ARYANNA’s POV:
I was happy after those first kisses but consumed with worries. What now? No words came out of my mouth. His kiss demanded my response. I am a novice at it, but I follow James’s movement. It filled me with warmth, sweetness, and a sense of ecstasy. He pulled me even closer. A soft moan escaped from our lips. James stopped and looked at me. Our eyes met; they were filled with emotions that I could not name.
He gets up and places his hand in front of me. “Your mom is waiting.” It was the saddest and most serious tone I had heard from him. Hindi ko tinanggap ang kamay niya. Agad akong tumayo at tumakbo papuntang parking where he parked his car. I can’t contain the tears from falling.
“Aryanna!”
Hindi ako lumingon. Parang wala akong narinig. Gusto ko rin naman siya pero paano ba? Is it possible to fight it when I am already losing from the very beginning? Agad akong pumasok sa sasakyan. Ipinikit ko ang aking mga mata. In excruciating pain, my heart pounded. The pain of not knowing what to do or how to feel. Ramdam ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng kotse niya. Hindi ako nagmulat. It was dark anyway. Ramdam ko rin ang pag usad ng sasakyan. Wala kaming kibuan sa isa’t isa. After two hours of travel. Hindi ko namalayan na tuluyan akong nakatulog. Mga haplos sa aking pisngi ang gumising sa akin kasabay ng malamyos na boses ni James.
“Arya, we are here.” Imporma niya. Parang tulog pa ang diwa ko. Unti-unti akong nagmulat ng aking mga mata. He was looking at me intently.
“So—sorry nakatulog ako.” I heard him chuckle.
“Yeah, peacefully, after you left me,” akusa niya sa akin.
“Kanina pa ba tayo nakarating?” Wala sa loob kong tanong.
“Yeah, it has been like twenty minutes, and I am staring at the sleeping beauty. It made me smile. I don't want to wake you up, but your mom is looking at me. So, I have to.” Mahabang pahayag ni James. He forced himself to smile for me. I think it is goodbye then.
“Ah—sige mauna na ako, salamat pala sa magandang experience James, babaunin ko.” It was mysterious statement. Since the moment I stepped foot in our house, I was different. Aryanna na laging oo ang sagot, Aryanna na hindi marunong humindi. The only thing I could do was nod and accept everything that was in front of me.
Ayoko pang umalis, pero wala naman akong choice. Nang tuluyan akong bumaba kumaway ako sa kanya pero hindi na niya ako tinapunan ng tingin. Binuksan ko ang kotse ni mommy. There was an obvious expression of sympathy on her face. Umusad na ang sasakyan ni mommy, but James's car is still there. Until mom turns right to exit the highway. Pinisil ni mommy ang kamay ko.
“I hope you had fun with him.” Hindi ako sumagot. Ibinaling ko ang aking paningin sa madilim na kalsada. Pero bumalong ang luha sa aking mga mata. Inabutan ako ni mommy ng tissue box ipinatong sa aking kandungan. Iniyak kong lahat ang laman ng puso ko. Hindi ko man mapangalanan iyon but James has always special place in my heart. Nang nasa SLEX na kami.
“Fix yourself. Your dad is already at home. Akala ko bukas pa ang uwi niya. He was early.” Sinalakay ako ng matinding takot.
“Did he know?”
“I am not sure, Yannah, but I hope not.”
“I am ready anyway. I got used to it. Ever since.” Matabang kong tugon kay mommy.
“I am sorry anak, hindi kita kayang ipagtanggol sa daddy mo.” I felt that. Her regrets.
“Bakit hindi mo na lang ako itakas sa kanya mommy. O kaya lalayo ako mag isa. Bakit nakakaya mong tingnan ako na naghihirap. Bakit hindi mo na lang ako ilayo. Kahit maghirap ako, kahit ako lang mag -isa okay lang, kakayanin ko h’wag mo lang akong ipagkanulo kay dad.” Puno iyon ng panunumbat. Hiling na sana matauhan siya at tulungan niya akong lumayo.
“This is bigger than you think Aryannah. Kung kaya ko sana matagal ko nang ginawa.” Mapakla akong tumawa.
“Yeah, right? You’re supposed to be my beacon of hope and protection. You did, but it wasn’t enough.” Iyon na ang huling salita ko. Hindi na ako kumibo. Hanggang sa makarating kami sa mansyon. Bukas ang aming double door. Nawala ang takot ko. Pero namanhid na ang buong pakiramdam ko. Nang pumasok kami sa bahay nakita ko agad si dad na naka upo sa mahabang sopa. He was holding a stick. It wasn't an ordinary stick. It was made for me. Kahit may suot ako pero tumatagos ang sakit. He beat me in the butt because it was hidden.
Agad akong dumapa sa kabilang sopa. “So alam mo talaga na may kasalanan ka. Lumalandi ka kasama ng mommy mo! At ikaw Agatha hinayaan kita sa gusto mong mangyari h’wag mo lang pakikialaman si Aryanna!” Dumadagundong ang boses ni dad sa tindi ng galit niya. My mom was quiet. I knew it. Hawak ni dad si mommy sa leeg kung ano man iyon sila lang dalawa ang nakakaalam.
“Let’s get it over dad.” Mahigpit ang hawak ni dad sa buhok ko, sa likod ng aking ulo. Malakas niyang hinila iyon parang mabali ang aking leeg. Pero walang luha na tumulo sa aking mga mata. Unang lapat ng palo sa aking pang-upo. Napa-igik ako sa sobrang sakit. Makailang ulit iyon. Pero walang pagmamakaawa na gaya ng dati. Halos panawan na ako ng ulirat sa sobrang sakit. Hindi ko pinigilan si Dad. He strikes my buttocks again and again. Tiniis ko ang sakit. Hindi ko na halos mabilang kung ilang beses dumapo ang mga iyon. Kinakagat ko ang aking pang ibabang labi. Nalasahan ko na rin ang aking dugo. Hanggang sa kusang tumulo ang aking luha. Tahimik akong umiyak.
“Arnolfo that’s enough!” Saway ni mommy. I smirk. I look at her with emotionless eyes. Ramdam ko na rin ang pamamanhid sa aking puwetan pero hindi ako nag reklamo.
“Stop? Hindi nga ako pinipigilan ng suwail mong anak! Tapos sasabihin mong enough?!” Sabay hampas ulit ng ilang beses hanggang sa hindi ko na kinaya ang sakit. Nawalan na ako ng malay…
Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng ulirat, the pain was gone now. Because dad injected me with morphine. A strong drug to ease the pain. Paika-ika akong naglakad papuntang banyo. Hinubad ko ang aking damit. There, the bruises. Halos wala ng paglagyan iyon. I am looking at myself in the mirror. Hanggang kailan ka magtitiis Aryanna? Although I kept repeating those questions in my head, I haven't found the answer. Siguro kapag patay na ako?
I took another advil. Naghilamos ako ng mukha. Bumalik ako ng kama. Sinuri ang relo sa bedside table ko. It was eleven p.m. Pinilit kong makatulog dahil papasok ako bukas sa school.
Ala-singko pa lang bumangon na ako. Agad akong uminom ng panibagong pain reliever kahit walang laman ang tiyan ko. I can't barely walk. Nang makaligo na ako, agad akong nagbihis. Paglabas ko ng banyo, my mom was crying. Nilampasan ko siya at pumasok sa aking walk-in closet para kunin ang mga gamit ko.
“Yannah anak.” Garalgal ang boses niya. Tinaas ko ang aking kamay.
“Don’t bother explaining mom, hawak ka ni dad sa leeg. I hope it is worth it. I have accepted my fate. But I hope your choice was more valuable than mine.” I walk out of my room. Hindi na ako pumunta sa kusina.
“Yannah!” Hindi ko nilingon si mommy pero diretso lang akong bumaba sa hagdan hanggang makarating ako sa labas kung saan naghihintay ang driver.
“Good morning, Ma'am Arya,” bati sa akin ni Mang Pedring. Tumango lang ako at pumasok sa naka bukas na pintuan. I stayed quiet. I need to train myself because later another pretentious Aryanna will come out.
Humimpil ang sasakyan ilang metro ang layo mula sa main gate. Alam na ni Mang Pedring iyon. He understands. Agad akong umibis ng sasakyan. Agad rin umusad ang sasakyan ni Mang Pedring. Humugot ako ng malalim na buntong hininga. Unti-unti ko nang nararamdaman ang kirot mula sa aking pang-upo. Diretso ako ng canteen para bumili ng maiinom. Ilang minuto pa lang akong nakakainom ng dalawang tableta kanina dapat hindi pa ito masakit pero ramdam ko. Hindi ko alam kung paano uupo mamaya ng matagal. Natanawan ko si Xenia nakaupo sa bench malalim na naman ang iniisip.
“Hoy bruheldang maganda tulala kana naman!” Panggulat ko sa kanya.
“Aray naman Arya!” Nakasimangot niyang bulyaw sa akin.
“Bakit ang tahimik mo kasi!” Naiiritang tanong ko sa kanya.
“Wala!” Simpleng sagot ko nito. Sumimangot ako sa kanya at bumuntong hininga. Pareho nga kami ng kapalaran. Mayaman nga lang ang daddy ko. Si Xenia kailangan niyang mag-aral at mag trabaho.
“Magkano?!” Walang gatol na tanong ko sa kanya. Tinirikan ko lang siya ng aking mga mata at ngumiti.
“Kailangan ko ng isa pang part-time Arya!” Napamulagat ako. She never sleeps. Kung tutulog siya halos ilang oras lang. I don’t know kung paano niya nakakaya 'yon.
“Ano ka ba naman Xenia! Halos hindi ka nga natutulog magdadagdag ka na naman ng part-time!” Halos lumabas na nag ugat ko sa leeg. Dahil kontra ako sa balak niya. She walked out of me. Since elementary school and high school, we have been classmates. That was my disguise. Hindi ko alam bakit hindi niya alam na mayaman ako. Oh, dahil masyado siyang busy kakahanap ng trabaho para kumita dahil kay Rowan. Nasundan ko na lang siya ng tingin at napailing. Sinasaktan din siya ng mga magulang niya kapag walang maiabot na pera. Ako naman sinasaktan kapag hindi ko sinusunod si Dad.
My whole class was fine. Nakauwi naman ako ng maayos. Kapag uwian kailangan kung umiwas kina Xenia at Rommel minsan hindi ko talaga kaya si Mang Pedring ang sumusunod sa akin. Baba na lang ako sa kunwaring bahay namin. Pagdating ko sa bahay. I heard laughter. He has a visitor. Nang pumasok ako. It was Javier. No!
“Good afternoon, Aryanna,” malapad ang ngiti nito sa akin. Agad kinuha ng katulong ang bag ko. Tumingin ako kay dad bago ako sumagot. His eyes were glaring at me with anger. I smiled sweetly at Javier.
“Javier, how are you? Napadalaw ka?” Masiglang bati ko, pero gusto ko na lang sana bumuka ang lupa at lamunin ako. My dad is smiling devilishly.
“Bueno iwan ko muna kayong dalawa, may aasikasuhin lang ako. Aryanna?”
“Dad.” Sabay tango. Alam ko na ang gusto niyang ipagawa sa akin. Treat Javier well or else another round of punishment. Nang marinig ko ang papalayong sasakyan ni Dad, hinarap ko si Javier.
“Would you prefer in the garden or in the theater room?” I asked him and smiled sweetly. Pero gusto ko nang kumaripas ng takbo papalayo sa kanya kung pwede lang.
“I like to smell the fresh air.” Tugon niya at nag patiunang maglakad palabas.
“Manang Arnie padala ng snack sa gazebo please.” Hindi ko na hinintay na sumagot siya. I know she heard me.
Nang makarating kami ni Javier sa gazebo. He sat like he owned the place. He was domineering. His aura was authoritarian and scary. Pero hindi ko pinakita na takot ako sa kanya. I master how to act in front of him, or in front of any guy my father wants to pair me with.
“Your dad and I talk about us.” Sinalakay ako ng panlalamig ng buong katawan. Nahigit ko ang aking paghinga. Para akong biglang sinakal. Pakiramdam ko namamanhid ang aking buong katawan. Hindi ako umimik o sumagot man lang.
“Aryanna?” Pukaw ni Javier sa akin.
“Hmmm?”
“I am in love with you...”