sure?” Tumango ako. Excited ako sa sand castle. “Okay then, may bihisan doon, tapos balik ka rito kasi nagpadala ako ng meryenda. I am hungry.” Tumakbo ako sa sasakyan niya at kinuha ko ang backpack ko at nagbihis. Ilang sandali pa natapos ako, suot ko na rin ang aqua shoes ko. I came prepared! Baka kasi ako maka apak ako ng maliit na bato masugatan pa ako. Nang bumalik ako abala na si James sa pag ihaw. Wala na itong baro pang taas at naka boardshorts na siyang pula. Napakagat na lang ako ng labi at umiwas ng tingin. Masakit ang sikat ng araw pero alam kong namula ako dahil tumama ang mga mata namin ni James ang hinayupak ngumisi lang. Patakbo akong lumusong sa malinis na dagat. Lumangoy ako ng lumangoy. Pinagod ko ang aking sarili. “Aryanna gusto mo ng barbecue?” Malakas na sigaw ni James. Agad akong umahon. Buti na lang talaga naka rash guard ako kung hindi sunog ang balat ko. “Mukhang masarap 'yan ah.” “Syempre masarap, kasing sarap ko.” Muntik ko ng maibuga sa kanya ang BBQ na binigay niya. “Alam mo minsan may saltik ka!” “Ikaw lang nagsasabing masarap ka!” “Bakit hindi mo tikman para magkalaman, ano deal?” “James!!!! Argghhh! BBQ ang kakainin ko hindi ikaw!” “Pwede naman ako tikim lang!” “Ang manyak mo talaga! Umayos ka nga!” “Nag-aral ka ba? Hindi mo ata alam ang meaning ng maniac sa lustful person. Gusto mo i-define ko with execution?” Nilandian pa niya ang boses nito. “H’wag na iyo na yang BBQ maliligo na ako!” “Oy, Arya ito naman joke lang kain kana dali.” Nang matapos kaming kumain ng BBQ naligo kaming sabay ni James, wala itong ginawa kundi asarin ako at sabuyan ng tubig alat. Inis na inis ako hanggang sa iniwan ko siya sa dagat at naglaro ako ng sand castle sa dalampasigan na parang bata hanggang sa paglubog ng araw. Sabay namin iyong sinalubong ni James. It was the most beautiful sunset. “Ganda, no?” “Yeah,” simpleng sagot ko kay James. Hindi na kami nagkibuan. Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Hanggang sa inabot na kami ng takip silim. Nagbanlaw na ako si James naman nag handa ng bonfire. Nakalagay na nag beach mat sa buhanginan. May pillow din. Hindi na kami nag dinner kasi wala naman kaming ginawa kundi nilantakan ang BBQ na niluto niya. But James prepares a sandwich in case we get hungry and juices. Umupo ako sa mat si James naman nakahiga. Hinila niya ako patabi sa kanya. “Star gazing is perfect when you are lying down, para hindi sasakit ang batok mo.” Hindi ako nagsalita. Inabala ko ang aking sarili sa magagandang bituin na nagkikislapan sa kalangitan. “Arya?” “Hmm?” Hindi sumagot si James. Nilingon ko siya, nagtama ang aming mga mata. Amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga na tumatama sa aking pisngi. “Kung manliligaw ba ako sayo ng pormal pwede?” My body became stiff. My hands are shaking. My heart beats faster. Agad akong umiwas. “Hindi mo pa ako kilala, James and my dad won’t allow it.” Puno ng kalungkutan ang boses ko. “I like you, Aryanna. Can you give me a chance?” Napaawang ang labi ko, then out of nowhere, James claimed my lips softly and tenderly…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD